Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MIYERKULES, AGOSTO 7, 2024

SHARE THE TRUTH

 5,345 total views

Miyerkules ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay Papa San Sixto II, at mga Kasama, mga martir
o kaya Paggunita kay San Cayetano, pari

Jeremias 31, 1-7
Jeremias 31. 10. 11-12ab. 13

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

Mateo 15, 21-28

Wednesday of the Eighteenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Sixtus, Pope and Companions, Martyrs (Red)
or Optional Memorial of St. Cajetan, Priest (White)

UNANG PAGBASA
Jeremias 31, 1-7

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Noong panahong iyon, sinasabi ng Panginoon: “Sa araw na iyon, ako’y magiging Diyos ng buong Israel; at magiging bayan ko sila.”

Sinasabi pa ng Panginoon: “Ang mga nakaligtas sa patayan ay kinaawaan ko naman sa ilang. Nang ang Israel ay naghahanap ng kapahingahan, napakita ako sa kanila mula sa malayo; sa simula pa’y inibig ko na sila at patuloy kong ipinagmamalasakit. Muli kitang itatayo, marilag ng Israel. Hahawakan mo uli ang iyong mga pandereta, at masaya kang makikisayaw. Muli kang magtatanim ng ubas sa mga burol ng Samaria; magtatanim ang mga manananim, at magpapasasa sa ibubunga niyon. Pagkat darating ang araw na hihiyaw ang mga bantay mula sa kaburulan ng Efraim, ‘Halikayo, umakyat tayo sa Sion, sa Panginoon na ating Diyos.’”

Ang sabi ng Panginoon:
“Umawit kayo sa kagalakan alang-alang kay Jacob,
ipagbunyi ninyo ang pinakadakilang bansa;
magpuri kayo at inyong ipahayag na iniligtas ng Panginoon ang kanyang bayan, ang mga nalabi sa Israel.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Jeremias 31. 10. 11-12ab. 13

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

Mga bansa, pakinggan ninyo ang sabi ng Poon,
at ipahayag ninyo sa malalayong lupain:
“Pinapangalat ko ang mga anak ni Israel,
ngunit sila’y muli kong titipunin at aalagaan,
gaya ng pagbabantay ng isang pastol sa kanyang mga tupa.”

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

Sapagkat tinubos ng Poon si Jacob,
at pinalaya sa kapangyarihan ng
kaaway na lubhang makapangyarihan at malakas.
Aakyat silang nagsisigawan sa tuwa patungo sa Bundok ng Sion,
tigib ng kaligayahan dahil sa mga pagpapala ng Poon.

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

Kung magkagayon, sasayaw sa katuwaan ang mga dalaga
makikigalak pati mga binata’t matatanda;
ang kanilang dalamhati ay magiging tuwa,
papalitan ko ng kagalakan ang kanilang kalungkutan.

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

ALELUYA
Lucas 7, 16

Aleluya! Aleluya!
Narito at dumating na
isang dakilang propeta
sugo ng D’yos sa bayan n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 15, 21-28

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nagpunta si Hesus sa lupaing malapit sa Tiro at Sidon. Lumapit sa kanya ang isang Cananeang naninirahan doon at malakas na sinabi, “Panginoon, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin! Ang anak kong babae ay inaalihan ng demonyo at masyadong pinahihirapan.” Ngunit gaputok ma’y di tumugon si Hesus. At lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, “Pagbigyan na nga po ninyo at nang umalis. Siya’y nag-iingay at susunud-sunod sa atin.” Sumagot si Hesus, “Sa mga tupang naliligaw ng sambahayan ng Israel lamang ako sinugo.” Ngunit lumapit sa kanya ang babae, lumuhod sa harapan at ang sabi, “Tulungan po ninyo ako, Panginoon.” Sumagot si Hesus, “Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta.” “Tunay nga po, Panginoon,” tugon ng babae, “Ngunit ang mga tuta man ay nagsisikain ng mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang panginoon.” Kaya’t sinabi sa kanya ni Hesus, “Napakalaki ng iyong pananalig! Mangyayari ang hinihiling mo.” At noon di’y gumaling ang kanyang anak.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Binuwag ni Jesu-Kristo ang pader na naghihiwalay sa mga Judio at mga Hentil. Bilang isang bayan ng bago at walang hanggang Tipan, manalangin tayo sa Diyos na nagbubuklod sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Makapangyarihang Diyos, maawa ka sa amin.

Ang Simbahan sa lahat ng dako nawa’y maging daan ng habag, kapayapaan, at pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang isang komunidad ng mga sumasampalataya nawa’y huwag tayong paghiwa-hiwalayin ng mga walang halagang hadlang na galit at alitan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga ina na naliligalig at lubos na nag-aalala para sa kalusugan ng kanilang mga anak nawa’y huwag sumuko sa pagtawag ay Jesus para sa kalinga at pag-alalay, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga taong nagdurusa nawa’y lagi nating maipadama ang kalinga anuman ang kanilang katayuan sa buhay, lahi o relihiyon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa na sa buhay na ito nawa’y magbunyi magpakailanman sa makalangit na tahanan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, aming tanggulan at lakas, ninanais mong mabuo kaming lahat bilang iyong bayan. Maging bukas nawa lagi ang aming kalooban sa pangangailangan ng aming kapwa at huwag nawa naming ihiwalay ang sinuman sa aming pagsasamahan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 31,783 total views

 31,783 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 82,346 total views

 82,346 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 29,373 total views

 29,373 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 87,526 total views

 87,526 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 67,721 total views

 67,721 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Linggo, Setyembre 15, 2024

 2,757 total views

 2,757 total views Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 50, 5-9a Salmo 115, 1-2. 3-4. 5-6. 8-9 Kapiling ko habambuhay ang Panginoong Maykapal. Santiago 2, 14-18 Marcos 8, 27-35 Twenty-fourth Sunday in Ordinary Time (Green) National Catechetical Day (Catechist’s Sunday) UNANG PAGBASA Isaias 50, 5-9a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Binigyan ako ng

Read More »

Sabado, Setyembre 14, 2024

 3,734 total views

 3,734 total views Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal Mga Bilang 21, 4b-9 Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38 Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos. Filipos 2, 6-11 Juan 3, 13-17 Feast of the Exaltation of the Cross (Red) UNANG PAGBASA Mga Bilang 21, 4b-9 Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang Noong mga

Read More »

Biyernes, Setyembre 13, 2024

 4,225 total views

 4,225 total views Paggunita kay San Juan Crisostomo, obispo at pantas ng Simbahan 1 Corinto 9, 16-19. 22b-27 Salmo 83, 3. 4. 5-6. 12 Ang templo mo’y aking mahal, D’yos na Makapangyarihan. Lucas 6, 39-42 Memorial of St. John Chrysostom, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang

Read More »

Huwebes, Setyembre 12, 2024

 4,616 total views

 4,616 total views Huwebes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Kamahal-mahalang Ngalan ng Birhen 1 Corinto 8, 1b-7. 11-13 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 23-24 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 6, 27-38 Thursday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Holy Name of Mary (White)

Read More »

Miyerkules, Setyembre 11, 2024

 4,918 total views

 4,918 total views Miyerkules ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 7, 25-31 Salmo 44, 11-12. 14-15. 16-17 O kab’yak ng hari namin, ang payo ko’y ulinigin. Lucas 6, 20-26 Wednesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 7, 25-31 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa

Read More »

Martes, Setyembre 10, 2024

 4,173 total views

 4,173 total views Martes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 6, 1-11 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Lucas 6, 12-19 Tuesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 6, 1-11 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San

Read More »

Lunes, Setyembre 9, 2024

 3,714 total views

 3,714 total views Lunes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pedro Claver, pari 1 Corinto 5, 1-8 Salmo 5, 5-6. 7. 12 Poon, ako’y pangunahan nang landas mo’y aking sundan. Lucas 6, 6-11 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Peter Claver, Priest (White) UNANG PAGBASA 1

Read More »

Linggo, Setyembre 8, 2024

 3,745 total views

 3,745 total views Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 35, 4-7a Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Santiago 2, 1-5 Marcos 7, 31-37 Twenty-third Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 35, 4-7a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob: “Huwag kang

Read More »

Sabado, Setyembre 7, 2024

 4,058 total views

 4,058 total views Sabado ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Corinto 4, 6b-15 Salmo 144, 17-18. 19-20. 21 Sa tumatawag sa Poon, ang D’yos ay handang tumulong. Lucas 6, 1-5 Saturday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary

Read More »

Biyernes, Setyembre 6, 2024

 4,294 total views

 4,294 total views Biyernes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 4, 1-5 Salmo 36, 3-4. 5-6. 27-28. 39-40 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 5, 33-39 Friday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 4, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo

Read More »

Huwebes, Setyembre 5, 2024

 4,928 total views

 4,928 total views Huwebes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 18-23 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Ang daigdig lahat doon, ang may-ari’y ating Poon. Lucas 5, 1-11 Thursday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 18-23 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Miyerkules, Setyembre 4, 2024

 5,187 total views

 5,187 total views Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 1-9 Salmo 32, 12-13. 14-15. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos. Lucas 4, 38-44 Wednesday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 1-9 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Martes, Setyembre 3, 2024

 5,569 total views

 5,569 total views Paggunita sa Dakilang Papa San Gregorio, pantas ng Simbahan 1 Corinto 2, 10b-16 Salmo 144, 8-9. 10-11. 12-13ab. 13kd-14 Mat’wid ang Poong dakila sa lahat ng kanyang gawa. Lucas 4, 31-37 Memorial of St. Gregory the Great, Pope and Doctor (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG

Read More »

Lunes, Setyembre 2, 2024

 5,982 total views

 5,982 total views Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 2, 1-5 Salmo 118, 97. 98. 99. 100. 101. 102 Iniibig ko nang lubos tanang utos mo, Poong D’yos Lucas 4, 16-30 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 2, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Setyembre 1, 2024

 6,641 total views

 6,641 total views Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 4, 1-2. 6-8 Salmo 14, 2-3a. 3kd-4ab. 5 Sino kayang tatanggapin sa templo ng Poon natin? Santiago 1, 17-18. 21b-22. 27 Marcos 7, 1-8. 14-15. 21-23 Twenty-second Sunday in Ordinary Time (Green) World Day of Prayer for the Care of Creation UNANG PAGBASA Deuteronomio 4, 1-2. 6-8

Read More »
Scroll to Top