Pope Francis, boses ng mahihirap at kalikasan-CMSP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,652 total reads

Nakikiisa ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) sa Sambayanang Katoliko at sa buong sangkatauhan sa pagdadalamhati sa pagpanaw ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Sa pahayag, inalala ng CMSP ang punong pastol ng Simbahang Katolika na namuhay nang may kababaang-loob–isang propetang nagsalita ng katotohanan nang may kahinahunan, at isang ama na nagpakita ng higit na malasakit sa mga nasa laylayan ng lipunan.

“Pope Francis was more than a pontiff; he was a witness of Gospel simplicity and joy, a voice for the poor and the earth, a tireless advocate for peace and justice. In his call for a synodal Church, he reminded us that the path forward is one of listening, dialogue, and walking together,” ayon sa CMSP.

Kinilala ng kapulungan ang mga mga makabuluhang ensiklikal ni Pope Francis–ang Evangelii Gaudium, Laudato Si’, at Fratelli Tutti—na patuloy na gumigising sa mga puso at damdamin ng sangkatauhan upang higit na maunawaan ang malalim na ugnayan bilang iisang pamilya at ang tungkuling pangalagaan ang nag-iisang tahanan.

Bilang mga relihiyoso’t relihiyosa sa Pilipinas, kinikilala rin ng CMSP si Pope Francis bilang huwaran ng pagiging malapit sa kanyang kawan sa pamamagitan ng paghikayat na bisitahin ang mga nasa laylayan, maging tulay ng awa ng Diyos, at isabuhay ang bokasyon nang may kagalakan, habag, at tapang.

“His life was a parable of hope—quiet yet bold, grounded yet visionary… May we, inspired by his witness, continue the journey as pilgrims of hope—rooted in Christ, journeying together, and committed to a future of fraternity, justice, and peace,” saad ng CMSP.

Si Pope Francis, na ang tunay na pangalan ay Jorge Mario Bergoglio, ay sumapi sa Orden ng mga Heswita noong March 11, 1958, inordinahan bilang pari noong December 13, 1969, at nagsilbing provincial superior ng mga Heswita sa Argentina mula 1973 hanggang 1979.

Itinalaga siya bilang Arsobispo ng Buenos Aires noong Pebrero 28, 1998; ginawang Kardinal ni San Juan Pablo II noong Pebrero 21, 2001; at nahalal bilang ika-266 na Santo Papa noong Marso 13, 2013, kung saan pinili niya ang pangalang Francis bilang paggunita kay San Francisco ng Assisi, patron ng mga dukha at kalikasan.

Pumanaw si Pope Francis sa edad na 88 taong gulang nitong Lunes ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, April 21, 2025, ganap na alas-7:35 ng umaga (oras sa Roma), sa Casa Santa Marta sa Vatican City.

Isinapubliko ng Holy See Press Office ang medical report mula kay Vatican Directorate of Health and Hygiene Director, Dr. Andrea Arcangeli, na nagsasaad na ang sanhi ng pagpanaw ng Santo Papa ay stroke na sinundan ng comatose at irreversible cardiocirculatory collapse.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 238,522 total reads

 238,522 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 270,251 total reads

 270,251 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 372,077 total reads

 372,077 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 412,638 total reads

 412,638 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 423,314 total reads

 423,314 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 143,744 total reads

 143,744 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top