Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pontificio Collegio Filippino, benepisyaryo ng “eDonate platform” ng BPI

SHARE THE TRUTH

 21,046 total views

Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma sa BPI (Bank of the Philippine Islands) para sa pagpili sa collegio bilang isa sa mga benepisyaryo ng eDonate platform nito.

Ayon sa Pontificio Collegio Filippino na kasalukuyang pinangangasiwaan ni collegio rector Rev. Fr. Gregory Gaston, isang malaking biyaya ang pagkakapabilang sa mga benepisyaryo ng eDonate Platform ng nasabing banko.

Pagbabahagi ng collegio, malaki ang maitutulong ng naturang hakbang para sa patuloy na pagsasakatuparan ng misyong gabayan at hubugin ang mga Pilipinong pari na ipinadadala sa Roma ng kanilang mga Obispo at kongregasyon upang higit na makapag-aral at mapalalim pa ang kanilang bokasyon bilang isang lingkod ng Simbahan.

“BPI (Bank of the Philippine Islands) selects Collegio Filippino as a beneficiary for its eDonate platform. We sincerely thank BPI for this channel and opportunity to create support for the ongoing formation of our Priests in Rome, who are sent by their Bishops to do further studies while residing at the Collegio Filippino…” Bahagi ng pahayag ng Pontificio Collegio Filippino.

Ang Pontificio Collegio Filippino ay itinatag noong 1961 sa pamamagitan ni Pope John XXIII bilang ‘Home in Rome’ ng mga Pilipinong pari na nag-aaral sa mga unibersidad sa Roma.

Taong 1961 nang basbasan ni St. John XXIII ang PCF kung saan umaasa ang dating Santo Papa na maging lugar ng paghuhubog ang gusali para sa higit na paglago ng karunungan ng mga lingkod ng Simbahan na makatutulong sa kanilang misyon bilang pastol ng Simbahan sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan may mahigit sa 40 ang mga pari ang naninirahan sa collegio, kabilang na ang mahigit sa 30 mga Filipino habang nasa 10 naman ang mga pari na mula sa mga diyosesis ng Burkina Faso, Cameroon, Congo, Japan, India, Sri Lanka, Taiwan at Vietnam.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG OMBUDSMAN

 11,503 total views

 11,503 total views Isang buwan ng pinag-uusapan sa bawat sulok ng Pilipinas ang multi-bilyong pisong “Flood control projects” fiasco. Ito na ang maituturing na “mother of

Read More »

JOBLESS

 28,600 total views

 28,600 total views Nakakalungkot na reyalidad sa ating bayan, napaka-mahal ang edukasyon, butas-butas ang bulsa ng mga magulang upang maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak, makapagtapos

Read More »

Cha-cha talaga?

 42,832 total views

 42,832 total views Mga Kapanalig, umuugong na naman ang panukalang amyendahan ang ating Saligang Batas.  Isa sa mga nagbunsod nito ay ang hindi pagkakasundo ng mga

Read More »

Mga mata ng taumbayan

 58,820 total views

 58,820 total views Mga Kapanalig, mainit na usapin pa rin ngayon ang mga maanomalyang flood control projects. Bilyun-bilyong piso kasi ang inilalaan ng ating pamahalaan para

Read More »

Bumabaha sa katiwalian

 77,319 total views

 77,319 total views Mga Kapanalig, hindi lang dismayado si Pangulong Bongbong Marcos Jr sa mga anomalyang nakapalibot sa malalaking flood control projects. Galit na raw siya.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top