Prelatura ng Marawi, nagbigay ng pabahay sa 49-pamilyang bakwit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 799 total reads

Ibinahagi ng Prelatura ng Marawi na naipagkaloob na sa ilang pamilya ng internally displaced person (IDP) ang mga bahay na magiging pangmatagalang tahanan.

Ayon sa pahayag ni Bishop Edwin Dela Peña, 49- pamilya ng mga IDP na sakop ng St. Mary’s Cathedral Parish sa Marawi ang nakalipat na sa kanilang mga tahanan sa CFC ANCOP Canada Winnipeg-Prelature of Marawi Community sa Brgy. Maria Cristina, Baloi, Lanao del Norte.

Sinabi ng obispo na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng simbahan sa mga biktima ng Marawi siege sa tulong ng mga programa tulad ng munting pamayanan na tututok sa pagpapalago ng pananampalataya ng komunidad.

“Accompaniment with them will be a continuing mission for the tri-partners which include building them into Gagmayng Kristohanong Simbahan (GKS), ongoing formation for them to deepen their faith-life, values formation, introducing livelihood program and scholarships for the youth and children,” bahagi ng pahayag ni Bishop Dela Peña.

Pinasalamatan ng obispo ang mga katuwang ng prelatura na maisakatuparan ang proyekto ang CFC ANCOP-Canada/Lanao at ang Tanging Yaman, Foundation sa pangunguna ni Jesuit priest Fr. Manuel ‘Manoling’ Francisco.

Ang mga benepisyaryong IDP’s ay nanunuluyan sa sa Tent City nang mapinsala ang bahagi ng Marawi na labis naapektuhan ng digmaan noong 2017 nang kubkubin ng ISIS-inspired Maute group ang Islamic city.

“We hope to engage more partners to be able to sustain this lofty dream of making it a showcase of rehabilitating the lives of our bakwit communities,” ani Bishop Dela Peña.

Batay sa ulat ng pamahalaan halos kalahating milyong mamamayan ng Marawi ang lumikas noong digmaan limang taon na ang nakalilipas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 9,691 total reads

 9,691 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 44,690 total reads

 44,690 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 81,174 total reads

 81,174 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 99,385 total reads

 99,385 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 183,206 total reads

 183,206 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top