Programang pangkabataan sa Diocese of Malolos, apektado ng COVID19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 691 total reads

Pinag-aaralan ng Diocesan Youth Commission ng Diocese of Malolos kung paano maipagpapatuloy ang kanilang mga programa para sa mga kabataan sa kabila ng umiiral na pandemya.

Aminado si Rev. Fr. Jigs Garcia, Director ng komisyon na labis na naka-apekto ang pandemya sa kanilang mga nasimulan na programa kung saan aktibong nakikibahagi ang mga kabataan.

Isa na dito ang kanilang itinayong Cafe na mismong mga kabataan ang naglilingkod at nagpapatakbo ngunit napilitan silang pansamantalang isara dahil sa pandemya.

“nung nagkaroon ng pandemya nakakalungkot na isinara namin yun Cafe Lolek dahil siyempre nakakapangamba na baka pagmulan pa ng pagkalat ng virus yung lugar, tapos nangangamba din tayo para sa mga volunteers natin kaya naisara ang dalawang tindahan” pahayag ni Fr. Garcia sa programang Pondo ng Pinoy sa Caritas in Action.

Ang Cafe Lolek ay proyekto ng komisyon katuwang ang Pondo ng Pinoy kung saan ang kinikita mula dito ay inilalaan para sa pangangailangan ng mga kabataan sa Diocese ng Malolos.

ipinangalan ito kay Saint John Paul II at matatagpuan sa National Shrine of the Divine Mercy sa Marilao at sa Malolos Cathedral sa lalawigan ng Bulacan.

Tiniyak ni Fr. Garcia na bumubuo na sila ng plano para maipagpatuloy ang naipasarang Cafe sa paraan na hindi masasakripisyo ang kaligtasan at kalusugan ng mga kabataang naglilingkod dito.

“Pina-plano na namin paano gagawin iyan bagamat hindi namin alam kung kailan mag-papaalam din muna kami sa aming Obispo [Bishop Dennis Villarojo] pero nagkakasa na kami kung paano gagawin na pagbubukas muli ng Cafe Lolek.
“Alam natin na tayo ay pansamantala napipigilan dahil nag-mamalasakit tayo pero dadating din sa punto na yung mga kabataan natin kikilos at gaganap yan” Dagdag pa ni Fr. Garcia.

Inibahagi naman ni Bro. Angelo Caburnay isa sa mga Program Coordinator ng Komisyon na tinitignan nilang posibilidad ay ang pagkakaroon ng online delivery services ng mga produkto at paninda ng Cafe Lolek.

“Tinitignan po namin yung instead na pumunta sila ng store o-order na lang sila online tapos mag tap kami ng mga youth din na walang pinagkukunan at pwede mag deliver ng mga orders. Nag-iisip din kami ng iba pa na pwede makatulong na ma-sustain yung programa.” Pahayag ni Bro. Angelo.

Patuloy na umaasa si Fr. Garcia at Bro. Angelo na sa kabila ng mga hamon na dala ng kasalukuyang sitwasyon ay maipagpapatuloy ang mga nasimulan na nilang programa para sa mga kabataan ng Diocese of Malolos.

Magugunitang ilan sa mga programa ng Simbahang Katolika ang naantala at natigil dahil sa mga limitasyon dulot ng Covid19 pandemic.

Kamakailan ay inihayag ng Pamahalaan na target na mabigyan na din ng bakuna ang mga kabataang edad 12 hanggang 17 ngayong huling bahagi ng taong 2021 sa Pilipinas.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 1,279 total reads

 1,279 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 3,371 total reads

 3,371 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 11,170 total reads

 11,170 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 48,548 total reads

 48,548 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 79,819 total reads

 79,819 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 156,642 total reads

 156,642 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 250,343 total reads

 250,343 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 100,189 total reads

 100,189 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top