90 raliyista ng Hacienda Tinang, nakalaya sa bisa ng piyansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 659 total views

Nakalaya na ang 90 mga raliyista na inaresto ng pulisya makaraan ang pagsasagawa ng kilos protesta sa Hacienda Tinang, Conception Tarlac.

Ayon kay Fr. Randy Salunga ng Caritas Tarlac, kabilang sa mga inaresto noong June 9 ay ang mga magsasaka at ilang mga estudyante na pinalaya matapos na maglagak ng tig-14 na libong piso bilang piyansa.

Ang mga raliyista ay nahahaharap sa kasong illegal assembly at malicious mischief na pansamantalang nakalaya sa bisa ng piyansa.

Nanawagan naman ang pari sa Agrarian Reform (DAR) na madaliin ang pagsasaayos ng mga ipinangakong lupain para sa mga tunay na benepisyaryo na umaabot na ng 26-taon.

“Yung pagpapalaya sa kanila well off course magandang kaganapan po iyon na ikinagagalak natin hindi tumagal yun. Yung kaso at may pag-uusap para ma-dismiss din yung kaso, kasi nga ang issue dapat i-resolve ito ng Department of Agrarian Reform, again regarding that issue what we want is lumabas yung katotohanan at yung mga tunay na beneficiaries ay dapat ibigay na sa kanila yung lupa,” ayon sa panayam ng Radio Veritas.

Kabilang sa mga inarestong magsasaka ay bahagi ng Agararian Reform Beneficiaries (ARB) sa Hacienda Tinang.

Sa ulat, ang lupang taniman kung saan isinagawa ang demonstrasyon ay pinagtatalunang lupain sa pagitan ng mga naarestong magsasaka at kooperatiba sa lugar.

Hiling ng pari sa dalawang kampo ang paggalang sa Saligang Batas ng Pilipinas at sa magiging desisyon ng DAR sa kung sino ang nararapat mag may-ari ng lupain.

“Sila ang nagma-manage, tapos kasama doon sa kooperatiba ay mga member din doon sa CLOA (Certificate of Land Ownership Award), beneficiaries din sila, may mga titulo, may title pero nagkakagulo doon sa mga listahan minsan, then yung iba pasok minsan yung iba kasi yun nga may claim na on the part doon sa kooperatiba may nagbenta na, may sinanla so mga ganun-ganung issue, so the issue should be settled by the DAR,” ayon pa sa pahayag ng pari.

Nilinaw din ni Fr. Salunga na taliwas sa mga naunang ulat, maayos naman ang kalagayan ng mga inaresto sa loob ng piitan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 12,353 total views

 12,353 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 82,465 total views

 82,465 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 157,079 total views

 157,079 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 237,158 total views

 237,158 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 279,956 total views

 279,956 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 579 total views

 579 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top