Radio Veritas, hinamong pangunahan ang totoong pamamahayag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 435 total reads

Ipinaalala ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle na bagamat patuloy at mabilis na nagbabago ang paraan ng komunikasyon ay hindi naman nagbabago ang misyon ng Radyo Veritas.

Sa mensahe ng Cardinal sa ikalawang araw ng pagdiriwang ng ika-50 Anibersaryo ng Radio Veritas Asia at Radio Veritas 846 na ginanap sa Veritas Asia Compound Fairview Quezon City, sinabi nito na maraming suliranin sa paraan ng komunikasyon at malimit na naaapektuhan nito ay ang pamilya at ang lipunan.

Gayunman iginiit ni Cardinal Tagle na sa kabila ng anumang pamamaraan ay mahalaga na pangunahan ng simbahan at impluwensyahan nito ang media upang maitaguyod ang totoong komunikasyon na naka-ugat sa pag-ibig at katarungan.

“Every year the technology gets obsolete because something new is discovered, but the mission remains, how do we communicate truth, the truth of Jesus Christ… I want to say that whatever the means may be for Radyo Veritas, our mission is to promote true communication, no matter what the means, true communication that creates a true communicative society, a society that is based on truth, justice and love.” Bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.

Nilinaw naman nito na bagamat mahalaga ang teknolohiya sa komunikasyon ay nananatili namang pinaka-mabisang paraan ay ang personal na pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Ayon kay Cardinal Tagle, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ibang tao ay nararanasan ang Panginoon at naihahatid sa bawat isa ang katotohanan, pag-ibig at katarungan na mensahe ng Diyos.

“Let us go back to the basics, human interaction, and human communication, we may have the most sophisticated means and not deal with each other in a humane manner. So as we look forward to the surprises of God for Veritas, what remains is communication, human encounter, encounter with God who is truth, justice and love.” Dagdag pa ng Cardinal.

Matatandaang ika-11 ng Abril 1969, sumahimpapawid sa kauna-unahang pagkakataon ang Radio Veritas sa Pilipinas.

Nakilala naman ang himpilan dahil sa natatanging ambag nito sa pagpapahayag ng katotohanan noong panahon ng Edsa People Power Bloodless Revolution taong 1986 kung saan ginagawaran ito ng Ramon Magsaysay Award.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 47,247 total reads

 47,247 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 96,983 total reads

 96,983 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 144,854 total reads

 144,854 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 248,803 total reads

 248,803 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 332,510 total reads

 332,510 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 41,881 total reads

 41,881 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 34,761 total reads

 34,761 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top