Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Proteksyon para sa mga bata

SHARE THE TRUTH

 318 total views

Mga Kapanalig, binibigyan nating mga Pilipinong Katoliko ng natatanging pagsamba ang Sto. Niño, ang batang Hesus. Sa kabila nito, nakalulungkot na ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamalalang suliranin sa pang-aabuso ng mga bata. Noong nakaraang buwan, dumalaw sa ating bansa ang UN Special Rapporteur on the Sale and the Sexual Exploitation of Children upang matingnang mabuti ang sitwasyon ng mga batang naging biktima ng pang-aabusong sekswal, lalo na sa tourism industry. Aniya, hindi ito napag-uukulan ng sapat na pansin ng mga awtoridad sa ating bansa.

Nakababagabag ang ganitong hindi pagtutugma ng ating pananampalataya at ng ating mga ginagawa. Nang lumaganap noon ang mga pagpatay sa mga pinaghihinalaang gumagamit at nagtutulak ng iligal na droga, nanatiling tahimik ang karamihan ng mga Katoliko sa kabila ng malinaw na paglabag sa karapatan ng mga napaslang. Sabi ng iba, masamang tao naman daw ang mga pinatay. Ngunit hindi maitatangging ang pagpatay sa kanila ay paglabag sa karapatang pantao at sa batas ng Diyos.

Sa kaso naman ng pang-aabuso sa mga bata, tatahimik din lang kaya tayo? Sisisihin lang ba natin ang mga magulang ng mga batang ito?  Ito lamang ba ang magagawa natin?

May natatanging pagtingin ang ating Panginoon sa mga bata. Sa Mateo 18:3 at 6, sinabi ni Hesus, “malibang kayo’y magbago at maging tulad sa mga bata, kailanma’y hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.” At nagbabala pa Siya sa sinumang mananakit at magpapahamak sa mga bata nang sabihin niyang “…ang sinumang magiging dahilan ng pagkakasala ng maliliit na batang ito na sumasampalataya sa akin ay mabuti pang talian sa leeg ng gilingang bato at itapon sa pusod ng dagat.”

Sa araw na ito, ipinapaalala sa atin ng ating Ebanghelyo ang utos na pagpaslang ni Haring Herodes sa mga inosenteng sanggol at bata dahil lamang sa ayaw niyang maagaw sa kanya ang kanyang kapangyarihan. May ganitong mga Herodes pa rin ngayon sa ating mundo at bansa. Pinakamahina at walang kalaban-laban ang mga bata sa harap ng pang-aabuso ng mga higit na malakas at may kapangyarihan.

Inirekomenda ng UN Special Rapporteur sa ating gobyernong magtatag ng espesyal na mga korte para sa mga kasong sangkot ang mga bata at ang isailalim sa pagsasanay ang mga kawani ng gobyerno ukol sa proteksyon ng mga bata. Tayo, mga Kapanalig, ano naman ang maaari nating gawin?

Isa ang pagtuturo sa loob ng ating pamilya kung paano dapat tratuhin ang mga bata nang may respeto at pangangalaga sa kanilang pagkatao at kapakanan. Tayo mismo ay dapat magbigay ng halimbawa ng ganitong uri ng pagtrato sa mga bata. Maging mapagmasid din tayo kung may nagaganap na pang-aabuso sa mga bata sa ating mga kapitbahayan at komunidad. Ipagbigay-alam natin ang mga ito sa mga kinauukulan. Kung may kakilala tayong hindi mabuti ang pagtrato sa mga bata, tungkulin nating pagsabihan siya at punahin ang kanyang ginagawa. Malaki ang maitutulong ng bawat isa sa atin sa paghubog ng isang kulturang pinoproteksyunan ang mga musmos.

Mga Kapanalig, winika ni Pope Francis sa Fratelli Tutti na ang lahat ng tao ay may dignidad na ‘di maaring labagin sa anumang yugto ng kasaysayan, at walang sinumang maaring ipalagay ang sarili na may karapatang hindi ito kilalanin o kumilos ng labag dito. May mga taong ang tingin sa mga bata ay hindi pa ganap na taong kapag may inaabuso, pinagsasamantalahan, at sinasaktan ay malilimutan lamang nila ang mga ito at hindi maaapektuhan ang kanilang pagtingin sa sarili at sa kapwa sa kanilang paglaki. Maling-mali ito. Lalong sensitibo ang mga bata at lalong dapat nararanasan nila sa murang edad na tinatrato sila nang may dignidad at halaga.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,706 total views

 5,706 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 18,846 total views

 18,846 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 24,819 total views

 24,819 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 30,574 total views

 30,574 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 37,836 total views

 37,836 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,707 total views

 5,707 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 18,847 total views

 18,847 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 24,820 total views

 24,820 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 30,575 total views

 30,575 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 37,837 total views

 37,837 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,044 total views

 41,044 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,425 total views

 36,425 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,429 total views

 48,429 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,471 total views

 56,471 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,028 total views

 48,028 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,453 total views

 46,453 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,239 total views

 48,239 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,164 total views

 45,164 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,478 total views

 59,478 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,168 total views

 63,168 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top