CBCP, hinamon ang pamahalaan na suriin ang programa sa healthcare workers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,841 total reads

Hinamon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang pamahalaan na suriing mabuti ang mga programa para sa healthcare workers.

Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary Fr. Dan Cancino, MI, kabilang sa maituturing na mahalagang aspeto sa sektor ng kalusugan sa bansa ang human resources.

Inihalintulad ni Fr. Cancino ang pagsisikap ng pamahalaan na mapabuti ang sektor ng kalusugan sa pamamagitan ng Universal Health Care ay dapat pahalagahan din ang kakayahan ng mga healthcare worker tulad ng nurses.

“Dapat, pati ‘yung ating human resources ay competent. Ibig sabihin nakapasa, may lisensya sila, at doon mo makikita ang pagpapahalaga ng ating gobyerno sa human resources natin for health, isa d’yan ‘yung mga nurses,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Naunang inihayag ni Health Secretary Ted Herbosa ang hakbang na hikayatin ang nursing graduates na nakakuha ng 70-74 percent rating sa Nursing Board Exam na maging karagdagang manggagawa ng kalusugan sa bansa.

Sinabi naman ni Fr. Cancino na maganda ang mungkahi ni Herbosa ngunit pansamantalang solusyon lamang ito.

Iginiit ng pari na mas makabubuti pa rin na palawigin at paigtingin ng pamahalaan ang programa at benepisyo para sa mga healthcare workers upang manatili na lamang sa Pilipinas.

“Busisiin natin ‘yung buong programa natin para sa ating mga health care workers. Baka pumupunta ‘yan [sa ibang bansa] kasi ‘yung mga benefits, status, kondisyon nila dito, hindi lang ‘yung sa mga nasa ospital pero pati ‘yung mga nasa komunidad ay hindi akma doon sa trabaho na binibigay natin sa kanila. Let’s try to look at a more comprehensive program para sa kanila para sa mga health care workers,” giit ni Fr. Cancino.

Una nang inanunsyo ng DOH na bukas ang mahigit 4,500 bakanteng plantilla position sa mga government hospitals para sa mga lisensyadong nurse.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,321 total reads

 50,321 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,982 total reads

 129,982 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,429 total reads

 163,429 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,727 total reads

 198,727 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,263 total reads

 423,263 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,952 total reads

 156,952 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top