Matatag na paninindigan ng ICC sa katarungan, ikinagalak ng PAHRA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,995 total views

Ikinagalak ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) ang naging desisyon ng International Criminal Court (ICC) na nagbabasura sa apela ng gobyerno ng Pilipinas upang itigil ang pag-iimbestiga sa marahas na war on drugs sa bansa.

Ayon sa human rights group, naaangkop lamang ang paninindigan ng ICC upang bigyang katarungan ang lahat ng mga biktima ng ‘war on drugs’ ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“The Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) welcomes the decision of the International Criminal Court Appeals Chamber in rejecting the appeal of the Philippine government to cease its investigation into the “war on drugs” waged by former President Rodrigo Duterte’s administration.” bahagi ng pahayag ng PAHRA.

Sinabi ng PAHRA na ang naging desisyon ng ICC ay maituturing na isang panalo para sa mga pamilya na naulila ng war on drugs na matagal ng naghahangad ng katarungan.

Naniniwala din ang PAHRA na kaakibat ng nasabing desisyon ng International Criminal Court (ICC) ang isang matibay na mensahe at paalala sa kaakibat na kaparusahan ng paglabag sa karapatang pantao sa lipunan.

“The decision is another significant victory for the victims of the drug war killings in seeking justice and for the ICC’s efforts to hold perpetrators of crimes against humanity accountable. It also sends a strong message to governments around the world that they cannot violate international law with impunity.” Dagdag pa ng PAHRA.

Matatandaang Enero ng kasalukuyang taon ng unang binigyan ng awtorisasyon ang pagpapatuloy sa imbestigasyon makaraang madismaya ang ICC sa ginagawang inisyatibo ng gobyerno ng Pilipinas na sariling imbestigasyon sa libu-libong kaso ng pagpatay dulot ng kampanya sa iligal na droga.

Sa opisyal na tala ng pamahalaan aabot lamang sa 6,200 ang nasawi sa mga isinagawang police operations sa ilalim ng nakalipas na administrasyong Duterte, na taliwas sa tala ng mga human rights groups sa bansa na aabot sa 20,000 hanggang 30,000.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 60,810 total views

 60,810 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 56,679 total views

 56,679 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 92,881 total views

 92,881 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 101,110 total views

 101,110 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 125,377 total views

 125,377 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top