MARTES, PEBRERO 21, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,209 total reads

Martes ng Ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay San Pedro Damian,
obispo at pantas ng Simbahan

Sirak 2, 1-13
Salmo 36, 3-4. 18-19. 27-28. 39-40

Sarili’y sa D’yos ilagak
at tutulungan kang ganap.

Marcos 9, 30-37

Tuesday of the Seventh Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Peter Damian, Bishop and Doctor of the Church (White)

UNANG PAGBASA
Sirak 2, 1-13

Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Anak ko, kung nais mong maglingkod sa Panginoon,
humanda ka sa mga pagsubok.
Maging tapat ka at magpakatatag,
huwag kang masisiraan ng loob sa panahon ng kasawian.
Manalig ka sa Panginoon at huwag kang lalayo sa kanya,
kung nais mong tumiwasay habang nabubuhay.
Tanggapin ang anumang ipagkaloob niya sa iyo,
tiisin mo ang kadustaan kahit ano ang mangyari.
Kung ang ginto ay dinadalisay sa apoy,
ang banal ay sinusubok ng Panginoon
sa apoy ng pagtitiis.
Magtiwala ka at tutulungan ka niya,
maging tapat ka sa kanya at makaaasa ka.
Kayong may takot sa Panginoon,
maghintay kayo ng kanyang habag;
huwag kayong lalayo sa kanya
nang hindi kayo mapahamak.
Kayong may takot sa Panginoon,
magtiwala kayo sa kanya,
at walang pagsalang tatanggap kayo ng gantimpala.
Kayong lahat na may takot sa Panginoon,
umasa kayo sa kanya.
Pagpapalain niya kayo,
pasasaganain, at paliligayahin magpakailanman.

Tingnan ninyo ang nangyari sa ating mga ninuno:
may nagtiwala ba sa Panginoon na nasiphayo?
May nanatili bang naglilingkod sa kanya na kanyang pinabayaan?
May tumawag ba sa kanya na hindi niya dininig?
Sapagkat maawain at mapagpatawad ang Panginoon,
pinatatawad niya tayo sa ating kasalanan, inililigtas sa kagipitan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 36, 3-4. 18-19. 27-28. 39-40

Sarili’y sa D’yos ilagak
at tutulungan kang ganap.

Umasa ka sa Diyos, ang mabuti’y gawin,
at mananahan kang ligtas sa lupain.
Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan,
at ang pangarap mo’y iyong makakamtan.

Sarili’y sa D’yos ilagak
at tutulungan kang ganap.

Iingatan ng Diyos yaong masunurin,
ang lupang minana’y di na babawiin.
Kahit na sumapit ang paghihikahos,
di mararanasan nila ang magdahop.

Sarili’y sa D’yos ilagak
at tutulungan kang ganap.

Ang mabuti’y gawin, masama’y itakwil,
at mananahan kang lagi sa lupain.
Pagkat yaong bayang wasto ang gawain,
ay mahal ng Poon, hindi itatakwil.
Sila’y iingatan magpakailanman,
ngunit ang masama ay ihihiwalay.

Sarili’y sa D’yos ilagak
at tutulungan kang ganap.

Ililigtas ng Diyos ang mga matuwid,
iingatan sila pag naliligalig.
Ililigtas sila’t kanyang tutulungan
laban sa masama, ipagsasanggalang;
sapagkat sa Poon nangungubling tunay.

Sarili’y sa D’yos ilagak
at tutulungan kang ganap.

ALELUYA
Galacia 6, 14

Aleluya! Aleluya!
Sa krus ni Kristo dinangal
itong ating pamumuhay
na para sa kanya lamang.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 9, 30-37

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, sina Hesus at ang kanyang mga alagad ay nagdaan sa Galilea. Ayaw ni Hesus na malaman ito ng mga tao, sapagkat tinuturuan niya ang kanyang mga alagad. Sinabi niya: “Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo at papatayin, ngunit muling mabubuhay sa ikatlong araw.” Hindi nila naunawaan ang sinabi niya, ngunit natatakot naman silang magtanong sa kanya.

At dumating sila sa Capernaum. Nang sila’y nasa bahay na, tinanong ni Hesus ang kanyang mga alagad, “Ano ba’ng pinagtatalunan ninyo sa daan?” Hindi sila kumibo, sapagkat ang pinagtatalunan nila’y kung sino sa kanila ang pinakadakila. Naupo si Hesus, tinawag ang Labindalawa at sinabi, “Ang sinumang nagnanais maging una ay dapat maging huli sa lahat, at maging lingkod ng lahat.” Tinawag niya ang isang maliit na bata, at pinatayo sa harapan nila. Pagkatapos, kinalong niya ito at sinabi, “Ang sinumang tumanggap sa isang maliit na batang tulad nito alang-alang sa akin ay tumatanggap sa akin; at sinumang tumanggap sa akin — hindi ako ang kanyang tinatanggap kundi ang nagsugo sa akin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Ipinahayag ng Panginoon ang kanyang mapagligtas na Kamatayan at Muling Pagkabuhay. Sa pamamagitan niya, ang mapagpakasakit na Lingkod, dalhin natin ang ating mga petisyon sa Ama ng lahat ng habag.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Mahabaging Diyos, basbasan Mo ang Iyong mga anak.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y magpakita ng maliwanag na pananaw ng mapagtimping katatagan sa mga kaguluhan ng ating panahon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang kapayapaan at pagkakaisa nawa’y maghari sa lahat ng mga bansa at sa lahat ng tao sa mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang mapagtanto na hindi matatagpuan sa kapangyarihan at pagiging kagalang-galang ang tuany na kadakilaan kundi makikita lamang ito sa paglilingkod sa kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y maiugat ang kanilang pagdurusa sa mga paghihirap ni Jesus sa krus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nauna na sa ating mga yumao nawa’y tumanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, bigyan mo kami ng katapangan upang tanggapin ang mga paghihirap na dumaraan sa aming buhay. Akayin mo kami sa kaganapan ng kaligayahan sa iyong presensya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

TRULY BLESSED

 1,176 total reads

Gospel Reading for October 12, 2026 – Luke 11: 29-32

TRULY BLESSED

While still more people gathered in the crowd, Jesus said to them, “This generation is an evil generation; it seeks a sign, but no sign will be given it, except the sign of Jonah. Just as Jonah became a sign to the Ninevites, so will the Son of Man be to this generation. At the judgment the queen of the south will rise with the men of this generation and she will condemn them, because she came from the ends of the earth to hear the wisdom of Solomon, and there is something greater than Solomon here. At the judgment the men of Nineveh will arise with this generation and condemn it, because at the preaching of Jonah they repented, and there is something greater than Jonah here.”

————

The Pharisees and Sadducees (Matthew 16:1), as well as the scribes (Matthew 12:38–39), kept demanding miraculous signs from heaven from Jesus to establish his authority, especially when his teachings contradicted theirs. Even the large crowds that followed him did so because of the miracles he had been performing (John 6:26).

What is absurd about this is that Jesus had already performed so many signs: healing the sick, raising the dead, casting out demons, changing water into wine, multiplying bread and fish, among others. Yet, they were still asking for more signs.

As long as we live on earth, we will never have the chance to see God face-to-face. This is reserved for those who will be with him in the afterlife. But we will always be able to see God through the many signs he gives us, both extraordinary and ordinary, if only we put our COMPLETE FAITH AND TRUST in him. If we allow these signs to show us the way to the Father, we are TRULY BLESSED!

Lord Jesus, help us have eyes that truly see and ears that truly hear. Amen.

It might be you?

 1,398 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 12 October 2026
Galatians 4:22-24, 26-27, 31-5:1     <*((((>< + ><))))*>     Luke 11:29-32
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Please excuse me, Jesus
as I feel like singing
one of the songs during 
our college days by 
Stephen Bishop 
for the movie "Tootsie"
starring Dustin Hoffman:
Time, I've been passing time
Watching trains go by
All of my life
Lying on the sand
Watching sea birds fly
Wishing there would be
Someone waiting home for me
Something's telling me it might be you
It's telling me it might be you
All of my life
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
I could hear you speaking
to me today, Jesus:
"This is an evil generation;
it seeks a sign,
but no sign will be given it,
except the sign of Jonah"
(Luke 11:29);
there are times I keep looking
for certainty, asking for a sign
from God for the things I have to do,
for the mission I have to accomplish;
but like your people,
we today fail or refuse to see you,
to find you, Jesus 
when you are
right in front of us,
always beside us;
and it is true, Lord Jesus,
I cannot find you in my life
because I expect something
more obvious or even something
more dramatic like in the movies.

Keep me simple, Jesus,
so that I may find you,
I may recognize you in
the most ordinary,
the simplest occasions
in my life,
among the people I meet daily
especially those I take for granted
or refuse to relate with.
So many quiet walks to take
So many dreams to wake
And with so much love to make, oh
I think we're gonna meet some time
Maybe all we need is time
And it's telling me it might be you
All of my life
I've been saving love songs and lullabies
And there's so much more
No one's ever heard before
Something's telling me it might be you
Yeah, it's telling me it must be you
And I'm feeling it'll just be you
All of my life
Photo by author, Chapel of Our Lady of Ephesus, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Yes, it's you, Jesus...
always you every time I wake up
and make that sign of the Cross
first thing in the morning;
it is you, Jesus...
when I see the light
and feel the warmth of
the rising sun;
it is you, Jesus...
when people and kids
smile at me,
when people ask for me,
when people listen and
speak to me;
it is you, Jesus...
when I still hope
and love and desire
for you.
Help me in my unbelief.
Amen.
From YouTube.com.

Ang bigat ng betrayal of public trust

 11,873 total reads

Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Nitong nakaraang linggo, tumutok ang pagdinig sa Article II na inaakusahan ang bise presidente ng pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na yaman, pagsusumite ng maling statement of assets, liabilities, and net worth (o SALN), at patuloy na pagkita mula sa mga pribadong negosyo. Iniharap ng prosekusyon ang mga financial experts, bank representatives, at mga tax executives para ipaliwanag ang mga bagay-bagay.

Gaya ng inaasahan, masyadong teknikal ang mga narinig natin mula sa mga ipinresentang witnesses. Pero narito ang ilan sa mga naungkat sa pagdinig.

Una, kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council (o AMLC) ang mga suspicious o kahina-hinalang transaksyon na kinasasangkutan ni VP Sara at ng kanyang mister. Umabot sa 4.4 bilyong piso ang halaga ng mga transaksyong ito.

Pangalawa, ipinakita rin ng records mula sa AMLC na nakatanggap ang isang kompanya ng asawa ni VP Sara ng 319 milyong piso mula sa mga kompanyang nakabase sa China. 

Pangatlo, natuklasan sa mga records na ang mga joint accounts nina VP Sara at ng kanyang tatay na si dating Pangulong Digong Duterte ay tumanggap ng mga depositong nagkakahalaga ng 193 milyong piso. Nangyari lang ito sa isang araw!

Pang-apat, lumabas sa mga bank records nina VP Sara at kanyang asawa na meron silang 59 milyong piso noong 2022, pero hindi ito inilagay ng bise presidente sa kanyang SALN.

Panghuli, nakatanggap si VP Sara ng suweldo mula sa Davao City LGU kahit pa bise presidente na siya. May mga tinanggap din siyang kabayaran at mga cash holdings na lampas-lampas sa kanyang suweldo.

Malinaw ang ating Saligang Batas: “Public office is a public trust.” Ang mga pinuno at mga kawani ng gobyerno ay kinakailangang laging nananagot sa taumbayan. Dapat silang maglingkod nang may pinakamataas na integridad, dangal, katapatan, at kahusayan. Dapat taglay nila sa pagtupad ng kanilang tungkulin ang pagkamakabayan at katarungan. Inaasahan din silang mamuhay nang buong kapakumbabaan. 

Sa unang araw ng kanilang pag-upo sa posisyong ipinagkatiwala sa kanila ng pinakamaraming botante, nanumpa silang tutupdin ang itinakdang ito ng Konstitusyon. Sa araw na iyon, pumasok sila sa isang kasunduan sa taumbayan. Hindi natin dapat kalimutan ang kasunduang iyon, at dito papasok ang impeachment trial. Ito ang tamang paraan para papanagutin (o gawing accountable) ang mga lider na hindi tumupad sa ating kasunduan sa kanila. Ito ang tamang paraan para sabihin sa ating mga pinuno na binabantayan natin sila at na mahalaga sa atin ang katotohanan. Sabi nga sa Mga Efeso 5:13-14, “Ang lahat ng nalalantad sa liwanag ay nakikilala kung ano talaga ang mga iyon, at nalalantad ang lahat dahil sa liwanag.” Liwanag ang dala ng impeachment trial.

Pinahahalagahan maging ng ating Simbahan ang pagpapanagot sa ating mga lider. Ang paglilingkod sa bayan ay hindi tungkol sa pagkakaroon ng kapangyarihan at pribilehiyo. Ito ay isang morál na obligasyon ng pagsisilbi, at salungat na salungat dito ang pagtataksil sa tiwala ng bayan o betrayal of public trust. Pinagtataksilan ng mga pinuno ng pamahalaan ang tiwalang ito kapag meron silang itinatagong yaman, kapag kumikita sila labás sa kanilang trabaho, at kapag may iba pa silang interes maliban sa pagsisilbi sa bayan. 

Mga Kapanalig, kapag sariling interes ang inuuna ng mga nasa gobyerno, napagkakaitan ang publiko ng tapat na serbisyo at epektibong solusyon sa mga problema. Ganito kabigat ang betrayal of public trust—ang pagtataksil sa tiwala ng taumbayan. Ito sana ang makita ng mga kababayan nating patuloy na nagogoyo ng pakitang-tao ng mga pulitiko, nakukuntento na lang sa panandaliang ayuda, at nabubulag sa pagkapanatiko. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 11,874 total reads

 11,874 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 240,064 total reads

 240,064 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 133,530 total reads

 133,530 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 227,559 total reads

 227,559 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 271,316 total reads

 271,316 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Oktubre 14, 2026

 1,147 total reads

 1,147 total reads Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Calixto I, papa at martir Galacia 5, 18-25 Salmo 1,

Read More »

Martes, Oktubre 13, 2026

 2,310 total reads

 2,310 total reads Martes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin

Read More »

Lunes, Oktubre 12, 2026

 4,450 total reads

 4,450 total reads Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7

Read More »

Linggo, Oktubre 11, 2026

 4,753 total reads

 4,753 total reads Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 25, 6-10a Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5, 6 Lagi akong mananahan sa bahay ng Poong mahal.

Read More »

Sabado, Oktubre 10, 2026

 6,935 total reads

 6,935 total reads Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top