Prusisyon sa ika-100 Pista ng Kristong Hari, pangungunahan ni Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,984 total reads

Muling inaanyayahan ng Clergy for Good Governance ang publiko na makibahagi sa ‘hindi pangkaraniwang kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan sa pamamagitan ng pananalangin at pagninilay.

Ang gawain ay gaganapin sa November 23, kasabay ng ika-100 taon ng Pista ng Kristong Hari na isasagawa sa Edsa Shrine sa temang ‘Christ the Servant King.’

Magsisimula ang programa sa alas-2:30 ng hapon sa prusisyon sa paligid ng Ortigas na susundan ng misang pangungunahan ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Pablo Virgilio Cardinal David.

Matapos ito, magkakaroon din ng ‘Celebration of Voices’ o mga pagninilay at karanasan ng iba’t ibang sektor ng lipunan.

“Hindi po karaniwang rally na sumisigaw, kundi nagbabahagi nang pagninilay at panalangin. Reflective and prayerful. Walang chanting, walang sloganeering. Each speaker will share a reflection, followed by a prayer,” ayon kay Fr. Robert Reyes, convenor ng CGG sa panayam ng Barangay Simbayanan.

Ayon pa kay Fr. Reyes, “Maganda na ang pagdiriwang ay maging pagkakataon ng sama-samang pagninilay, manalangin at magpakita na mahal natin…hindi lang ang Panginoon Diyos, kundi mahal natin ang Inang Bayan.”

Pinuna rin ng pari ang naging ‘timing’ ng paglalabas ng video message sa social media ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, kung saan inakusahan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Speaker Martin Romualdez na pangunahing may kinalaman sa P100 bilyon ‘insertion’ sa 2025 budget, kasabay ng 3-day Prayer Rally ng Iglesia ni Kristo sa Maynila.

“Nakakatakot kapag galit ang tao. At nakakatakot kapag ‘yung galit ay udyukan mo o mas magalit pa. kaya ‘yung mga nakaraang mga linggo. Iyong pasabog ni Zaldy Co, that was meant to anger people, to fire up anger.”

“We have to tame our emotions and we have to tame our aggression, kasi kung hindi, dahil kapag pumutok ang violence, ang karahasan ay mahirap nang pigilan,” giit pa ng pari.

Kaya’t panawagan ng CCG ang pananagutan at pagpapakulong sa lahat ng mga nagkasala sa bayan.

“Yes, with anger. But anger coupled with a deep belief in the democratic process,” ayon pa sa running priest.

Ang CCG ay samahan ng mga pari mula sa mga diyosesis sa Metro Manila at iba pang mga lalawigan na nagkaisa para sa pagsusulong ng mabuting pamamahala sa gobyerno.

Ang hakbang ay bilang paghahanda sa nalalapit na malaking pagkilos na isasagawa sa November 30, o ang Trillion Peso March 2 sa Edsa People Power Monument, na lalahukan ng mga lingkod ng simbahan, layko, iba’t ibang Samahan ng simbahan at mga katuwang na grupo na kaisang nanawagan para sa transparency at pagpapanagot sa mga tiwali.

Noong September 21, una nang idinaos ang Trillion Peso March kung saan nanindigan ang Simbahan kasama ang iba pang mga relihiyon, non-governement organization at mamamayan sa EDSA People Power Shrine upang kondenahin ang maanomalyang flood control projects at mga nabubunyag na katiwalian sa pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 69,320 total reads

 69,320 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 147,957 total reads

 147,957 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 181,405 total reads

 181,405 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 216,702 total reads

 216,702 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 440,409 total reads

 440,409 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top