Coalition for a drug-free society, binuo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 277 total views

Bilang tugon sa patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga, isang coalition ang binuo ng Simbahan at pamahalaang lungsod ng Cagayan kasama ng regional office ng Department of Health upang tutukan at gabayan ang mga sumukong drug pushers at users na makapagbagong buhay.

Ayon kay Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma – Chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Mutual Relations, ang “Coalition for a Drug-Free Society” ay nabuo sa pagtutulungan ng Simbahan, civil society groups kasama na ang lokal na pamahalaan ng Cagayan na pinangungunahan ng Assistant Regional Director ng DOH.

Inihayag ng Arsobispo na layon ng koalisyon na gabayan ang pagbabagong buhay ng mga biktima ng ipinagbabawal na gamot maging ng kanilang mga pamilya.

“Well dito sa Cagayan, nakapag-umpisa na kami sa pagbuo ng isang Coalition it is called “Coalition for a Drug-Free Society” kasama na rin dito ang mga government agencies especially Department of Health, and then yung City Government ng Cagayan de Oro at marami ring Civil Society Groups, kasali na rin dun ang Simbahan so we have also formed a working group headed by the Assistant Regional Director ng DOH and myself as Co-Chair of this Coalition…”pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Archbishop Ledesma na nahahati sa tatlong pangunahing pangkat ang tinututukan ng “Coalition for a Drug-Free Society” partikular na ang prevention, intervention at community support’ na siyang pinangungunahan ng Simbahan.

Tiniyak ni Archbishop Ledesma na mas magiging epektibo ang tungkulin ng Simbahan sa coalition lalo’t matutukan nito ang pagkakaloob ng counseling, spiritual healing at formation sa mga drug-surrenderers na nagnanais na magbagong buhay.

“Ngayon meron ngang 3-groups, 1 is for what we called Prevention, the other group is for Intervention saka yung 3rd group is Community Support, so yung Simbahan nasa Community Support, because we do not have the facilities for mga scientific rehabilitation pero we can give community support in terms of counseling, spiritual healing also making available our mga parish halls and formation centers…” pagbabahagi ni Archbishop Ledesma.

Nauna rito, itinatag ng Archdiocese of Manila sa pangunguna ng Caritas Manila ang “Sanlakbay sa Pagbabago program na tutulong sa ganap na pagbabagong buhay ng mga biktima ng droga.

See: http://www.veritas846.ph/simbahan-bukas-ang-pintuan-sa-drug-dependents-cardinal-tagle/

Sa pinakahuling tala ng Philippine National Police mula unang araw ng Hulyo tinatayang umabot na sa higit 18,800-drug suspects ang naaresto habang nasa 721,000 libo naman ang drug users at pushers ang sumuko sa mga otoridad sa buong bansa.

Samantala, una nang inihayag ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nasa halos 2-milyon ang mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa buong bansa na nararapat matukoy upang ganap na bigyang ng karampatang tulong upang makapagbagong buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 138,647 total views

 138,647 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 160,757 total views

 160,757 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 234,102 total views

 234,102 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 227,026 total views

 227,026 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top