Cardinal Advincula humihingi ng pang-unawa ng mga deboto ng Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 704 total reads

Humingi ng pang-unawa ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mananampalataya sa pagsasara ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa Kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa January 9.

Batid ni Cardinal Advincula ang hangarin ng milyung-milyong deboto ng Poong Hesus Nazareno na makadalo sa Banal na Misa sa basilica subalit binibigyan pagpapahalaga ng simbahan ang kaligtasang pangkalusugan ng nakararami sa banta ng coronavirus lalo na ang pagkalat ng Omicron variant.

“Nauunawaan namin ang hangarin ng marami na makapunta sa Quiapo sa araw ng kapistahan ng Mahal na Senor. Humihingi kami ng paumanhin at pang-unawa na dahil sa pandemya hindi natin maisasagawa ang mga tradisyunal na gawain kapag kapistahan ng Poong Hesus Nazareno,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Advincula.

Binigyang diin ni Cardinal Advincula na nababahala rin ang mga pastol ng simbahang katolika sa labis na pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa kasalukuyan mula nang pumasok ang taong 2022 lalo na sa National Capital Region.

“Kaisa ng pamahalaan, kami rin ay nag-alala na ang darating na kapistahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno ng Quiapo ay maging maging daan pa ng lalong paglala ng sitwasyon,” ani ng cardinal.

Bago pa man umapela ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pamunuan ng Quiapo Church na suspendihin ang pagdiriwang ng Traslacion, napagkasunduan na ng simbahan sa pangunguna ni Msgr. Hernando Coronel at ng National Task Force Against COVID-19 ang pagpapaliban sa Traslacion ngayong taon at pagbabawal sa physical masses sa araw ng kapistahan upang maiwasan ang pagdagsa ng mga deboto.

Dahil dito pinalawig hanggang January 9 ang pagsasara ng basilica subalit tiniyak ang patuloy na pagsasagawa ng Banal na Misa na matutunghayan sa official Facebook Page na Quiapo Church.

“Bilang tugon saoambihirang sitwasyon ng pandemya, mula ikapito hanggang ikasiyam ng Enero ang mga Misa sa Quiapo Church ay mananatiling online lamang upang maiwasan ang pagtitipon ng maramihan; bagamat online hinihikayat pa rin ang lahat na makiisa sa mga pgdiriwang ng Santa Misa sa loob ng Quiapo oras-oras ,” giit ni Cardinal Advincula.

Paanyaya ng cardinal sa mananampalataya na sa pamamagitan ng teknolohiya ay hayaan ang Poong Hesus Nazareno na dumalaw sa bawat tahanan sa pakikiisa ng mga Banal na Misa sa online livestreaming.

Matatandaang 2021 nang unang ipagpaliban ng Quiapo Church ang tradisyunal na Traslacion sa halip ay binuksan ang simbahan para sa mga misa sa limitadong kapasidad dahil sa paglaganap ng COVID-19.

 

 

 

 

Nitong January 5 muling naitala ang mahigit sa 10-libong panibagong kaso sa loob ng isang araw na labis ikinabahala ng mga eksperto.

Hinikayat ng Kardinal ang mga deboto na ipakita ang tunay na diwa ng debosyon sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin para sa kaligtasan ng nakararami.

“Umaasa kami sa inyong pakikiisa. Ipakita natin ang ating debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno sa ating pag-iisip ng makabubuti para sa bawat isa at pagmamalasakit para sa kaligtasan ng lahat,” dagdag ng cardinal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 19,394 total reads

 19,394 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 118,110 total reads

 118,110 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 162,379 total reads

 162,379 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 185,490 total reads

 185,490 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 259,554 total reads

 259,554 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top