4,191 total views
Muling pinaalalahanan ng mga dalubhasa ang publiko na mag-ingat laban sa sakit na dengue.
Ito ay makaraang maitala sa 94% na pagtaas sa kaso ng dengue ngayong taon, kumpara sa nakaraang taon ayon sa Department of Health.
Sa panayam ng Veritas Pilipinas kay Dr. Rey Salinel Jr.-Diplomate and Fellow Philippine Academy of Family Physician Chairman Hospital Infection Prevention Control Unit, ito ay dulot na rin ng pabago-bagong panahon.
Sa tala ng DoH, tumaas ng 27,000 ang bilang ng naitalng kaso mula sa dating 14,000 kaso ng dengue noong nakaraang taon.
“Alam naman po natin na ibang klase yung panahon natin kaya po siguro dumarami ang breeding ground dahil nga po sa pabago-bagong panahon yung climate change nga po natin,” ayon kay Salinel.
Isa rin sa dahilan ng mataas na kaso ng dengue ngayong taon ay ang mobilization ng mga tao kung saan maluwag na ang pagpunta sa mga lugar na mataas ang bilang ng kaso ng dengue at walang sapat na proteksyon.
Ayon sa datos taong 2019 ang may pinakamataas na kaso ng ulat ng namatay sa dengue na umabot ng 2,775.