HUWEBES, ABRIL 18, 2024

SHARE THE TRUTH

 8,193 total reads

Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 8, 26-40
Salmo 65, 8-9. 16-17. 20

Sangkalupaang nilalang
galak sa Poo’y isigaw.

Juan 6, 44-51

Thursday of the Third Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 8, 26-40

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, si Felipe ay inutusan ng isang anghel ng Panginoon, “Pumunta ka agad sa timog sa daang patungong Gaza, mula sa Jerusalem.” Ito’y ilang. Kaya’t naparoon si Felipe. Samantala, dumating naman ang isang Etiopeng eunuko. Siya ang tagapamahala sa lahat ng kayamanan ng Candace o reyna ng Etiopia. Nagpunta siya sa Jerusalem at sumamba sa Diyos. Siya’y pauwi na noon, nakasakay sa kanyang karwahe at nagbabasa ng aklat ni Propeta Isaias. “Sabayan mo ang sasakyang iyon,” sabi ng Espiritu kay Felipe. Patakbong lumapit si Felipe, at narinig niyang binabasa ng eunuko ang aklat ni Propeta Isaias. Kaya’t tinanong niya ang eunuko, “Nauunawaan po ba ninyo ang inyong binabasa?” “Paano kong mauunawaan ito kung walang magpapaliwanag sa akin?” sagot nito. At si Felipe’y inanyayahan niyang sumakay sa karwahe at umupo sa tabi niya. Ito ang bahagi ng kasulatang binabasa niya:

“Kung paanong walang imik ang tupa na dinadala sa patayan
O ang kordero sa harapan ng manggugupit,
gayun din naman, hindi siya nagbuka ng kanyang bibig.
Siya’y hinamak at pinagkaitan ng katarungan.
Walang maitatala tungkol sa kanyang mga inapo
sapagkat kinitil dito sa lupa ang kanyang buhay.”

“Sabihin mo nga sa akin,” wika ng eunuko kay Felipe, “sino ba ang tinutukoy dito ng propeta? Sarili ba niya o iba?” Buhat sa kasulatang ito’y isinalaysay ni Felipe ang Mabuting Balita tungkol kay Hesus. Nagpatuloy sila sa paglalakbay, at dumating sa isang lugar na may tubig. “May tubig dito!” sabi ng eunuko. “Ako ba’y hindi pa maaaring binyagan?” Sinabi sa kanya ni Felipe, “Maaari, kung sumasampalataya ka nang buong puso.” Sumagot siya, “Sumasampalataya ako na si Hesukristo ang Anak ng Diyos.” Pinatigil ng eunuko ang karwahe; lumusong silang dalawa sa tubig at bininyagan siya ni Felipe. Pagkaahon nila sa tubig, si Felipe’y kinuha ng Espiritu ng Panginoon. Hindi na siya nakita ng eunuko na nagpatuloy naman sa kanyang paglalakbay na tuwang-tuwa. Namalayan na lamang ni Felipe na siya’y nasa Azoto. Mula roon, ipinangaral niya ang Mabuting Balita tungkol kay Hesus sa lahat ng bayang dinaraanan niya hanggang sa marating ang Cesarea.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 65, 8-9. 16-17. 20

Sangkalupaang nilalang
galak sa Poo’y isigaw.

o kaya: Aleluya!

Ang lahat ng bansa’y magpuri sa Diyos,
inyong iparinig papuring malugod.
Iningatan niya tayong pawang buhay,
di tayo bumagsak, di n’ya binayaan!

Sangkalupaang nilalang
galak sa Poo’y isigaw.

Lapit at makinig, ang nagpaparangal
sa Diyos, at sa inyo’y aking isasaysay
ang kanyang ginawang mga kabutihan.
No’ng ako’y balisa, ako ay dumaing,
dumaing sa Diyos na dapat purihin;
handa kong purihin ng mga awitin.

Sangkalupaang nilalang
galak sa Poo’y isigaw.

Purihin ang Diyos! Siya’y papurihan,
yamang ang daing ko’y kanyang pinakinggan,
at ang pag-ibig n’ya ay aking kinamtan.

Sangkalupaang nilalang
galak sa Poo’y isigaw.

ALELUYA
Juan 6, 51

Aleluya! Aleluya!
Pagkaing dulot ay buhay
si Hesus na Poong mahal,
buhay natin s’ya kailanman.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 6, 44-51

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong mga panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Walang makalalapit sa akin malibang dalhin siya ng Amang nagsugo sa akin. At ang lalapit sa akin ay muli kong bubuhayin sa huling araw. Nasusulat sa aklat ng mga propeta, ‘At silang lahat ay tuturuan ng Diyos.’ Ang bawat nakikinig sa Ama at natututo ay lalapit sa akin. Hindi ito nangangahulugang may nakakita na sa Ama; yaong nagmula sa Diyos ang tanging nakakita sa Ama.

“Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay may buhay na walang hanggan. Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay. Kumain ng manna ang inyong mga ninuno nang sila’y nasa ilang, gayunma’y namatay sila. Ngunit ang sinumang kumain ng pagkaing bumaba mula sa langit ay hindi mamamatay. Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain nito. At ang pagkaing ibibigay ko sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Huwebes

Lumapit tayo ngayon at manalangin sa Diyos Ama, na sa kabutihan ng kanyang puso, ay isinugo ang kanyang Anak, ang Tinapay ng Buhay.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, turuan Mo kami sa pamamagitan ng iyong anak.

Ang Bayan ng Diyos na pinalalakas ng Eukaristiya nawa’y magkaisang mamuhay sa pananampalataya at pag-ibig, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pagtanggap natin ng Eukaristiya nang may pagpapahalaga, nawa’y mapalalim natin ang pag-ibig sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y hindi magkulang sa pagbabahagi ng mga biyaya sa mga nangangailangan at sa gayon ay makatulad tayo ni Kristo na nag-alay ng sarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may karamdaman sa katawan at pag-iisip nawa’y palakasin ng kanilang pagtanggap sa Katawan at Dugo ni Kristo sa Eukaristiya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makabahagi sa ipinangakong piging sa Langit ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming makapangyarihan, patnubayan mo kami sa aming paglalakbay, at tulungan kaming lumakad sa daan ng iyong Anak na si Jesus na siyang Tinapay ng Buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

PAGLALAKBAY SA DAAN NG KAPAYAPAAN

 1,761 total reads

Ang kapayapaan ay hindi kawalan ng problema, kundi ang kakayahang manatiling panatag sa kabila ng mga unos ng buhay. Nagsisimula ito sa pagtanggap, pagpapatawad, at pagtitiwala sa Diyos sa mga bagay na hindi natin kayang baguhin. Sapagkat hindi man laging tahimik ang ating paligid, maaari pa ring magkaroon ng katahimikan ang ating puso kapag ipinauubaya natin sa Kanya ang ating mga pangamba. At sa kapayapaang ating natatagpuan, nawa’y maging daan din tayo upang mapanatag ang puso ng iba.

OUTSMARTED

 2,508 total reads

Gospel Reading for November 06, 2026 – Luke 16: 1-8

OUTSMARTED

Jesus said to his disciples, “A rich man had a steward who was reported to him for squandering his property. He summoned him and said, ‘What is this I hear about you?Prepare a full account of your stewardship, because you can no longer be my steward.’ The steward said to himself, ‘What shall I do, now that my master is taking the position of steward away from me? I am not strong enough to dig and I am ashamed to beg. I know what I shall do so that, when I am removed from the stewardship, they may welcome me into their homes.’ He called in his master’s debtors one by one. To the first he said, ‘How much do you owe my master?’ He replied, ‘One hundred measures of olive oil.’ He said to him, ‘Here is your promissory note. Sit down and quickly write one for fifty.’ Then to another he said, ‘And you, how much do you owe?’ He replied, ‘One hundred measures of wheat.’ He said to him, ‘Here is your promissory note; write one for eighty.’ And the master commended that dishonest steward for acting prudently. For the children of this world are more prudent in dealing with their own generation than the children of light.”

————

Satan is as sly as sly can be. He teaches those who allow him to influence them the wily ways that can often outsmart even those who are good.

Although Jesus teaches us to forgive those who wrong us, he never taught us that the wrong they do should be tolerated. Otherwise, he would not have used such strong words against the scribes, Pharisees, and chief priests. Neither would he have driven out the merchants and money changers from the Temple.

Let us also not make the mistake of thinking that because the master in the parable commended the dishonest steward, Jesus was commending his dishonesty, too. Rather, Jesus was pointing out the steward’s shrewdness and resourcefulness. He was teaching us that Christians, who are children of the light, should be just as wise and resourceful in pursuing what is good and in building God’s Kingdom. We should never allow ourselves to be OUTSMARTED by the evil one.

“Be alert and of sober mind. Your enemy the devil prowls around like a roaring lion looking for someone to devour.” (1 Peter 5:8)

Sometimes, even the children of light who are supposed to expose evil become deceived because they grow complacent, thinking that being children of God makes them safe from the influence of the evil one. This is precisely why we must remain vigilant. No one is beyond temptation, even Jesus, the Son of God that he is, was tempted by Satan in the desert. No one should ever consider him/herself immune to sin. The moment we believe we are no longer vulnerable to evil may be the moment we become most vulnerable to it.

So, when the evil one tries to influence our minds by making us believe that doing things contrary to the teachings of Jesus is justifiable, we must remain alert and clear-minded. The devil will never lead us toward what is good because his purpose is to lead us away from God and destroy what God has created.

Lord Jesus, may your Spirit always grant us the wisdom and strength to make the right decisions in our daily lives. Amen.

NADALÂ NA

 7,822 total reads

There is a Filipino expression that is difficult to translate into English: Nadalâ na. Perhaps the closest equivalent is, “We’ve learned our lesson.” Or, more emphatically, “Enough is enough.”
I wonder if this is part of what the American electorate is saying through the recent midterm elections, which have returned control of both the Senate and the House of Representatives to the Democrats.

I do not think we should interpret the results simply as a victory of one political party over another. They may also represent a sobering moment of awakening for many Americans, including those who sincerely believed that Donald Trump offered a more decisive solution to their country’s problems.

We Filipinos should understand this very well. We have gone through a similar experience ourselves.

There is something very seductive about leaders who promise quick solutions to complicated problems. Leaders who project strength, speak with absolute certainty, divide the world into friends and enemies, and suggest that laws and institutions are merely obstacles to getting things done.

The message is familiar: Trust me. Give me the power. I will fix everything.

Even religious people can be drawn into this narrative, especially when political differences are presented as a battle between good and evil.

But democracy was never meant to depend on the goodness, wisdom, or strength of one individual. It depends on institutions that can hold even the most powerful leaders accountable.

Pope Leo XIV, in his encyclical Magnifica Humanitas, warns against the dangerous tendency to reduce complex realities to simplistic categories: “me first,” “friend or foe,” “us or them.” He also cautions against a world in which the rule of law gives way to the mentality that “might makes right.”

Perhaps this is an important lesson not only for Americans but also for Europeans and for other societies increasingly attracted to authoritarian forms of populism.

I sincerely hope that the recent American elections will also open a path toward reconciliation. Republicans and Democrats are not enemies. They are fellow citizens of one nation, with different convictions perhaps, but with a shared responsibility for their country’s future. Neither side has a monopoly on patriotism or moral goodness.

And what about us Filipinos? Siguro naman, dalang-dalâ na rin tayo. Dalang-dalâ na tayo sa korapsyon. Sa mga politikong puro pangako. Sa political dynasties at patronage politics. Sa mga lider na ang tingin sa kapangyarihan ay personal na pribilehiyo sa halip na pananagutan.

Dalang-dalâ na rin tayo sa karahasan, sa mga patayang walang paglilitis, at sa pagwawalang-bahala sa karapatang pantao at sa batas.

Ayaw na nating maulit ang mga ito.

But learning our lesson should not mean merely replacing one set of political personalities with another. It should mean strengthening our democratic institutions, protecting the independence of the judiciary, ensuring transparency in the use of public funds, upholding checks and balances, and enabling ordinary citizens to participate meaningfully in governance.

We do not need a perfect government. We need a government that can be questioned, corrected, and held accountable. We need leaders who understand that no one is above the law.

And we need citizens who will not surrender their conscience and critical judgment to political personalities, however charismatic or popular they may be.

Perhaps the most hopeful thing about democracy is that it allows people to recognize their mistakes and change direction without resorting to violence.

That is not a sign of weakness. It is a sign of political maturity.

Sa atin, kapag parang di tayo natututo sa pagkakamali, minsan mapagsasabihan tayo: “Wala ka bang kadala-dalâ?” Or as today’s Pinoy millennials put it, “Wala ka ring dalâ, ano?”
I hope we can finally answer: “Nadalâ na. Tama na ang minsan o makalawang pagkabudol. Ayaw na naming maulit muli.”

Because the real measure of our political awakening is not whom we reject, but what kind of nation we are determined to build together.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 68,160 total reads

 68,160 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 154,659 total reads

 154,659 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 197,694 total reads

 197,694 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 247,453 total reads

 247,453 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 405,362 total reads

 405,362 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 9,969 total reads

 9,969 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 12,491 total reads

 12,491 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 14,576 total reads

 14,576 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 13,095 total reads

 13,095 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 14,194 total reads

 14,194 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top