‘Principled cooperation’ sa administrasyong Marcos, tiniyak ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 769 total reads

Mananatili ang simbahan sa pakikipagtulungan sa pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni President-elect Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. at Vice President-elect Sara Duterte.

“We will, as always, exercise principled cooperation with the government. As such, we will support all his administration’s programs that will respect the rights and dignity of the Filipino people; Honor the rule of law and history, and make government more accountable to its people,” bahagi ng pahayag ng Caritas Philippines.

Ito ang inilabas na pahayag ng Caritas Philippines-ang social arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kasunod ng proklamasyon sa pinakamataas na pinuno ng Pilipinas.

Tiniyak din ni Caritas Philippines National director, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang pakikipagtulungan sa bagong pamahalaan sa mga programang tutugon sa karapatan at dignidad ng mamamayan, pagsusulong ng katotohanan at matapat na pamamahala.

Sa pagtatapos ng election season, ilulunsad din ng institusyon ang ‘post-election accountability program’ upang matiyak na isasakatuparan ng mga nanalong kandidato ang kanilang mga pangako sa taumbayan.

Dagdag pa ni Bishop Bagaforo, “In all that is to come, we pray that his administration will be guided by justice, inspired by the people who elected him, and fueled by true patriotism.”

Si President-elect Marcos Jr. ay ang ika-17 Pangulo ng Pilipinas, makaraan ang 36-taon mula nang mapatalsik si dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr. sa pamamagitan ng EDSA People Power noong 1986.

Si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio naman ang ika-15 bise-presidente ng bans ana itinalaga rin ni Marcos Jr. bilang susunod na kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 82,500 total reads

 82,500 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 116,822 total reads

 116,822 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 152,122 total reads

 152,122 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 378,392 total reads

 378,392 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 267,393 total reads

 267,393 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,557 total reads

 111,557 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top