Prayer Warriors against corruption, inilunsad ng OneGodly Vote-CARE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,040 total reads

Opisyal ng inilunsad ng ONE GODLY VOTE – Catholic Advocates for Responsible Electorate (C.A.R.E.) ang Prayer Warriors Against Corruption na isang panibagong inisyatibo na layong palakasin ang panawagan para sa katapatan at mabuting pamamahala sa bansa.

Ayon kay Rev. Fr. Jerome Secillano, Rector at Parish Priest ng National Shrine of Mary, Queen of Peace – EDSA Shrine; at isa sa mga convenor ng ONE GODLY VOTE – C.A.R.E., layunin ng Prayer Warriors Against Corruption na palakasin ang laban kontra katiwalian, hindi lamang sa pamamagitan ng mga programa at adbokasiya, kundi higit sa lahat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng sama-samang panalangin.

Paliwanag ng Pari, layunin ng inisyatibo na hubugin ang konsensya at kaalaman ng mga mamamayan upang makapili ng mga karapat-dapat na kandidato sa tuwing sasapit ang halalan sa buong bansa.

“Hindi tayo gagamit ng pera, hindi tayo gagamit ng kung ano pang impluwensya, ang gagamitin namin dito bilang isang Simbahan ay yung ang pagtuturo sa kanila. So we will also appoint leaders in the purok, in the barangay and we will call them coordinators, hindi para bigyan ng pera kundi para yun nga i-empower, para bigyan sila nitong Catholic Social Teaching. So kung baga ang gusto naming tumbukin dito ay yung paghuhubog din ng kanilang konsensya at saka kaalaman para mapili natin yung mga karapat-dapat na mga kandidato.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Secillano.

Sentro ng Prayer Warriors Against Corruption na maisulong ang 9 O’Clock Prayer Habit na isang panawagan na sa tuwing sasapit ang ika-9 ng umaga, ang bawat Pilipinong mananampalataya ay sandaling huminto upang taimtim na manalangin laban sa korapsyon sa lahat ng antas ng lipunan.

Binibigyang-diin din ng mga convenor na ang laban kontra katiwalian ay hindi lamang dapat iasa sa mga institusyon ng pamahalaan sapagkat ito ay isa ring tungkuling moral ng bawat mamamayan.

Paliwanag ni Fr. Secillano, sa pamamagitan ng sama-samang panalangin, hangad ng Simbahan na gisingin ang konsensya ng sambayanan upang pairalin ang integridad, katapatan, at pananagutan sa lahat ng gawaing pampubliko at pribado.

Pagbabahagi pa ng Pari nakaugat ang inisyatibo sa panawagan ng Simbahang Katolika para sa katarungang panlipunan, transparency sa pamamahala, at responsableng pakikilahok sa buhay pambansa, lalo na sa panahon kung saan mataas ang pangangailangan para sa malinis at tapat na pamumuno.

“Hindi lang tayo basta basta magpapa-impluwensya sa you know sa pera, sa pressures, patronage politics at ito ay kokontrahin natin sa pamamagitan nga ng Catholic Social Teachings, and then yung Catholic Social Teachings, dinagdagan pa natin ng ito na nga yung pagdarasal natin. So kung baga there’s a practical approach using the so called treasures of the church in the Catholic Social Teaching but at the same time yung prayer approach, so parang pinag-combine natin ito atleast naniniwala kami na ito’y magiging effective.” Dagdag pa ni Fr. Secillano.

Ang inisyatibo ang pinangangasiwaan ng ONE GODLY VOTE – Catholic Advocates for Responsible Electorate o C.A.R.E. katuwang ang Public Affairs Ministry ng Archdiocese of Manila.

Sa pamamagitan ng Prayer Warriors Against Corruption, hangad ng Simbahan na hikayatin ang mga pamilya, parokya, paaralan, at organisasyong pang-simbahan na aktibong makilahok sa pagtataguyod ng transparency, ethical conduct, at citizenship rooted in faith sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 11,549 total reads

 11,549 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 239,770 total reads

 239,770 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 133,236 total reads

 133,236 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 227,265 total reads

 227,265 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 271,044 total reads

 271,044 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top