198 total views

Mga Kapanalig, noong 2019, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Universal Health Care Bill upang maging ganap na batas. Inasahan itong magbubunga ng malawakang pagbabago sa public health sector ng bansa. Layunin ng batas na ito na palakasin ang mga serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan at padaliin ang pag-access ng mga Pilipino sa mga ito sa pamamagitan ng automatic membership ng lahat sa PhilHealth. Ang PhilHealth ang pangunahing ahensyang nagpapatupad ng National Health Insurance Program na nagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga Pilipinong nangangailangang maospital o may mga gamot at procedures na kailangang matanggap dahil sa kanilang kalagayang pangkalusugan. Ang mga miyembro ay nag-aambag sa pondong pinaiikot at ginagamit bilang subsidiya, at ngayong lahat ng Pilipino ay miyembro na ng Philhealth, kailangang tiyakin ng pamahalaang may sapat na pondo ang ahensya.

Ngunit nitong mga nakalipas na taon, tila hindi tinatantanan ng kontrobersya ang PhilHealth. Pinakamatindi nga sa mga ito ang di-umano’y nawawalang 15 bilyong piso, na ayon sa isang whistleblower ay ibinulsa ng mafia sa loob ng ahensya. Agosto ng taong 2020 nang lumutang ang whistleblower na inakusahan ang mga opisyal ng PhilHealth ng pagnanakaw. Nagkaroon ng serye ng mga pagdinig sa Senado hanggang umabot sa pagbibitiw ng presidente at ilang senior officials ng PhilHealth. Noong nakaraang taon, naglabas ang ahensya ng liquidation report upang patunayang hindi nawala ang pondo nito. Paliwanag ng PhilHealth, ang pera ay ibinigay bilang ayuda sa mahigit 700 ospital sa bansa upang manatili silang bukás upang tumanggap ng mga pasyenteng nangangailangan ng gamutan sa gitna ng pandemya. Hindi ito kinagat ng marami lalo na’t sinabi ng whistleblower na nagsimula ang pagkawala ng pondo bago pa man magkaroon ng pandemya.

Ang pinakabagong hamong kinakaharap ng PhilHealth ay ang planong “PhilHealth holiday” ng mga pribadong ospital na kasapi ng Private Hospitals Association Philippines (o PHAPI). Inudyukan ng asosasyon ang mga kasapi nitong huwag tumanggap ng PhilHealth deductions para sa mga serbisyong ibibigay nila sa mga pasyente sa unang limang araw ng buwang ito. Ngunit sinuspinde ng PHAPI ang planong nito matapos daw makiusap ang iba’t ibang grupo na bigyan muna sila ng maayos na impormasyon tungkol sa PhilHealth holiday. Bago nito, nag-anunsyo ang pitong ospital sa lungsod ng Iloilo na kakalas na ang mga ito sa PhilHealth dahil sa unpaid claims mula sa ahensya. Aabot sa 895 milyong piso ang utang sa kanila ng PhilHealth.

Ang mga isyung bumabalot sa PhilHealth ay banta sa ating kalusugan na, ayon nga sa Catholic social teaching na Pacem in Terris, ay karapatang dapat matamo ng lahat. Karapatan nating mabuhay, at kaakibat nito ang karapatan natin sa malusog na pangangatawan. Makakamit natin ito kung ang pamahalaang may pangunahing tungkuling gawing sapat ang mga serbisyong panlipunan—katulad ng universal health care—ay matutulungan tayo sa mga panahong kailangan nating magpagamot o tumanggap ng atensyong medikal.

Dahil malaki ang papel ng PhilHealth sa pagpapatupad ng Universal Health Care Act, dapat na pangasiwaan ito ng mga taong may akmang kaalaman at kakayanan sa masinop na pangangalaga ng pondo. Dapat na pinatatakbo ito ng mga mahuhusay at tapat na propesyunal upang magbalik ang tiwala ng mga kasangga nito sa paghahatid na maayos na serbisyong pangkalusugan katulad ng mga ospital. Dapat itong maging bukás sa pagbusisi ng publiko upang makaasa tayong may tulong tayong matatanggap sa oras ng ating pangangailangan.

Mga Kapanalig, ang ating kalusugan ay isang biyayang dapat nating pakaingatan. Wika nga sa 1 Corinto 6:19, ang ating katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa atin at ipinagkaloob ng Diyos sa atin. Tungkulin ng gobyernong tulungan tayong pahalagahan ang biyayang ito, kaya’t panahon nang magkaroon ng reporma sa PhilHealth.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 5,304 total views

 5,304 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 13,349 total views

 13,349 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 18,429 total views

 18,429 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 24,136 total views

 24,136 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 32,924 total views

 32,924 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 5,305 total views

 5,305 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 13,350 total views

 13,350 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 18,430 total views

 18,430 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 24,137 total views

 24,137 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 32,925 total views

 32,925 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,075 total views

 40,075 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 54,389 total views

 54,389 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,079 total views

 58,079 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 56,682 total views

 56,682 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 66,669 total views

 66,669 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 70,637 total views

 70,637 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 81,524 total views

 81,524 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 93,963 total views

 93,963 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 104,721 total views

 104,721 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 51,974 total views

 51,974 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top