MIYERKULES, NOBYEMBRE 23, 2022

SHARE THE TRUTH

 2,982 total views

Miyerkules ng Ika-34 o Huling Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
o kaya Paggunita kay San Clemente I, papa at martir
o kaya Paggunita kay San Columbano, abad

Pahayag 15, 1-4
Salmo 97, 1. 2-3ab. 7-8. 9

Poong Diyos na Dakila,
gawa mo’y kahanga-kahanga.

Lucas 21, 12-19

Red Wednesday
Wednesday of the Thirty-fourth Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Clement I, Pope and Martyr (Red)
or Optional Memorial of St. Columban, Abbot (White)

UNANG PAGBASA
Pahayag 15, 1-4

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Akong si Juan ay nakakita ng isa pang kagila-gilalas na pangitain sa langit: pitong anghel na may dalang pitong salot. Ito ang panghuling mga salot sapagkat dito magwawakas ang poot ng Diyos.

May nakita akong animo’y dagat na kristal na nagliliyab. Nakita ko rin ang mga nagtagumpay laban sa halimaw at sa larawan nito, at sa nagtataglay ng pangalang katumbas ng isang bilang. Nakatayo sila sa dagat na animo’y kristal, hawak ang mga alpang ibinigay ng Diyos. Inaawit nila ang awit ni Moises na lingkod ng Diyos, at ang awit ng Kordero:

“Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
dakila at kahanga-hanga ang iyong mga gawa!
O Hari ng mga bansa,
matuwid at totoo ang iyong mga daan!
Sino ang hindi matatakot sa iyo, Panginoon?
Sino ang tatangging magpahayag ng iyong kadakilaan?
Ikaw lamang ang banal!
Lahat ng mga bansa ay lalapit
at sasamba sa iyo,
sapagkat nakita ng lahat ang matuwid mong mga gawa”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 7-8. 9

Poong Diyos na Dakila,
gawa mo’y kahanga-kahanga.

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hanggang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Poong Diyos na Dakila,
gawa mo’y kahanga-kahanga.

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Poong Diyos na Dakila,
gawa mo’y kahanga-kahanga.

Umingay ka, karagatan, at lahat ng lumalangoy,
umawit ang daigdigan at lahat ng naroroon.
Umugong sa palakpakan pati yaong kalaliman;
umawit ding nagagalak ang lahat ng kabundukan.

Poong Diyos na Dakila,
gawa mo’y kahanga-kahanga.

Pagkat siya’y dumarating maghahari sa daigdig;
taglay niya’y katarungan at paghatol na matuwid.

Poong Diyos na Dakila,
gawa mo’y kahanga-kahanga.

ALELUYA
Pahayag 2, 10k

Aleluya! Aleluya!
Manatili kang matapat
hanggang iyong kamatayan,
pagkat buhay, aking bigay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 21, 12-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Darakpin kayo’t uusigin. Kayo’y dadalhin sa mga sinagoga upang litisin at ipabilanggo. At dahil sa akin ay ihaharap kayo sa mga hari at mga gobernador. Ito ang pagkakataon ninyo upang magpatotoo tungkol sa akin. Ipanatag ninyo ang inyong kalooban, huwag kayong mababalisa tungkol sa pagtatanggol sa inyong sarili; sapagkat bibigyan ko kayo ng katalinuhan at ng pananalitang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway. Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak, at mga kaibigan. At ipapapatay ang ilan sa inyo. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, ngunit hindi mawawala ni isang hibla ng inyong buhok. Sa inyong pagtitiis ay tatamuhin ninyo ang buhay na walang hanggan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Sa Diyos ang daigdig at ang sangkatauhan. Ipagkatiwala natin ang ating sarili sa kanya, nang may pananalig at umasa sa kanyang pagtatanggol.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, manatili nawa kami sa iyong pagkalinga.

Ang Simbahan nawa’y tumingin sa kinabukasan nang may kapayapaan at pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng ating paggawa ng kabutihan, ang mga hinahamak, mga tinanggihan, at mga hindi minamahal sa ating lipunan nawa’y makadama ng kalinga ng Diyos sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng matatag na pananalig kay Jesus na nagbubukas ng ating paningin sa kagandahan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at ang mga nagdurusa nawa’y makita at madama ang mapagpagaling na presensya ng Diyos sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kamag-anak at mga kaibigan nawa’y pagkalooban ng walang hanggang liwanag at biyaya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, punuin mo kami ng iyong pag-ibig at pawiin mo ang kadiliman sa aming buhay upang makakilos at makagawa kami sa liwanag ni Kristo, ang iyong Anak na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa loob ng 24 oras

 12,516 total views

 12,516 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 30,316 total views

 30,316 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 30,316 total views

 30,316 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 143,756 total views

 143,756 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 165,317 total views

 165,317 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Abril 22, 2026

 753 total views

 753 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 1b-8 Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.

Read More »

Martes, Abril 21, 2026

 2,254 total views

 2,254 total views Martes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Anselmo, obispo at pantas ng Simbahan Mga Gawa 7, 51 –

Read More »

Lunes, Abril 20, 2026

 2,254 total views

 2,254 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 6, 8-15 Salmo 118, 23-24. 26-27. 29-30 Mapalad ang sumusunod sa utos ng

Read More »

Linggo, Abril 19, 2026

 1,871 total views

 1,871 total views Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A) Mga Gawa 2, 14. 22-23 Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10. 11 Ituro mo

Read More »

Sabado, Abril 18, 2026

 1,179 total views

 1,179 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 6, 1-7 Salmo 32, 1-2. 4-5. 18-19 Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top