MIYERKULES, ABRIL 17, 2024

SHARE THE TRUTH

 7,227 total views

Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 8, 1b-8
Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a.

Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.

Juan 6, 35-40

Wednesday of the Third Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 8, 1b-8

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Nagsimula nang araw na iyon ang isang mahigpit na pag-uusig laban sa Simbahan sa Jerusalem. At liban sa mga apostol, lahat ng sumasampalataya ay nangalat sa lupain ng Judea at Samaria. Si Esteban nama’y inilibing ng mga taong may takot sa Diyos, at gayun na lamang ang kanilang panangis.

Samantala, sinikap ni Saulo na wasakin ang Simbahan: pinapasok niya ang bahay-bahay at kinakaladkad ang mga sumasampalataya at ibinibilanggo, maging lalaki’t maging babae.

Nangalat ang mga mananampalataya, at saanman sila makarating ay ipinangangaral nila ang Salita. Nagpunta si Felipe sa isang lungsod ng Samaria at ipinangaral doon ang Mesias. Nang mabalitaan ng mga tao at makita ang mga kababalaghang ginagawa niya, pinakinggan nilang mabuti ang sinasabi niya. Sapagkat ang masasamang espiritu ay umaalis sa mga taong inaalihan nito at sumisigaw habang lumalabas; maraming lumpo at mga pilay ang napagaling. Kaya’t nagkaroon ng malaking kagalakan sa lungsod na iyon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a

Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.

o kaya: Aleluya!

Sumigaw sa galak ang mga nilalang!
At purihin ang Diyos na may kagalakan;
wagas na pagpuri sa kanya’y ibigay!
Ito ang sabihin sa Diyos na Dakila:
“Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga.”

Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.

Ang lahat sa lupa ika’y sinasamba
awit ng papuri yaong kinakanta;
ang iyong pangala’y pinupuri nila.
Ang ginawa ng Diyos, lapit at pagmasdan.
Ang kahanga-hangang ginawa sa tanan.

Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.

Naging tuyong lupa kahit yaong tubig,
at ang nuno natin ay doon tumawid;
kaya naman tayo’y nagalak nang labis.
Siya’y naghaharing may lakas ang bisig.

Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.

ALELUYA
Juan 6, 40

Aleluya! Aleluya!
Mabubuhay na totoo
ang lahat ng mga tao
na nananalig kay Kristo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 6, 35-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao: “Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom, at ang nananalig sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.

“Ngunit sinabi ko na sa inyo: nakita na ninyo ako, gayunma’y hindi kayo nananalig sa akin. Lalapit sa akin ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama. At hindi ko itataboy ang sinumang lumalapit sa akin. Sapagkat ako’y bumaba mula sa langit, hindi upang gawin ang kalooban ko, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. At ito ang kanyang kalooban: huwag kong pabayaang mawala kahit isa sa mga ibinibigay niya sa akin, kundi muling buhayin sila sa huling araw. Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama: ang lahat ng makakita at manalig sa Anak ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. At sila’y muli kong bubuhayin sa huling araw.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Miyerkules

Taglay ang pagtitiwala sa pagiging bukas-loob ng Diyos Ama na naghandog sa atin ng kanyang Anak sa Eukaristiya bilang pagkain para sa ating kaluluwa, ilapit natin sa kanya ang ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, pagpalain Mo kami sa Eukaristiya.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y magpatotoo kay Jesus na siyang Tinapay ng Buhay sa mundong nagugutom sa kahulugan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y aktibong makisangkot sa paghahanap ng mga katugunan sa mga pangangailangan at kapakanan ng ating mahihirap na kapatid, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nag-aakalang hindi nila kailangan ang Diyos sa kanilang buhay nawa’y maakit na tumanggap ng Eukaristiya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y maranasan ang mapagmahal na presensya ni Kristo sa kanilang pagtanggap ng Eukaristiya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong tumanggap ng Tinapay ng Buhay nawa’y magkamit ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, gawin mo kaming tapat na nagpapasalamat para sa handog mong Eukaristiya na siyang nagbibigay ng pag-asa at kahulugan sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pakikiisa sa mga imigrante

 14,794 total views

 14,794 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 32,314 total views

 32,314 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 85,890 total views

 85,890 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 103,127 total views

 103,127 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 117,616 total views

 117,616 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Watch Live

RELATED READINGS

Biyernes, Hunyo 27, 2025

 245 total views

 245 total views Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus (K) Ezekiel 34, 11-16 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos hindi ako

Read More »

Huwebes, Hunyo 26, 2025

 1,133 total views

 1,133 total views Huwebes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 16, 1-12. 15-16 Salmo 105, 1-2. 3-4a. 4b-5 Pasalamat tayo sa D’yos, kabutihan niya’y

Read More »

Miyerkules, Hunyo 25, 2025

 2,124 total views

 2,124 total views Miyerkules ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 15, 1-12. 17-18 Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9 Nasa isip ng Maykapal ang

Read More »

Martes, Hunyo 24, 2025

 3,083 total views

 3,083 total views Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista Isaias 49, 1-6 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Pinupuri kita, D’yos ko, dahil ako’y nilikha

Read More »

Lunes, Hunyo 23, 2025

 4,816 total views

 4,816 total views Lunes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Genesis 12, 1-9 Salmo 32, 12-13. 18-19. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top