Prelatura ng Batanes, nanindigan laban sa People Initiative

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,012 total views

Mariing nanindigan ang Obispo at mga lingkod ng Simbahan ng Prelatura ng Batanes laban sa isinusulong na pagbabago ng Saligang Batas ng Pilipinas sa pamamagitan ng People’s Initiative.

Sa isinapublikong pahayag ng prelatura na nilagdaan ni Batanes Bishop Danilo Ulep at mga pari ng Batanes ay kinumpirma ang pangangalap ng lagda sa mga lugar na nasasakop ng Prelatura ng Batanes.

Muli namang nagpahayag ng kahandaan ang prelatura na makipagtulungan para sa mga gagawing hakbang ng pamahalaan para sa ikabubuti ng taumbayan.

“We, your bishop and all priests who are your servant-leaders, would like therefore to call out all our partners in government who are themselves considered public servants. We want you to know that we desire to continue our partnership and collaboration with you in carrying out our common task of looking after the general welfare of our people.” Ang bahagi ng pahayag ng Prelatura ng Batanes.

Ayon kay Bishop Ulep, nawa ay tuwinang maging matuwid ang mga opisyal ng pamahalaan sa pagsusulong ng mga programa na tunay na makabubuti sa bayan na naaayon sa batas at walang naisasantabing anumang mga karapatan o kalayaan ng taumbayan.

Paliwanag ng Obispo, makakaasa ang pamahalaan sa kahandaan ng Simbahan na makinig at makipagtalakayan kaugnay sa isinusulong na pagbabago sa Saligang Batas ng Pilipinas.

“Let all our actions be done always rightly, legally and according to our Christians and Catholic principles that include honesty, fraternal charity and humility among other values that a Christian and Catholic stand for. We your partners in the church are ready to have a dialogue with you at a convenient time that may be mutually acceptable in order to give more time for us to talk and exchange views regarding charter change. Feel free to inform us of your suggestions.” Dagdag pa ni Bishop Ulep.

Inalerto naman ng Obispo ang mamamayan sapagkat batay sa mga natanggap na ulat ng prelatura ay may mga pagkakataon na hindi ipinapaliwanag kung ano ang kanilang nilalagdaan.

Pagbabahagi ng prelatura, hindi katanggap-tanggap ang ilang pamamaraan ng pangangalap ng lagda na maituturing na paraan ng panlilinlang, pananamantala at kawalan ng katarungan sa proseso ng pagbabago ng Saligang Batas.

“We appeal to all of you to remain vigilant and alert for any attempt to unwittingly use our right to approve a people’s initiative through our signatures for self-serving interests. Your cooperation to those who seek to undermine the integrity of your signature, whether done through some pressure or bribery, is still unacceptable and likewise deserves our indignation of such action because we deem it anti-Christian and anti-Catholic.” Ayon sa Prelatura ng Batanes.

Una na ring pinaalalahanan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang bawat isa na ituring na sagrado at mahalaga ang kanilang boto at lagda.

Kaugnay nga nito pansamantalang sinuspende ng COMELEC ang lahat ng gawain kabilang ang pagtanggap ng mga ‘signature forms’ na may kaugnayan sa People’s Initiative para sa isinusulong na Charter Change kung saan nakatanggap na ang COMELEC ng signature ng forms mula sa 1,072 munisipalidad at siyudad sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,317 total views

 47,317 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,187 total views

 43,186 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,389 total views

 79,388 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 88,096 total views

 88,096 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,390 total views

 113,390 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top