ACN, nanawagan sa mga Pilipino na makiisa sa Red Wednesday

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,783 total reads

Nanawagan ang Aid to the Church in Need (ACN) – Philippines sa mga mananampalataya na makiisa sa nalalapit na paggunita ng Red Wednesday sa darating na Nobyembre 26, 2025.

Ayon kay ACN-Philippines National Director Max Ventura ang Red Wednesday ay isang taunang adhikain ng pontifical foundation ng Vatican upang gunitain at parangalan ang mga martyrs of the faith na nakararanas ng pag-uusig dahil sa pananampalataya sa iba’t ibang panig ng mundo.

Pagbabahagi ni Ventura, ang Red Wednesday ay isang pagkakataon din upang sariwain ang kabayanihan ng mga nag-alay ng kanilang buhay alang-alang sa pananampalataya.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkilala sa pitong (7) bagong martyrs of the faith sa Pilipinas, na kamakailan ay hinirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

“Nais ko po kayong anyayahan sa November 26, 2025 tayo po ay magdiriwang ng Red Wednesday, isa po itong okasyon upang gunitain ang mga martyrs of the faith. Gaya nga po ng ating nalaman may pito (7) pong bagong martyrs of faith dito sa ating bansa na hinirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).” Bahagi ng paanyaya ni Ventura sa Radyo Veritas.

Gaganapin ang pangunahing pagdiriwang ng Red Wednesday 2025 sa Metropolitan Cathedral of San Fernando, Pampanga, na pangungunahan ni Archbishop Florentino Lavarias kung saan inaasahan ang pakikibahagi ng mga pari, relihiyoso, at mga laykong tagapagtanggol ng pananampalataya mula sa iba’t ibang diyosesis.

Hinimok din ni Ventura ang publiko na tumutok sa Radyo Veritas at sa Facebook page ng ACN – Aid to the Church in Need, kung saan maaaring masubaybayan ang livestreaming ng selebrasyon at upang mabigyan ng pagkakataon ang mas marami pang mananampalataya na makibahagi sa taunang gawain.

Bilang simbolo ng pakikiisa at pagkilala sa mga martir, paiilawan ng pulang ilaw ang maraming simbahan at institusyong Katoliko sa buong bansa.

“So sa November 26, 2025 po ito po ay idadaos sa [Archdiocese of] San Fernando Pampanga sa kanilang Cathedral, ang mamumuno po sa ating selebrasyon ay si Archbishop Dung [Florentino] Lavarias. So mangyari lang po magmonitor din kayo sa ating Radyo Veritas, ito po ay ila-livestream. Makiisa po tayo sa isang magandang okasyon na ito, paiilawan po ng pula ang ating mga Simbahan bilang pagkilala sa mga nagbuwis ng buhay dala ng kanilang pananampalataya.” Dagdag pa ni Ventura.

Hinihikayat din ang lahat na magsuot ng kulay pula bilang pagkilala sa dugo at sakripisyong inialay ng mga Kristiyanong nagbuwis ng buhay para sa kanilang pananampalataya.

Ayon sa ACN Philippines mahalaga ang pakikiisa ng lahat sa pagdarasal at pag-alala sa mga Kristiyanong patuloy na inuusig sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Napiling tema ng Red Wednesday campaign ngayong taon ang ‘Living Hope Amidst Suffering’ o ‘Buhay na Pag-asa sa Gitna ng Pagdurusa’ na layuning higit na palaganapin ang pag-asa para sa mga Kristiyanong dumaranas ng pag-uusig sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Matatandaang Enero ng taong 2020 ng aprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang institutionalization ng Red Wednesday Campaign ng Aid to the Church in Need o ang pormal na pagtatalaga ng Red Wednesday bilang taunang pagdiriwang ng Simbahan sa buong bansa tuwing Miyerkules pagkatapos ng Kapistahan ng Kristong Hari na isang tanda ng hindi pagsasawalang kibo ang mga Pilipino sa dinaranas na hirap ng mga inuusig na Kristyano sa buong daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 40,916 total reads

 40,916 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 126,346 total reads

 126,346 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 173,083 total reads

 173,083 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 220,955 total reads

 220,955 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 323,020 total reads

 323,020 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top