HUWEBES, NOBYEMBRE 24, 2022

SHARE THE TRUTH

 1,811 total views

Paggunita kay San Andres Dung Lac, pari at martir at mga Kasama, mga martir

Pahayag 18, 1-2. 21-23; 19, 1-3. 9a
Salmo 99, 2. 3. 4. 5

Mapalad ang anyayahan
ng Korderong ikakasal.

Lucas 21, 20-28

Memorial of St. Andrew Dung-Lac, Priest and Companions, Martyrs (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Huwebes ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Pahayag 18, 1-2. 21-23; 19, 1-3. 9a

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Akong si Juan ay nakakita ng isang anghel na bumababa mula sa langit na may malaking kapangyarihan. Nagliwanag ang buong daigdig dahil sa kanyang kaningningan. Ubos-lakas siyang sumigaw: “Bumagsak na siya. Bumagsak na ang tanyag na Babilonia! Tahanan na lamang siya ngayon ng mga demonyo. Bilangguan ng masasamang espiritu, at pugad ng marumi at kasuklam-suklam na mga ibon.”

Isang makapangyarihang anghel ang kumuha ng isang batong animo’y malaking gilingan. Ubos-lakas niyang inihagis iyon sa dagat, sabay-wika, “Ganito ibabagsak ang tanyag na lungsod ng Babilonia, at hindi na siya makikitang muli! Hindi na maririnig sa iyo ang tinig ng mga mang-aawit at ang himig na likha ng mga manunugtog ng alpa, plauta, at trompeta! Hindi na makikitang muli sa iyo ang mga dalubhasa sa anumang uri ng gawain, at hindi na maririnig ang ingay ng mga gilingan! Hindi ka na muling matatanglawan ng kahit isang ilawan; hindi na maririnig ang masasayang tinig ng ikinakasal. Sapagkat naging makapangyarihan sa buong daigdig ang iyong mangangalakal, dinaya mo ang lahat ng bansa sa pamamagitan ng pangkukulam.”

Pagkatapos nito, narinig ko ang wari’y pinag-isang tinig ng maraming tao sa langit at umaawit ng ganito, “Purihin ang Panginoon! Ang pagliligtas, ang karangalan, at ang kapangyarihan ay tanging sa Diyos! Matuwid at tama ang kanyang hatol! Hinatulan niya ang reyna ng kahalayan na nagpapasama sa lupa. Pinarusahan siya ng Diyos dahil sa pagpatay sa lingkod ng Panginoon!” Muli silang umawit, “Purihin ang Panginoon!”

At sinabi sa akin ng anghel, “Isulat mo ito: Mapalad ang inanyayahan sa piging sa kasal ng Kordero.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 99, 2. 3. 4. 5

Mapalad ang anyayahan
ng Korderong ikakasal.

Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa!
Panginoo’y papurihan, paglingkuran siyang kusa;
lumapit sa harap niya at umawit na may tuwa!

Mapalad ang anyayahan
ng Korderong ikakasal.

Ang Panginoo’y ating Diyos! Ito’y dapat malaman.
Tayo’y kanya, kanyang lahat, tayong lahat na nilalang;
lahat tayo’y bayan niya, kabilang sa kanyang kawan.

Mapalad ang anyayahan
ng Korderong ikakasal.

Pumasok ka sa kanyang templo na ang puso’y nagdiriwang,
umaawit nagpupuri sa loob ng dakong banal,
purihin ang ngalan niya at siya’y pasalamatan!

Mapalad ang anyayahan
ng Korderong ikakasal.

Mabuti ang Panginoon, pag-ibig niya’y walang hanggan,
siya’y Diyos na mabuti’t laging tapat kailanman.

Mapalad ang anyayahan
ng Korderong ikakasal.

ALELUYA
Lucas 21, 28

Aleluya! Aleluya!
Naririto, malapit na
ang kaligtasang pag-asa
upang ating matamasa.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 21, 20-28

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kapag nakita ninyong kubkob na ng mga hukbo ang Jerusalem, talastasin ninyong malapit na ang pagkawasak nito. Dapat tumakas sa kabundukan ang mga nasa Judea, at umalis ng lungsod ang mga naroon; huwag nang pumasok doon ang mga nasa kabukiran. Sapagkat ito ang ‘Mga Araw ng Pagpaparusa,’ bilang katuparan ng mga nasasaad sa Kasulatan. Kawawa ang nagdadalantao at nagpapasuso sa mga araw na iyon! Sapagkat darating ang malaking kapighatian sa lupaing ito, at ang poot ng Diyos sa bansang ito. Mamamatay sila sa tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng bansa. At ang Jerusalem ay magiging busabos ng mga Hentil hanggang sa matapos ang panahong itinakda sa mga ito.

“Magkakaroon ng mga tanda sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat. Ang mga tao’y hihimatayin sa takot dahil sa pag-iisip sa mga sakunang darating sa sanlibutan; sapagkat mayayanig at mawawala sa kani-kanilang landas ang mga planeta at iba pang katulad nito na nasa kalawakan. Sa panahong iyon, ang Anak ng Tao’y makikita nilang dumarating na nasa alapaap, may dakilang kapangyarihan at malaking karangalan. Kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, magalak kayo sapagkat malapit na ang pagliligtas sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Habang natitipon tayo upang ipagdiwang ang misteryo ng ating kaligtasan, bumaling tayo sa Diyos Ama nang may pananalig at hingin ang kanyang awa.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Tapat na Panginoon, basbasan mo kami.

Ang Bayan ng Diyos nawa’y maakit sa pananalangin at pagsisisi habang umaasa sila sa pagdating ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namumuno sa ating lipunan nawa’y makita ang kamay ng Diyos na gumagalaw sa mga pangyayari ng ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y tumingin sa kinabukasan nang may pag-asa at lakas ng loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y mamuhay sa kasiguruhan at pag-asa sa pamamagitan ng mga panalangin at pag-alalay ng kanilang mga kapamilya at kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga namayapa na, ipagkaloob nawa ng Anak ng Tao ang kaligtasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pakinggan mo ang mga panalangin ng iyong bayan at tulungan mo kaming yakapin ang hamon ng krus sa araw-araw. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 31,131 total views

 31,131 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Pwedeng taumbayan naman?

 44,966 total views

 44,966 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 80,191 total views

 80,191 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »

Proteksyon para sa mga gig workers

 126,066 total views

 126,066 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »

Online work at kababaihan

 127,102 total views

 127,102 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »

Watch Live

Related Story

LINGGO, PEBRERO 25, 2024

 598 total views

 598 total views Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18 Salmo 115, 10 at 15. 16-17. 18-19 Sa piling ng Poong mahal ako’y laging namumuhay. Roma 8, 31b-34 Marcos 9, 2-10 Second Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 22, 1-2. 9a. 10-13. 15-18 Pagbasa

Read More »

SABADO, PEBRERO 24, 2024

 1,474 total views

 1,474 total views Sabado sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 26, 16-19 Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Mateo 5, 43-48 Saturday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 26, 16-19 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Ngayon

Read More »

BIYERNES, PEBRERO 23, 2024

 2,424 total views

 2,424 total views Biyernes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 18, 21-28 Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8 Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Mateo 5, 20-26 Friday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Ezekiel 18, 21-28 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel Sinasabi ng Panginoon: “Kung ang isang

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 22, 2024

 2,765 total views

 2,765 total views Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro 1 Pedro 5, 1-4 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Mateo 16, 13-19 Feast of Chair of St. Peter the Apostle (White) UNANG PAGBASA 1 Pedro 5, 1-4 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro Mga pinakamamahal, sa

Read More »

MIYERKULES, PEBRERO 21, 2024

 2,760 total views

 2,760 total views Miyerkules sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jonas 3, 1-10 Salmo 50, 3-4. 12-13. 18-19 D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat. Lucas 11, 29-32 Wednesday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Jonas 3, 1-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jonas Sinabi uli ng Panginoon kay Jonas: “Pumunta

Read More »

MARTES, PEBRERO 20, 2024

 2,384 total views

 2,384 total views Martes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 55, 10-11 Salmo 33, 4-5. 6-7. 16-17. 18-19 Mat’wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan. Mateo 6, 7-15 Tuesday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 55, 10-11 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sinasabi ng Panginoon: “Ang ulan at

Read More »

LUNES, PEBRERO 19, 2024

 1,797 total views

 1,797 total views Lunes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Levitico 19, 1-2. 11-18 Salmo 18. 8. 9. 10. 15 Espiritung bumubuhay ang salita ng Maykapal. Mateo 25, 31-46 Monday of the First Week of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Levitico 19, 1-2. 11-18 Pagbasa mula sa aklat ng Levitico Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin

Read More »

LINGGO, PEBRERO 18, 2024

 1,197 total views

 1,197 total views Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Para sa Pasko ng Pagkabuhay (B) Genesis 9, 8-15 Salmo 24, 4bk-5ab. 6-7bk. 8-9 Poon, iyong minamahal ang tapat sa iyong tipan. 1 Pedro 3, 18-22 Marcos 1, 12-15 First Sunday of Lent (Violet) UNANG PAGBASA Genesis 9, 8-15 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Ito ang

Read More »

SABADO, PEBRERO 17, 2024

 982 total views

 982 total views Sabado kasunod ng Miyerkules ng Abo Isaias 58, 9b-14 Salmo 85, 1-2. 3-4. 5-6 Ituro mo ang ‘yong loob nang matapat kong masunod. Lucas 5, 27-32 Saturday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 58, 9b-14 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sinasabi ng Panginoon: “Kung titigilan ninyo ang pang-aalipin at pagsuway sa

Read More »

BIYERNES, PEBRERO 16, 2024

 971 total views

 971 total views Biyernes kasunod ng Miyerkules ng Abo Isaias 58, 1-9a Salmo 50, 3-4. 5-6a. 18-19 D’yos ko, iyong tinatanggap pakumbaba’t pusong tapat. Mateo 9, 14-15 Friday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Isaias 58, 1-9a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Ikaw ay sumigaw nang ubos-lakas, ang sala ng

Read More »

HUWEBES, PEBRERO 15, 2024

 7,742 total views

 7,742 total views Huwebes kasunod ng Miyerkules ng Abo Deuteronomio 30, 15-20 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Lucas 9, 22-25 Thursday after Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Deuteronomio 30, 15-20 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao, “Nasa inyo ngayon ang kapasyahan. Kayo ang

Read More »

MIYERKULES, PEBRERO 14, 2024

 8,246 total views

 8,246 total views Miyerkules ng Abo Joel 2, 12-18 Salmo 50, 3-4, 5-6a. 12-13. 14 at 17 Poon, iyong kaawaan kaming sa ‘yo’y nagsisuway. 2 Corinto 5, 20 – 6, 2 Mateo 6, 1-6. 16-18 Ash Wednesday (Violet) UNANG PAGBASA Joel 2, 12-18 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Joel Sinasabi ngayon ng Panginoon: “Mataimtim kayong magsisi

Read More »

MARTES, PEBRERO 13, 2024

 9,525 total views

 9,525 total views Martes ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Santiago 1, 12-18 Salmo 93, 12-13a. 14-15. 18-19 Mapalad ang tumatanggap ng aral ng Poong tapat. Marcos 8, 14-21 Tuesday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Santiago 1, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Santiago Mapalad ang taong nananatiling tapat,

Read More »

LUNES, PEBRERO 12, 2024

 10,332 total views

 10,332 total views Lunes ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Santiago 1, 1-11 Salmo 118, 67. 68. 71. 72. 75. 76 Poon, ako’y kahabagan upang mabuhay kailanman. Marcos 8, 11-13 Monday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Santiago 1, 1-11 Ang simula ng sulat ni Apostol Santiago Mula kay Santiago, alipin

Read More »

LINGGO, PEBRERO 11, 2024

 11,420 total views

 11,420 total views Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Levitico 13, 1-2. 44-46 Salmo 31, 1-2. 5. 11 Sa ‘yong tulong at pagtubos ako’y binigyan mong lugod. 1 Corinto 10, 31 – 11, 1 Marcos 1, 40-45 Sixth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Levitico 13, 1-2. 44-46 Pagbasa mula sa aklat ng Levitico Sinabi

Read More »
Scroll to Top