Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Prayer power

SHARE THE TRUTH

 157 total views

Labis ang pasasalamat ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa mananampalatayang dumalo at nakiisa sa solidarity mass na ginanap sa Immaculate Conception Cathedral nitong ika – 27 ng Hulyo.

Ayon sa Obispo ito ay nagbigay ng sapat na lakas ng loob at tapang na harapin ang anumang pagsubok na pinagdadaanan ng tao dahil sa pag-ibig ng Diyos na ipinadama sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga mananampalataya.

“We see the power of prayer which an expression of deep love, kapag tao ay nagdarasal nagkakaroon ng lakas, talagang lakas ng Diyos, doon ka huhugot ng kailangan mong harapin anuman ang krisis na dapat mong harapin sa buhay,” pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi pa ni Bishop Ongtioco na pananalangin ay isinusuko sa Diyos ang lahat ng mga pinagdadaraanan at nagpapasailalim sa kalooban ng Diyos.

Ang solidarity mass ay inisyatibo ng pari ng diyosesis bilang pagpakita ng suporta sa kanilang pinunong pastol na kabilang sa 35 indibidwal na sinampahan ng kasong sedition na iniugnay sa pagkalat ng videong ‘Ang Totoong Narcolist’ ni Peter Joemel ‘Bikoy’ Advincula.

Sa homiliya ni Fr. Steve Zabala, ang Vicar General ng diyosesis iginiit nito na hindi kailanman gawain ng kanilang Obispo ang paninira ng mga tao at higit sa lahat ang paninira sa pamahalaan subalit isa itong taong nagpapastol sa milyong mananampalataya na iniatang sa kanyang pangangalaga.

“The passion of Bishop Nes is the passion of the Good Shepherd – caring for the flock, gathering them safely in God’s embrace, feeding them with God’s Word, and protecting with God’s providence,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Zabala.

Patuloy ipinagdadasal ng mamamayan ang ikatatagumpay ng pamahalaan at umaasang nawa’y pairalin ng mga namamahala ang katarungan, pagkakapantay-pantay at higit sa lahat ang katotohanan kasabay ng pagtiyak ng buong sambayanan kay Bishop Ongtioco ng kanilang buong suporta.

“Bishop Nes we gather here today to show you our support, we are here to stand with you.”

Binigyang diin naman ni Bishop Ongtioco na sa tulong ng Banal na Espiritu at ng buong sambayanan ay iiral ang katotohanan sa lipunan kaya’t hinimok ang bawat isa na ipanalangin ang katotohanan sa pagiging mga anak ng Diyos at muling iginiit ang pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa sa pamayanan.

“I am a man of peace and I always be a man of peace,” giit ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.

Bukod sa diyosesis ng Cubao ay sabay ding ginawa ang solidarity mass para kay Bishop Ongtioco sa Diyosesis ng Bataan sa pangunguna ni Bishop Ruperto Santos bilang dating nanilbihan si Bishop Ongtioco sa Bataan bago italagang Obispo ng Cubao noong 2003.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 24,803 total views

 24,803 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 32,284 total views

 32,284 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 45,424 total views

 45,424 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 51,397 total views

 51,397 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 57,150 total views

 57,150 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top