Pagbabahagi at malasakit, simulan sa LGUs ngayong pasko-DILG

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 277 total views

Hinamon ng Department of Interior and Local Government ang mga Lokal na pamahalaan sa bansa na simulan ang pagbabago at magbahagi sa kanilang kapwa LGUs.

Kaugnay dito, hinimok ni DILG Secretary Ismael Sueno ang mga LGU na makibahagi sa Innovative Solutions Bank ng Local Government Academy na layuning pabilisin ang koleksyon, pamamahagi at paglikha ng mga solusyon para sa mga problemang kinakaharap ng lokal na pamahalaan.

“LGUs and the sovereign Filipino citizenry are in better times nowadays. Exemplar LGUs can systematically share their process of local governance best practice to replicating LGUs through the Innovative Solutions Bank. This is a manifestation of being partners for change with compassion (malasakit),” pahayag ng kalihim.

Dito sasailalim sa pagsasanay ang mga LGU upang matutunan nitong gayahin ang mabubuting polisiya at proyekto ng iba pang lokal na pamahalaan kung saan ang pagtutulungan ay isang mabuting panimula para sa darating na bagong taon.

“Let’s start the incoming year with the spirit of sharing and caring for an inclusive nation-building,” dagdag pa nito.

Samantala, hinimok rin ng kalihim ang mga Senior Local Government Officials na magbahagi ng karanasan sa mga Newly Elected Officials o NEO.

Ayon kay Sec. Sueno, sa ilalim ng programa ng LGA na “Mentoring for Optimal Leadership and Development,” o “MOLD the NEOs Program” ay malilinang ang leadership skills ng mga bagong opisyal at matututo ang mga ito ng bagong istratehiya sa pamamalakad ng komunidad.

Dagdag pa ni Secretary Sueno, sa pamamagitan ng pagbabahaginan ng oras at kasanayan ay maihahatid sa mamamayan ang tunay na serbisyong pagbabago.

“Let us share what’s within our capability to bring about real change. I call on our more knowledgeable and experienced local officials to share their time and expertise to the NEOs,” pahayag ni Sec. Sueno.

Sa tala ng National Statistics Authority mayroong 1,490 munisipalidad sa bansa na binubuo naman ng 42, 065 mga Barangay kung saan una na silang hinihikayat ng Kanyang kabanalan Francisco na magkaisa at itaguyod ang mabuti para sa nakararami upang mapaunlad ang lahat sa komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 35,873 total views

 35,873 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 59,025 total views

 59,025 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 129,139 total views

 129,139 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 203,753 total views

 203,753 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 281,194 total views

 281,194 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 350,484 total views

 350,484 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top