Bayombong Bishop Mangalinao, nanawagan ng malawakang pagkilos kontra pagmimina sa Nueva Vizcaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,980 total views

Nanawagan si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ng mas matatag na pagkilos laban sa mapaminsalang pagmimina at sa pangangalaga ng kabundukan at watershed ng Nueva Vizcaya.

Sa pahayag matapos ang pagpupulong ng Religious and Civic Leaders Against Mining noong November 17, 2025, binigyang-diin ng obispo na ang banta ng pagmimina sa lalawigan ay hindi lamang lokal na usapin, kundi panganib na maaaring makaapekto sa buong Cagayan Valley Region.

Ayon kay Bishop Mangalinao, ang kabundukan at kagubatan ng lalawigan ang pinagmumulan ng tubig ng Magat at Cagayan River systems na bumubuhay sa mga sakahan at pamayanan sa Isabela, Quirino, at Cagayan.

“If our watersheds are destabilized, if our rivers are poisoned, or if our mountains are stripped bare, the harm will ripple downstream, affecting our sister provinces in ways both immediate and lasting,” pahayag ni Bishop Mangalinao.

Bilang konkretong hakbang, hinimok ng obispo ang bawat bayan at sektor na lumahok sa sabayang Human Chain sa November 30 bilang pakikiisa sa Trillion Peso March, na naglalayong ipakita ang pagkakaisa at tapang ng mga mamamayan, tulad ng barikada ng mga taga-Dupax del Norte, na araw-araw na nagtatanggol sa lupaing ninuno laban sa pagmimina.

Nanawagan si Bishop Mangalinao na magsuot ng puti ang lahat at isagawa ang pagkilos mula alas-2 hanggang alas-4 ng hapon sa mga pampublikong lugar, tulad ng harap ng simbahan, paaralan, o munisipyo.

Umaasa ang obispo na mapapansin at mapapakinggan ng mga lider sa iba’t ibang antas ang sabayang pagkilos, at hinimok ang mga pinuno ng mga pamayanan na anyayahan ang mga nasasakupan na makiisa bilang patunay ng malasakit at pagmamahal sa lalawigan.

“When we, as Novo Vizcayanos, stand together—simultaneously, visibly, and resolutely—across the province, our collective voice will be harder to ignore… United as children of Nueva Vizcaya, let us act out of shared love and responsibility for this beautiful land we call home,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Para sa karagdagang detalye, maaaring makipag-ugnayan kay Fr. Crispin Costales, Social Action Director ng diyosesis sa mga numerong 0917-163-3829.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 26,064 total views

 26,064 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 54,069 total views

 54,069 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 71,869 total views

 71,869 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 70,816 total views

 70,816 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 181,374 total views

 181,374 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 10,792 total views

 10,792 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top