Ramon Magsaysay awardee, ikinalulungkot ang pagpapaliban sa confirmation hearing ni Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,860 total views

Dismayado at ikinalulungkot ni Divine Word Missionary Priest at Ramon Magsaysay Awardee, Rev. Fr. Flavie Villanueva, ang pagpapaliban ng International Criminal Court (ICC) sa confirmation hearing sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakda sana ngayong ika-23 ng Setyembre, 2025.

Ayon sa pari na siyang Founder at President ng Arnold Janssen Kalinga Foundation Inc. at Program Paghilom na nangangalaga sa mga naulila ng mga biktima ng War on Drugs, maituturing na pansamantalang dagok para sa mga naulila ng war on drugs victims ang desisyon ng ICC.
Inihayag ni Fr. Villanueva, ang hakbang ay paraan lamang ng panlilinlang at pag-antala sa pag-usad ng kaso.

“Yung pag-postpone ng confirmation of charges ni [dating Pangulong] Rodrigo Duterte noong isang linggo ay nagdala ng pansamantalang dagok, lungkot sa mga biktima, sa mga ulila. Bagamat pilit nating pinaliwanag at ito naman ay naunawaan nila na ito’y pansamantala, ito’y taktika, ito’y panlilinlang ng mga Duterte upang hindi mailagay ang mukha ni Digong sa pang-mundong larawan na yung kanyang gustong duraan ay siyang humuhusga na sa kanya ngayon.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Villanueva.

Sinabi naman ni Fr. Villanueva na bagamat may kalungkutan ay puno pa rin ng pag-asa ang mga naulila na makamit ang katarungan sa pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay.

Tiniyak ng Pari na hindi natitinag ang pag-asa at pagnanais ng mga naulila ng War on Drugs na mapanagot ang lahat ng sangkot sa marahas na implementasyon ng kampanya laban sa illegal na droga ng nakalipas na administrasyong Duterte.

“Bagamat may kalungkutan tuloy po ang pag-asa, tuloy po ang pakikibaka sa katarungan at hindi po matitinag ang mga balo, ulila at biktima ng karahasan ni Rodrigo Duterte na sumigaw ‘sobra na, tama na, panagutin ang lahat ng mga naging kasangkapan ni Rodrigo Duterte’.” Dagdag pa ni Fr. Villanueva.

Matatandaang ika-7 ng Marso, 2025 ng inilabas ng ICC ang arrest warrant laban kay dating Pangulong Duterte na isinapubliko noong ika-11 ng Marso, 2025 kung saan agad na inaresto ang dating Pangulo paglapag nito sa NAIA galing ng Hongkong.

Ika-12 ng Marso, 2025 ng pormal na isinuko sa custody ng ICC sa The Hague si dating Pangulong Duterte habang ika-14 naman ng Marso, 2025 ng unang humarap ang dating Pangulo sa International Criminal Court sa pamamagitan ng video link upang kumpirmahin ang kanyang katauhan sa ICC.

Sa tala ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) aabot ng halos 9,000 – katao ang nasawi sa ilalim ng War on Drugs ng administrasyong Duterte habang sa tala ng iba’t ibang human rights organizations sa Pilipinas ay sa mahigit 20,000 ang mga nasawi.(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 52,401 total views

 52,401 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 85,483 total views

 85,483 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 113,834 total views

 113,834 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 181,566 total views

 181,566 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 201,066 total views

 201,066 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top