Produktong gawa ng urban poor community, mabibili sa Buy and Give Expo sa Trinoma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,710 total views

Hinimok ni Diocese of Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang bawat isa na makibahagi sa Caritas Margins Buy and Give Expo sa Trinoma mall sa Edsa corner North Avenue,Quezon City simula September 27 hanggang 29.

Ayon sa Obispo sa pamamagitan ng pagtangkilik sa produktong nilikha ng mahihirap na mga komunidad ay nakatutulong tayo sa kanilang kabuhayan.

Dagdag pa ni Bishop Ongtioco, ito rin ay nag papakita ng pagsuporta sa kanilang pagsisikap at pagsasakripisyo na itaguyod ang kanilang pamumuhay sa marangal na pamamaraan.

“Ito po ay isang proyekto para abutin natin yung mga iba’t-ibang kapatid nating nangangailangan ng suporta at tulong… Sabi natin buy and give, we give importance sa mga sakripisyo pagsisikap ng ating kapwa that’s one way of lifting them up, by supporting their products their talent so we are invited to buy and give,” pahayag ng Obispo sa panayam ng Radyo Veritas.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Fr. Anton CT Pascual – Executive Director ng Caritas Manila kung paanong nakatutulong ang Caritas Margins sa mga mahihirap na nais magkaroon ng hanapbuhay.

“Ang margins po ay Social Brand na kung saan ating tinutulungan ang mga maliliit na negosyante ang mga mahihirap tulad ng mga urban poor, mga bilanggo at mga biktima ng kalamidad, sa kanilang mga produkto na mga pagkain at non-food products. Ang Margins ay isang Social Brand para matulungan natin ang mga maliliit na negosyante na umasenso sa kanilang livelihood project,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radyo Veritas.

Tinatayang nasa isang libong micro-entrepreneurs ang gumagawa ng mga produktong itinitinda sa Caritas Margins Buy and Give Expo, at nakatutulong ito sa 5,000 scholars ng Youth Servant Leadership and Education Program ng Caritas Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 59,889 total views

 59,889 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 134,503 total views

 134,503 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 214,582 total views

 214,582 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 257,721 total views

 257,721 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 255,249 total views

 255,249 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 348,467 total views

 348,467 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top