LINGGO, MARSO 5, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,914 total views

Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda (A)

Genesis 12, 1-4a
Salmo 32, 4-5. 18-19. 20 at 22

Poon, pag-asa ka namin,
pag-ibig mo’y aming hiling.

2 Timoteo 1, 8b-10
Mateo 17, 1-9

Second Sunday of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Genesis 12, 1-4a

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Noong mga araw na iyon, sinabi ng Panginoon kay Abram: “Lisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at mga kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo. Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin kong isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at mababantog ang iyong pangalan at magiging pagpapala sa marami.

Ang sa iyo’y magpapala ay aking pagpapalain,
ngunit kapag sinumpa ka, sila’y aking susumpain;
ang lahat ng mga bansa pihong ako’y hihimukin,
na, tulad mong pinagpala, sila ay pagpapalain din.”
Sumunod nga si Abram sa utos ng Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 32, 4-5. 18-19. 20 at 22

Poon, pag-asa ka namin,
pag-ibig mo’y aming hiling.

Panginoo’y tapat sa kanyang salita,
at maaasahan ang kanyang ginawa.
Minamahal niya ang gawang matapat,
ang pag-ibig niya sa mundo’y laganap.

Poon, pag-asa ka namin,
pag-ibig mo’y aming hiling.

Ang may takot sa Diyos, at nagtitiwala
sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga.
Hindi babayaang sila ay mamatay,
kahit magtaggutom sila’y binubuhay.

Poon, pag-asa ka namin,
pag-ibig mo’y aming hiling.

Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon;
Siya ang sanggalang natin at katulong.
Ipagkaloob mo na ang aming makamit,
O Poon ang iyong wagas na pag-ibig,
yamang ang pag-asa’y sa’yo nasasalig!

Poon, pag-asa ka namin,
pag-ibig mo’y aming hiling.

IKALAWANG PAGBASA
2 Timoteo 1, 8b-10

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal kong kapatid:

Makihati ka sa kahirapan dahil sa Mabuting Balita, sa tulong ng Diyos na nagligtas at tumawag sa atin upang tayo’y maging kanyang bayan. Ito’y ginawa niya sa pamamagitan ni Kristo Hesus, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa kanyang layunin at kagandahang-loob na inilaan sa atin bago pa magsimula ang panahon. Ngunit nahayag lamang ito nang dumating si Kristo Hesus na ating Tagapagligtas. Nilupig niya ang kamatayan at inihayag ang buhay na walang haggan sa pamamagitan ng Mabuting Balita.

Ang Salita ng Diyos.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA:

Sa ulap na maliwanag
ito ang siyang pahayag
ang D’yos Ama na nangusap:
“Ito ang mahal kong Anak,
lugod kong dinggin ng lahat.”

MABUTING BALITA
Mateo 17, 1-9

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, isinama ni Hesus si Pedro, at ang magkapatid na Santiago at Juan, at sila’y umakyat sa isang mataas na bundok. Samantalang sila’y naroon, nakita nilang nagbagong anyo si Hesus: nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha, at pumuting parang busilak ang kanyang damit. Nakita na lamang at sukat ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Hesus. Kaya’t sinabi ni Pedro kay Hesus, “Panginoon, mabuti pa’y dumito na tayo. Kung ibig ninyo, gagawa ako ng tatlong kubol: isa sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias.” Nagsasalita pa siya nang liliman sila ng isang maningning na ulap. At mula rito’y may tinig na nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!” Ang mga alagad ay natakot nang gayun na lamang nang marinig nila ang tinig, at sila’y napasubasob. Nguni’t nilapitan sila ni Hesus at hinipo. “Tumindig kayo,” sabi niya, “huwag kayong matakot.” At nang tumingin sila ay wala silang nakita kundi si Hesus.

At habang bumababa sila sa bundok, iniutos ni Hesus sa kanila, “Huwag ninyong sasabihin kaninuman ang pangitain hangga’t hindi muling nabubuhay ang Anak ng Tao.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-2 Linggo ng Kuwaresma

Sa paggunita natin sa pagba- bagong-anyo ni Hesus at sa pagpapatibay natin sa ating pangakong makinig sa kanya, idulog din natin ang mga kahilingan sa Ama para sa sanlibutang pinapangit ng mga kahirapan at pagkakasala. Manalangin tayo:

Panginoon ng liwanag at buhay, dinggin Mo kami!

Para sa buong Simbahang banal sa pakikipag-isa niya sa Panginoon, ngunit nangangailangan ng pagbabalik-loob dahil sa pagkakasala ng kanyang mga kaanib: Nawa sa paggunita ng pagbabagong-anyo ni Hesus, siya’y magsikap magpakahusay para sa ikabubuti ng sangkatauhan. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at lahat nating pinuno: Nawa magtamo sila sa pagbabagong-anyo ni Hesus ng kailangan nilang lakas para harapin ang mga kahirapan sa kanilang misyon. Manalangin tayo!

Para sa mga nag-aalinlangan o nagtatatwa sa kadakilaa’t kabanalan ni Kristo: Nawa mapaniwala sila ng salaysay ng Pagbabagong-anyo na si Hesus ay Diyos na totoo at taong totoo. Manalangin tayo!

Para sa mga taong ang buhay ay nasira ng mga bisyo at ibang anyo ng pagkapariwara: Nawa sa pagbabagong-anyo ni Hesus, makahango sila ng inspirasyon at kailangang lakas para magpani- bagong buhay. Manalangin tayo!

Para sa mga kasama sa ating pamayanan na binabagabag ng mga pisikal at moral na kahirapan: Nawa ang pagbabagong-anyo ni Hesus ay makatulong sa kanilang umasa sa magandang kinabukasan. Manalangin tayo!

Tahimik nating idulog ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, ipakita Mo sa amin ang maaliwalas na mukha ng Iyong Anak sa pagdiriwang ng Eukaristiyang ito, at puspusin Mo kami ng Iyong kapayapaan, upang tapat Ka naming mapaglingkuran sa aming buhay. Amen!

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Farm lots

 3,921 total views

 3,921 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »

Wage Gap

 5,161 total views

 5,161 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »

Education Equality

 15,174 total views

 15,174 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 25,080 total views

 25,080 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »

Inclusive mobility

 39,845 total views

 39,845 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »

Watch Live

Related Story

LUNES, ABRIL 22, 2024

 533 total views

 533 total views Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 11, 1-18 Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4 Aking kinasasabikan ang Diyos na nabubuhay. Juan 10, 1-10 Monday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 11, 1-18 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol Noong mga

Read More »

LINGGO, ABRIL 21, 2024

 218 total views

 218 total views Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 4, 8-12 Salmo 117, 1 at 8-9. 21-23. 26 at 28kd at 29 Batong dating tinanggiha’y siya pang naging saligan. 1 Juan 3, 1-2 Juan 10, 11-18 Fourth Sunday of Easter (White) Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations UNANG PAGBASA

Read More »

SABADO, ABRIL 20, 2024

 1,950 total views

 1,950 total views Sabado sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 31-42 Salmo 115, 12-13. 14-15. 16-17 Sa lahat ng ‘yong kaloob ano’ng aking ihahandog? Juan 6, 60-69 Saturday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 31-42 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

BIYERNES, ABRIL 19, 2024

 2,924 total views

 2,924 total views Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 1-20 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Juan 6, 52-59 Friday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 1-20 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon, masidhi

Read More »

HUWEBES, ABRIL 18, 2024

 3,886 total views

 3,886 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 26-40 Salmo 65, 8-9. 16-17. 20 Sangkalupaang nilalang galak sa Poo’y isigaw. Juan 6, 44-51 Thursday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 8, 26-40 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon, si

Read More »

MIYERKULES, ABRIL 17, 2024

 4,457 total views

 4,457 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 1b-8 Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw. Juan 6, 35-40 Wednesday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 8, 1b-8 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Nagsimula nang araw na iyon ang

Read More »

MARTES, ABRIL 16, 2024

 4,781 total views

 4,781 total views Martes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 7, 51 – 8, 1a Salmo 30, 3kd-4. 6ab at 7b at 8a. 17 at 21ab Poon, sa mga kamay mo habilin ko ang buhay ko. Juan 6, 30-35 Tuesday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 7, 51 –

Read More »

LUNES, ABRIL 15, 2024

 5,005 total views

 5,005 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 6, 8-15 Salmo 118, 23-24. 26-27. 29-30 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Juan 6, 22-29 Monday of the Third Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 6, 8-15 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

LINGGO, ABRIL 14, 2024

 5,390 total views

 5,390 total views Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 3, 13-15. 17-19 Salmo 4, 2. 4. 7. 9 Poon, sa ‘mi’y pasikatin liwanag sa iyong piling. 1 Juan 2, 1-5a Lucas 24, 35-48 Third Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 3, 13-15. 17-19 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Read More »

SABADO, ABRIL 13, 2024

 5,525 total views

 5,525 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Martin I, papa at martir Mga Gawa 6, 1-7 Salmo 32, 1-2. 4-5. 18-19 Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y aming hiling. Juan 6, 16-21 Saturday of the Second Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. Martin I, Pope and

Read More »

BIYERNES, ABRIL 12, 2024

 5,729 total views

 5,729 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 34-42 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Ang tanging aking mithii’y Panginoo’y makapiling. Juan 6, 1-15 Friday of the Second Week of Easter (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay UNANG PAGBASA Mga Gawa 5, 34-42 Pagbasa mula

Read More »

HUWEBES, ABRIL 11, 2024

 6,319 total views

 6,319 total views Paggunita kay San Estanislao, Obispo at Martir Mga Gawa 5, 27-33 Salmo 33, 2 at 9. 17-18. 19-20 Dukhang sa D’yos tumatawag ay kanyang inililigtas. Juan 3, 31-36 Memorial of St. Stanislaus, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay UNANG PAGBASA Mga Gawa 5, 27-33

Read More »

MIYERKULES, ABRIL 10, 2024

 6,365 total views

 6,365 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 17-26 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Dukhang sa D’yos tumatawag ay kanyang inililigtas. Juan 3, 16-21 Wednesday of the Second Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 5, 17-26 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

MARTES, ABRIL 9, 2024

 6,611 total views

 6,611 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 4, 23-27 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y maharlika. Juan 3, 7b-15 Tuesday of the Second Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 4, 32-37 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng mga Apostol Nagkaisa ang damdami’t isipan ng

Read More »

LUNES, ABRIL 8, 2024

 7,118 total views

 7,118 total views Dakilang Kapistahan ng Pagpapahayag ng Magandang Balita tungkol sa Panginoon Isaias 7, 10-14; 8, 10 Salmo 39, 7-8a. 8b-9. 10. 11 Handa akong naririto upang sundin ang loob mo. Hebreo 10, 4-10 Lucas 1, 26-38 Solemnity of the Annunciation of the Lord (White) UNANG PAGBASA Isaias 7, 10-14; 8, 10 Pagbasa mula sa aklat

Read More »
Scroll to Top