Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 892 total reads

Kapanalig, economic recovery dapat ang tutok o focus ng bagong administrasyon ngayon. Ang laki ng nawala sa ating bansa dahil sa pandemya. Napakaraming mga Filipino ang naghihirap.

Unti-unti mang nagbubukas ang ekonomiya, gumapang naman pataas ang inflation rate ng bayan. Kahit gaano pa natin ito i-deny, nasa 6.1% na ang inflation rate ng ating bansa. Ang taas nito ay balakid sa recovery o pagbangon ng mga Filipino.

Ayon sa report ng Bangko Sentral nitong Mayo, ang pagtaas ng presyo ng langis ang isa sa pangunahing rason ng pagtaas ng mga key domestic items. Malaki ang epekto nito sa presyo ng bilihin sa ating bansa dahil nasa mahigit $100 kada barrel ang langis. Linggo-linggo, tumataas ng tumataas ang presyo ng gasolina at krudo, na siya namang mitsa upang tumaas ang iba pang presyo ng mga bilihin. Ano ba ang maaaring magawa ng ating pamahalaan upang mapagaan man lang ang dalahin ng ordinaryong Filipino?

Sa ordinaryong Filipino, ang mataas na inflation ay nangangahulugan ng pagtaas ng cost of living. Syempre, mas apektado dito lagi ang pinaka-mahirap sa ating hanay. Ang kita nila kada araw hindi tumataas, pero ang halaga ng mga produktong kanilang binibili ay tumaas na ang presyo. Suma total, para magkasya ang pera, mas kaunti na lang o mas mababang uri ng bersyon ng mga produktong kanilang tinatangkilik ang kanilang nabibili. Minsan pa nga, dahil sa taas ng presyo, hindi na lang bumibili.

Ang mataas na inflation ay isang malaking poverty trap kapanalig. Nakukulong nito ang maraming Filipino sa kahirapan, at sa pagtaas nito, pinaparami pa ang bilang ng mga mahihirap na nakukulong sa kawalan. Nawawala ang kanilang purchasing power, at napipilitan silang mangutang para lamang maka-survive.  Ang utang nila kapanalig,  ay mula sa mga informal sources, gaya ng mga kakilala o kaanak o maski five-six. Wala silang matatabi kapanalig. Hindi pa dumadating ang sweldo nila,  ubos na ito dahil sa taas ng bilihin at sa dami ng utang.

Kapanalig, kailangan ng agarang tulong ng ating mga kababayan ngayon. Ang projections ng ating mga eksperto nitong mga nakaraang buwan ay nasa mga 4% lamang ang inflation rate, ngunit ngayon, umabot pa ito sa napakataas na 6.1%. Isa sa mga relief measures na inaasam ngayon ng maralita ay ang subsidiya – pantawid sa panahon ng kagipitan ngayon.

Sa panahon ng kagipitan ng bayan, kapanalig, ang maralita ang unang-unang tinatamaan. Dito natin masusubukan ang ating commitment sa pagkakaisa. Kaisa ba natin ang maralita sa ating misyon tungo sa kaunlaran, o hahayaan natin silang maiwan? Pakinggan natin ang gabay mula sa Economic Justice for All: The obligation to provide justice for all means that the poor have the single most urgent economic claim on the conscience of the nation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 19,577 total reads

 19,577 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 118,351 total reads

 118,351 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 201,381 total reads

 201,381 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 295,713 total reads

 295,713 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 356,601 total reads

 356,601 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 19,578 total reads

 19,578 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 118,352 total reads

 118,352 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 201,382 total reads

 201,382 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 295,714 total reads

 295,714 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »
Scroll to Top