Prelatura ng Marawi, nagbigay ng pabahay sa 49-pamilyang bakwit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 679 total views

Ibinahagi ng Prelatura ng Marawi na naipagkaloob na sa ilang pamilya ng internally displaced person (IDP) ang mga bahay na magiging pangmatagalang tahanan.

Ayon sa pahayag ni Bishop Edwin Dela Peña, 49- pamilya ng mga IDP na sakop ng St. Mary’s Cathedral Parish sa Marawi ang nakalipat na sa kanilang mga tahanan sa CFC ANCOP Canada Winnipeg-Prelature of Marawi Community sa Brgy. Maria Cristina, Baloi, Lanao del Norte.

Sinabi ng obispo na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng simbahan sa mga biktima ng Marawi siege sa tulong ng mga programa tulad ng munting pamayanan na tututok sa pagpapalago ng pananampalataya ng komunidad.

“Accompaniment with them will be a continuing mission for the tri-partners which include building them into Gagmayng Kristohanong Simbahan (GKS), ongoing formation for them to deepen their faith-life, values formation, introducing livelihood program and scholarships for the youth and children,” bahagi ng pahayag ni Bishop Dela Peña.

Pinasalamatan ng obispo ang mga katuwang ng prelatura na maisakatuparan ang proyekto ang CFC ANCOP-Canada/Lanao at ang Tanging Yaman, Foundation sa pangunguna ni Jesuit priest Fr. Manuel ‘Manoling’ Francisco.

Ang mga benepisyaryong IDP’s ay nanunuluyan sa sa Tent City nang mapinsala ang bahagi ng Marawi na labis naapektuhan ng digmaan noong 2017 nang kubkubin ng ISIS-inspired Maute group ang Islamic city.

“We hope to engage more partners to be able to sustain this lofty dream of making it a showcase of rehabilitating the lives of our bakwit communities,” ani Bishop Dela Peña.

Batay sa ulat ng pamahalaan halos kalahating milyong mamamayan ng Marawi ang lumikas noong digmaan limang taon na ang nakalilipas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 30,430 total views

 30,429 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 30,430 total views

 30,429 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 30,430 total views

 30,429 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 29,415 total views

 29,414 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 26,719 total views

 26,718 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top