Urban gardening, isinusulong ng Camillian Fathers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,283 total reads

Maliban sa pangangalaga sa kalusugan, isinusulong ng Camillian Fathers ang pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng urban gardening.

Ayon kay Camillian Vicar Provincial Fr. Dan Cancino, alinsunod ito sa Laudato Si’ Action Platform at mga katuruan ng simbahan kung saan ang mga hardin ay halimbawa ng pagpapahayag ng pagnanais na makiisa sa kalikasan at Diyos na tagapaglikha.

Paliwanag ng pari na ito ay paraan din ng pagsisisi sa mga nagawang kasalanan at pang-aabuso sa nag-iisang tahanan.

“Creating gardens is an act of atonement that can heal our past sins of overconsumption, environmental injustice and indifference, and can bring us closer to the vision of integral ecology in Laudato Si’,” pahayag ni Fr. Cancino.

Dagdag ni Fr. Cancino na siya ring executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Health Care Commission na ang mga halaman at gulay ay nakapagpapabuti ng kalusugan mula sa polusyon sa kapaligiran at pagkonsumo ng mga hindi masustansiyang pagkain.

Bukod pa rito, pinagtitibay din ng urban gardening ang ugnayan ng bawat pamilya at pamayanan sa pamamagitan ng pagtutulungan sa paglikha nito.

“We sow anecdotes, water and nurture our fraternal relationship, take greater awareness of God’s goodness and greatness through the fruits of the Earth, and foster our care for her,” ayon kay Fr. Cancino.

Hinihikayat ng simbahan ang pagtangkilik sa plant-based diet na isinusulong ang pagkonsumo ng masustansiyang pagkain at pangangalaga sa kalikasan.

Kaakibat nito ang No-Meat Friday Campaign na panawagang bawasan ang pagkain ng karne ng hayop upang makaiwas sa mga karamdamang maaaring makuha sa labis na pagkonsumo nito.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 6,865 total reads

 6,865 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 6,993 total reads

 6,993 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 13,284 total reads

 13,284 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 69,690 total reads

 69,690 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 193,191 total reads

 193,191 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 277,998 total reads

 277,998 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,005 total reads

 175,005 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top