Pope Leo XIV: Gabay at Edukasyon, Sandigan ng Kabataan Laban sa Panganib ng AI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,915 total reads

Naniniwala si Pope Leo XIV na ang wastong edukasyon at gabay sa paggamit ng teknolohiya ang susi upang maprotektahan ang mga bata at kabataan sa panahon ng artificial intelligence (AI).

Ito ang naging mensahe ng Santo Papa sa pagpupulong sa Vatican hinggil sa “dignity of children and adolescents in the age of artificial intelligence.”
Ayon sa kanya, mahalagang ang mga magulang, guro at institusyon ay maging mas mulat sa epekto ng AI sa paghuhubog ng isip at asal ng kabataan.

Binigyang-diin ng santo papa na ang mga menor de edad ay “particularly vulnerable to manipulation through AI algorithms” na maaaring makaapekto sa kanilang mga pagpili at kagawian.

“Only by taking an educational, ethical and responsible approach can we ensure that artificial intelligence serves as an ally, and not a threat, in the growth and development of children and adolescents,” pahayag ni Pope Leo XIV.

Giit pa ng Santo Papa, hindi sapat ang pagkakaroon lamang ng mga polisiya sa paggamit ng teknolohiya; kinakailangan ding palakasin ang digital education upang maging bukas ang kamalayan ng publiko sa tamang paggamit ng AI.

“Safeguarding the dignity of minors cannot be reduced to policies alone; it also requires a digital education. Governments and international organizations have a responsibility to design and implement policies that protect the dignity of minors in this era of AI,” dagdag ng santo papa.

Umapela rin si Pope Leo XIV sa mga nakatatanda na maging aktibong tagapag-gabay, hindi lamang sa pagbibigay ng impormasyon kundi sa mismong paghubog ng karakter ng kabataan sa mundo ng teknolohiya.

“Adults must rediscover their vocation as ‘artisans of education’ and strive to be faithful to it. This is a vital exercise in safeguarding human originality and connectedness, guided by respect for human dignity as a fundamental value,” ayon sa Santo Papa.

Matagal nang turo ng Simbahan, mula pa sa ensiklikal na Inter Mirifica noong 1963, na ang teknolohiya ay dapat gamitin para sa kabutihan—para sa pagpapalaganap ng katotohanan at pagpapatibay ng moral na pamumuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 22,594 total reads

 22,594 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 59,995 total reads

 59,995 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 78,206 total reads

 78,206 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 162,534 total reads

 162,534 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 198,845 total reads

 198,845 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 3,055 total reads

 3,055 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top