MARTES, OKTUBRE 4, 2022

SHARE THE TRUTH

 426 total views

Paggunita kay San Francisco de Asis

Galacia 1, 13-24
Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15

Poon, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

Lucas 10, 38-42



Memorial of St. Francis of Assisi (White)

Mga Pagbasa mula sa
Martes ng Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Galacia 1, 13-24

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia

Mga kapatid, hindi kaila sa inyo kung paano ako namuhay bilang masugid na kaanib sa Judaismo. Buong lupit kong inusig ang simbahan ng Diyos at sinikap na ito’y wasakin. Naging mas masugid ako sa relihiyong ito kaysa maraming Judiong kasinggulang ko, at malaki ang aking malasakit sa mga kaugalian ng aming mga ninuno.

Ngunit sa kagandahang-loob ng Diyos, hinirang niya ako bago pa ipanganak, at tinawag upang maging lingkod niya. At nang ihayag niya sa akin ang kanyang Anak, upang ang Mabuting Balita tungkol sa kanya ay maipangaral ko sa mga Hentil, hindi ako sumangguni kaninuman. Ni hindi ako nagpunta sa Jerusalem upang makipagkita sa mga apostol na una kaysa akin. Sa halip, nagtungo ako sa Arabia at pagkatapos ay nagbalik sa Damasco. Nakaraan pa ang tatlong taon bago ako umakyat sa Jerusalem upang makipagkita kay Pedro, at labinlimang araw kaming nagkasama. Wala akong nakitang apostol liban kay Santiago na kapatid ng Panginoon.

Totoong lahat ang sinasabi ko sa sulat na ito. Alam ng Diyos na hindi ako nagsisinungaling.

Pagkatapos, pumunta ako sa mga lalawigan ng Siria at ng Cilicia. Hindi pa ako nakikita noon ng mga Kristiyano sa Judea. Nabalitaan lamang nila na ang dating umuusig sa kanila ay nangangaral ngayon tungkol sa pananampalataya na kanyang sinikap na wasakin noong una. Kaya’t nagpuri sila sa Diyos dahil sa akin.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15

Poon, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

Ako’y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay,
ang lahat kong lihim, Poon, ay tiyak mong nalalaman.
Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid,
kahit ikaw ay malaya, batid mo ang aking isip.
Ako’y iyong nakikita, gumagawa o hindi man,
ang lahat ng gawain ko’y pawang iyong nalalaman.

Poon, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha,
sa tiyan ng aking ina’y hinugis mo akong bata.
Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan,
ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay.

Poon, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

Lahat ito’y nakikintal, sa puso ko at loobin.
Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin,
sa loob ng bahay-bata doo’y iyong napapansin;
lumalaki ako roong sa iyo’y di nalilihim.

Poon, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

ALELUYA
Lucas 11, 28

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang sumusunod
sa salitang buhat sa D’yos
at namumuhay nang angkop.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 10, 38-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, pumasok si Hesus sa isang nayon. Malugod siyang tinanggap ng isang babaing nagngangalang Marta sa tahanan nito. Ang babaing ito’y may isang kapatid na Maria ang pangalan. Naupo ito sa paanan ng Panginoon at nakinig sa kanyang itinuturo. Alalang-alala si Marta sapagkat kulang ang kanyang katawan sa paghahanda, kaya’t lumapit siya kay Hesus at ang wika, “Panginoon, sabihin nga po ninyo sa kapatid kong tulungan naman ako.” Ngunit sinagot siya ng Panginoon, “Marta, Marta, naliligalig ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit isa lamang ang talagang kailangan. Pinili ni Maria ang lalong mabuti, at ito’y hindi aalisin sa kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



PANALANGIN NG BAYAN
Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Tulad ng napag-alaman nina Maria at Marta, nabunyag kay Jesus ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na nananahan sa ating piling. Manalangin tayo sa Diyos na naririto at nakikinig sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, dalawin Mo kami.

Ang Simbahan sa buong daigdig nawa’y maging bukas na tahanan para sa lahat ng maliliit nating mga kapatid, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga labis na abala sa mga bagay sa mundong ito na kumukupas nawa’y magkaroon ng pagpapahalaga sa pakikinig sa Salita ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Katulad ni Maria, nawa’y piliin natin ang higit na mahalaga at tanggapin si Jesus sa ating puso at buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at naghihingalo nawa’y tumingin kay Kristo sa oras ng kanilang paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y manahan sa tahanan ng Diyos magpakailanman, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, ipinadala mo ang iyong Anak na si Jesus upang ipakita sa amin ang daan patungo sa buhay na walang hanggan. Lagi nawa namin siyang tanggapin sa aming buhay at magkaroon siya ng puwang sa aming puso. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 34,002 total views

 34,002 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 40,131 total views

 40,131 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 70,273 total views

 70,273 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 90,199 total views

 90,199 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 109,765 total views

 109,765 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Hunyo 1, 2026

 827 total views

 827 total views Paggunita kay San Justino, martir 2 Pedro 1, 2-7 Salmo 90, 1-2. 14-15ab. 15k-16 D’yos kong tapat at totoo, ikaw lang ang pag-asa

Read More »

Linggo, Mayo 31, 2026

 1,955 total views

 1,955 total views Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos (A) Exodo 34, 4b-6. 8-9 Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56 Purihin at ipagdangal

Read More »

Sabado, Mayo 30, 2026

 3,210 total views

 3,210 total views Sabado ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Judas 17, 20b-25 Salmo 62, 2.

Read More »

Biyernes, Mayo 29, 2026

 4,416 total views

 4,416 total views Biyernes ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pablo VI, papa 1 Pedro 4, 7-13 Salmo 95, 10. 11-12.

Read More »

Huwebes, Mayo 28, 2026

 5,479 total views

 5,479 total views Kapistahan ng Panginoong Hesukristo, Walang Hanggang at Dakilang Pari (A) Genesis 22, 9-18 o kaya Hebreo 10, 4-10 Salmo 39, 7-8a. 10-11ab. 17 Handa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top