Positive net rating ng administrayong Duterte, isang hamon

SHARE THE TRUTH

 202 total views

Nagpasalamat at itinuturing na positibong hamon ng Malacanang ang resulta ng net satisfaction rating na nakuha ng Duterte Administration para sa ikatlong quarter ng 2016 na umabot sa +66% (positive 66%).

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, magandang panimula ang naturang resulta para sa unang taon sa katungkulan ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Pagbabahagi pa ni Andanar, mas lalo pang pagsisikapan ng bagong administrasyon na mapabuti ang bansa, alinsunod na rin sa ipinangako nitong pagbabago sa mga mamamayan sa lipunan noong panahon ng halalan.

“We thank the Filipino people for giving the highest initial net satisfaction rating obtained by an administration to the Duterte Administration. The ‘very good’ +66 net satisfaction rating of the Duterte Administration is a source of inspiration and strength to the President and his entire team to double their time and energy to rid society of drugs, criminality and corruption while bringing the fruits of sustainable inclusive development down to our grassroots,” ang bahagi ng pahayag ni PCO Secretary Martin Andanar.

Batay sa resulta ng 3rd quarter 2016 Social Weather Stations (SWS) survey, nakakuha ng ‘very good satisfaction rating’ ang Duterte Administration, kung saan matatandaang bago pa man ang halalan ay una ng naitala ng SWS ang positive 26 percent na trust rating para kay Pangulong Duterte.

Sa kabila nito, tiniyak ng kalihim na walang dahilan para maging kampante ang administrasyon at sa halip ay dapat pang patuloy na magsumikap upang ganap na maipatupad ang mga programa ng pamahalaan partikular na sa kasalukuyang kampanya kontra iligal na droga, korupsiyon at kriminalidad.

“Let these survey results not lull us to complacency. The President, as we all know, has been elevating the consciousness of our people from the gravity of the drug problem and the threat of terrorism and lawlessness. This means much work has to be done and we all need to roll up our sleeves and buckle down to work and get things done..” dagdag pa ni Andanar.

Kaugnay nga nito, una nang nag-alay ng Oratio Imperata ang Simbahang Katolika para sa panalangin ng pagsusumamo sa Panginoon para sa mga bagong lingkod bayan upang mamuhay ng marangal at tuwirang itaguyod ang katotohanan at pagbabago na matagal ng hangad ng mga mamamayan.

Ayon nga sa Kanyang Kabanalan Francisco, “Ang Pulitika ay isa sa pinakamataas na paraan ng pagmamalasakit sa kapwa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 21,382 total views

 21,382 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 38,795 total views

 38,795 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 53,439 total views

 53,439 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 67,285 total views

 67,285 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 80,376 total views

 80,376 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 18,512 total views

 18,512 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagtatakip sa katotohanan, isang kasalanan

 10,850 total views

 10,850 total views Naniniwala si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang pagpapaliban o pag-antala sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ay maituturing na

Read More »
Scroll to Top