245 total views
Pinangangambahan ni Prelatura ng Isabela de basilan Bishop Martin Jumoad na magiging sentro ng dayaan ang Mindanao dahil sa usapin ng rotational brownout sa mismong araw ng halalan.
Dahil dito, ayon kay Bishop Jumoad upang maiwasan ang ganitong pangyayaro, maagang pagpunta sa presinto ang mga botante upang maagang makaboto at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng eleksyon.
Nanawagan rin ang obispo, sa Department of Energy na solusyunan ang matagal ng problema sa Mindanao at ipagpaliban muna ang rotational brownout at panatilihin ang sapat na kuryente.
Isinisi naman nito sa administrasyong Aquino ang hindi nito pagbibigay ng konkretong solusyon sa usapin ng kakulangan sa kuryente sa Mindanao.
“That has been a long problem it has not given so much and serious commitment to resolved the problem. Since it is already there the I urged the electorates to really be vigilant at the same time vote early so that the election would be peaceful. That would be my appeal to the people of Mindanao,” bahagi ng pahayag ni Bishop Jumoad sa panayam ng Radyo Veritas.
ikinatatakot naman si Bishop Jumoad na maaring pagmulan ng kaguluhan at dayaan sa araw mismo ng eleksyon sakaling matuloy ang brownout kung hindi katanggap – tanggap sa mga botante ang mai – iproklamang nanalo sa kanilang lugar.
“That can be, it’s possible and I’m afraid it will be the source of conflict because it there will be cheating then the people cannot accept the outcome result of the election if there is cheating. That can be the source conflict,” giit ni Bishop Jumoad sa Radyo Veritas.
Batay naman kay Energy Secretary Zenaida Monsad na tatakbo lamang sa mababang capacity na aabot sa 48 megawatts ang natural-gas fired San Gabriel Power plant sa ilalim ng isang commissioning status sa araw ng eleksyon.
Sa datus, mula sa mahigit 54 na milyong rehistradong botante sa buong bansa tinatayang nasa 12.5 milyon sa mga ito ay mula sa Mindanao.