Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, OKTUBRE 3, 2022

SHARE THE TRUTH

 328 total views

Lunes ng Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Galacia 1, 6-12
Salmo 110, 1-2. 7-8. 9 at 10k

Pangako ng Poon nati’y
lagi nating gunitain.

Lucas 10, 25-37



Monday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Galacia 1, 6-12

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia

Mga kapatid, nagtataka ako kung bakit kay dali ninyong tinalikdan ang Diyos na tumawag sa inyo sa pamamagitan ng pag-ibig ni Kristo at bumaling kayo sa ibang mabuting balita. Ang totoo’y walang ibang mabuting balita; lamang, may mga nanliligalig sa inyo at nagsisikap na baguhin ang Mabuting Balita tungkol kay Kristo. Maging kami o isang anghel man mula sa langit ang mangaral sa inyo ng iba kaysa Mabuting Balitang ipinangaral namin, pakasumpain siya! Sinabi na namin, at inuulit ko: kung may mangaral sa inyo ng iba kaysa Mabuting Balitang tinanggap ninyo, pakasumpain siya!

Ngayon, nangangahulugan bang ang hinahangad ko’y papuri ng tao? Hindi! Ang papuri ng Diyos ang hinahangad ko. Sinisikap ko bang magbigay-lugod sa tao? Kung iyan lamang ang hangad ko, hindi na sana ako naging alipin ni Kristo.

Ibig kong malaman ninyo, mga kapatid, na hindi katha ng tao ang Mabuting Balitang ipinangaral ko. Hindi ko ito tinanggap mula sa tao, ni itinuro sa akin ng tao. Si Hesukristo ang nagpahayag nito sa akin.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 110, 1-2. 7-8. 9 at 10k

Pangako ng Poon nati’y
lagi nating gunitain.

Buong puso siyang pasasalamatan,
aking pupurihin sa gitna ng bayan
kasama ng mga lingkod na hinirang.
Napakadakila ang gawa ng Diyos,
pinananabikan ng lahat ng lingkod.

Pangako ng Poon nati’y
lagi nating gunitain.

Ang gawa ng Diyos, matuwid at tapat,
at maaasahan lahat niyang batas.
Ito ay lalagi at di magwawakas,
pagkat ang saliga’y totoo’y matapat.

Pangako ng Poon nati’y
lagi nating gunitain.

Kaligtasa’y dulot sa mga hinirang,
may ipinangakong walang hanggang tipan;
banal at dakila ang kanyang pangalan;
at pupurihin pa magpakailanman.

Pangako ng Poon nati’y
lagi nating gunitain.

ALELUYA
Juan 13, 34

Aleluya! Aleluya!
Bagong utos, ani Kristo,
mag-ibigan sana kayo
katulad ng pag-ibig ko.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 10, 25-37

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, may isang eskribang lumapit kay Hesus upang siya’y subukin. “Guro,” aniya, “ano ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?” Sumagot si Hesus, “Ano ang nakasulat sa Kautusan? Ano ang nababasa mo roon?” Tumugon siya, “‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong pag-iisip’; at ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’” “Tama ang sagot mo,” wika ni Hesus. “Gawin mo iyan at mabubuhay ka.”

Sa hangad ng eskriba na huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, tinanong niya uli si Hesus, “Sino naman ang aking kapwa?” Sumagot si Hesus: “May isang taong naglalakbay buhat sa Jerusalem, patungong Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan, kinuha pati damit sa katawan, binugbog at halos patay na nang iwan. Nagkataong dumaan doon ang isang saserdote at pagkakita sa taong nakahandusay, siya’y lumihis at nagpatuloy ng kanyang lakad. Dumaan din ang isang Levita, ngunit tiningnan lamang niya ito at nagpatuloy ng kanyang lakad. Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na naparaan doon. Nakita niya ang hinarang at siya’y nahabag. Lumapit siya, binusan ng langis at alak ang mga sugat nito at tinalian. Saka isinakay ang tao sa kanyang sinasakyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan, at inalagaan doon. Kinabukasan, dumukot siya ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung magkano man ang kakulangan niyan, babayaran ko sa aking pagbabalik.’ Sino ngayon sa palagay mo ang nagpakita ng kanyang pakikipagkapwa sa taong hinarang ng mga tulisan?” tanong ni Hesus. “Ang nagpakita ng habag sa kanya,” tugon ng eskriba. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Humayo ka’t gayun din ang gawin mo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



PANALANGIN NG BAYAN
Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Maging sa ngayon, maraming tao ang nag-aabang sa bangketa na nangangailangan ng mga salitang nakapagpapagaan ng kalooban o naghihintay ng kamay na handang dumamay. Manalangin tayo sa Amang nasa Langit upang maipadama natin ang ating pagmamahal sa konkretong aksyon kaysa sa magandang salita lamang.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, patatagin Mo ang aming pag-ibig.

Ang Simbahan, sa kanyang mga pastol at bayan, nawa’y magpakita ng pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagmamahal sa kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod sa mga dukha nawa’y hindi manghina ang loob o mawalan ng pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang bawat taong makasalamuha natin nawa’y pakitaan natin ng kabutihang-loob at paggalang, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nalulumbay at ang mga may karamdaman sa ating lipunan nawa’y huwag nating balewalain o “lagpasan lamang,” manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y dalhin ni Kristo sa kanyang walang hanggang kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, habang ipinagdarasal namin ang iba, tulungan mo kaming mahalin at paglingkuran ang aming kapwa at tanggapin ang iyong mahal na Anak na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 123,700 total views

 123,700 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 131,475 total views

 131,475 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 139,655 total views

 139,655 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 154,453 total views

 154,453 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 158,396 total views

 158,396 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Watch Live

Related Post

Sabado, Abril 26, 2025

 244 total views

 244 total views Sabado sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 13-21 Salmo 117, 1 at 14-15. 16ab-18. 19-21 Pinupuri

Read More »

Biyernes, Abril 25, 2025

 561 total views

 561 total views Biyernes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 1-12 Salmo 117, 1-2 at 4. 22-24. 25-27a Batong

Read More »

Huwebes, Abril 24, 2025

 1,000 total views

 1,000 total views Huwebes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 11-26 Salmo 8, 2a at 5. 6-7. 8-9 Maningning

Read More »

Miyerkules, Abril 23, 2025

 1,749 total views

 1,749 total views Miyerkules sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 3, 1-10 Salmo 104, 1-2. 3-4. 6-7. 8-9 D’yos ay

Read More »

Martes, Abril 22, 2025

 2,116 total views

 2,116 total views Martes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 2, 36-41 Salmo 32, 4-5. 18-19. 20 at 22 Awa’t

Read More »

Lunes, Abril 21, 2025

 2,463 total views

 2,463 total views Lunes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 2, 14. 22-33 Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10.

Read More »

Sabado, Abril 19, 2025

 3,273 total views

 3,273 total views Ang Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay Genesis 1, 1-2, 2 o kaya Genesis 1, 1. 26-31a Salmo 103, 1-2a. 5-6. 10 at

Read More »

Biyernes, Abril 18, 2025

 3,461 total views

 3,461 total views Biyernes Santo sa Pagpapakasakit ng Panginoon Isaias 52, 13-53, 12 Salmo 30, 2 at 6. 12-13. 15-16. 17 at 25 Ama, sa mga

Read More »

Huwebes, Abril 17, 2025

 3,321 total views

 3,321 total views Huwebes Santo sa Paghahapunan ng Panginoon Exodo 12, 1-8. 11-14 Salmo 115, 12-13. 15-16bk. 17-18 Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap.

Read More »

Miyerkules, Abril 16, 2025

 3,536 total views

 3,536 total views Miyerkules Santo Isaias 50, 4-9a Salmo 68, 8-10. 21bkd-22. 31 at 33-34 Poon, ako’y iyong dinggin sa panahong ‘yong ibigin. Mateo 26, 14-25

Read More »

Martes, Abril 15, 2025

 3,922 total views

 3,922 total views Martes Santo Isaias 49, 1-6 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan. Juan 13, 21-33.

Read More »

Lunes, Abril 14, 2025

 3,952 total views

 3,952 total views Lunes Santo Isaias 42, 1-7 Salmo 26, 1. 2. 3. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Juan 12, 1-11 Monday of Holy

Read More »

Linggo, Abril 13, 2025

 4,178 total views

 4,178 total views Linggo ng Palaspas ng Pagpapakasakit ng Panginoon (K) Lucas 19, 28-40 Isaias 50, 4-7 Salmo 21, 8-9. 17-18a. 19-20. 23-24 D’yos ko! D’yos

Read More »

Sabado, Abril 12, 2025

 4,416 total views

 4,416 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 37, 21-28 Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na

Read More »

Biyernes, Abril 11, 2025

 4,946 total views

 4,946 total views Biyernes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 20, 10-13 Salmo 17, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 7 Sa kahirapa’y humibik, at ako’y

Read More »
Scroll to Top