Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Putulin ang mga ugat ng human trafficking

SHARE THE TRUTH

 411 total views

Mga Kapanalig, sa raid na isinagawa ng Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police (o PNP) sa isang POGO facility sa lungsod ng Las Piñas noong nakaraang buwan, nakasagip sila ng mahigit 2,700 na biktima raw ng human trafficking. Halos kalahati sa kanila ay mga dayuhang walang kaukulang dokumento upang pumasok at magtrabaho sa Pilipinas. Mula sila sa mga karatig-bansang katulad ng Indonesia, Vietnam, at Malaysia. Mayroon ding galing ng Africa. May mga Pilipino rin sa naturang pasilidad. Itinuturing ng PNP na mga biktima ng human trafficking ang mga sinagip nila sa Las Piñas dahil hindi sila pinapayagang umalis sa kanilang trabahong umaabot ng labindalawang oras kada araw.  

Ang POGO o Philippine offshore gaming operators ay dumagsa noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Digong Duterte. May mga iniuugnay ang mga ito sa pagiging malapít ng nakaraang administrasyon sa gobyernong China. Ang nakapagtataka, iligal sa China ang mga negosyong ito dahil una sa lahat, karamihan sa mga POGO ay nasa online gambling na bawal doon. At dahil karamihan sa mga nagsusugal online ay mga taga-China, mga taga-roon din ang madalas na kuning manggagawa sa mga POGO. Noong 2020 nga, nasa tinatayang 70,000 Chinese nationals ang nasa Pilipinas upang magtrabaho sa mga POGO. Maaaring mas marami pa ang bilang nila dahil hindi bababa sa 200 na POGO ang nag-o-operate nang walang permit. Ang POGO na ni-raid ng mga pulis sa Las Piñas ay sinasabing isang “scam hub” o sangkot sa investment scam.  

Dahil sa kontrobersyang bumabalot sa mga POGO, nais na ni Senador Sherwin Gatchalian na tulayan nang i-ban sa bansa ang mga ito. Naiparating na raw niya ang kanyang mungkahi kay Pangulong BBM na aniya’y lubhang nabahala sa krimeng nagyayari sa mga POGO.4 Samantala, nais paimbestigahan ng ibang mambabatas ang nangyaring raid dahil umano sa kawalan ng koordinasyon ng PNP sa Department of Justice. 

Sa pananaw ng Simbahan, ang human trafficking ay malinaw na labag sa angking dangal at kalayaan ng mga biktima. Itinuturing kasing kasangkapan ang mga tao ng kanilang kapwa. Sinasamantala ang kanilang kalagayan upang mapakinabangan ng mga nais kumita lamang. Sa kaso ng mga napapasok sa iligal na online gambling at scamming, marami sa kanila ang nawalan ng trabaho noong kasagsagan ng pandemya at desperadong magkaroon ng hanapbuhay. Minsan na ngang tinawag ni Pope Francis na “crime against humanity” ang human trafficking. Isa itong sugat sa pagkatao ng mga biktima pati na rin ng mga gumagawa nito.  

Kung totoong may human trafficking sa likod ng POGO na ni-raid ng mga pulis sa Las Piñas at sa iba pang POGO sa ibang lugar sa bansa, dapat lamang na suriing mabuti kung dapat nga bang payagan pa ng pamahalaan ang operasyon ng mga negosyong ito sa ating bansa. Bagamat kinikilala ng US State Department ang seryoso at masigasig na pagsagip ng pamahalaan sa mga biktima ng human trafficking sa ating bansa, bigo pa rin itong imbestigahan at papanagutin ang mga nambibiktima. Malaking bahagi raw ng kabiguang ito ang laganap na katiwalian sa gobyerno, at ang pakikipagsabwatan ng mga nasa posisyon ay nananatiling hadlang sa pagsugpo sa human trafficking.  

Mga Kapanalig, sa Exodo 21:16, mabigat ang parusang naghihintay sa mga taong sangkot sa tinatawag natin ngayong human trafficking. “Sinumang dumukot ng kapwa upang ipagbili o alipinin ay dapat patayin.” Hindi natin sinasabing dapat patayin ang mga nasa likod ng human trafficking; ang kailangan ay maigting na pagpapatupad ng ating mga batas. Sa huli, hindi lalaganap ang human trafficking kung may disenteng trabahong mahahanap ang ating mga kababayan upang hindi sila mapilitang kumapit sa patalim. Dapat na putulin ang mga ugat ng human trafficking sa bansa. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 15,386 total views

 15,386 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 22,867 total views

 22,867 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 36,007 total views

 36,007 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 41,980 total views

 41,980 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 47,734 total views

 47,734 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 15,387 total views

 15,387 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 22,868 total views

 22,868 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 36,008 total views

 36,008 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 41,981 total views

 41,981 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 47,735 total views

 47,735 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,201 total views

 41,201 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,285 total views

 42,285 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,666 total views

 37,666 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,670 total views

 49,670 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,712 total views

 57,712 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,269 total views

 49,269 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,694 total views

 47,694 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,480 total views

 49,480 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 46,405 total views

 46,405 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,719 total views

 60,719 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top