Resilient Infrastructure

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 435 total reads

Kapanalig, ang ating bansa ay isa sa mga bayang napaka-bulnerable sa climate change sa buong mundo. Sa katunayan, noong 2019, tayo ay itinuturing na pinaka-bulnerable base sa report ng Institute for Economics and Peace. Ayon naman sa Fitch’s Climate Change Physical Risk Exposure Heatmap noong Nobyembre 2021, pang-apat naman tayo pagdating sa mga baha at mga bagyo.

Hindi na nakakapagtaka kapanalig na natuturing tayo na isa sa pinaka-bulnerable sa climate change – napapaligiran tayo ng katubigan at mahigit pa sa 20 bagyo ang dumadalaw sa atin kada taon. Nasa earthquake belt din tayo. Kaya kailangang, lagi tayong handa.

Kapanalig, kailangang matutukan ng ating bayan ang resilient infrastructure. Marami sa ating mga facilities, lalo na sa mga kanayunan, hindi handa sa mga banta ng climate change. Ang mga kabahayan natin hindi kaya ang mga hanging dala ng mga bagyong tulad ni Yolanda, ang ating mga gusali ay hindi handa para sa mga panahon na matindi ang tag-init. Ang ating mga kalye ay lagi na lamang lubog sa baha kada malakas ang ulan. Lahat ng ito ay nagpapakita na hindi pa climate-resilient ang ating mga imprastraktura.

Ang ganitong sitwasyon ay malaki ang implikasyon sa ating kinabukasan. Habang hindi handa ang ating imprastraktura, ang buhay ng maraming  mamamayan ay nasa panganib – kulang sa proteksyon.  Sa panahong madaling masira ang mga imprastraktura ng bayan kapag may sakuna, mas maraming mga tao ang nasasaktan at  nahihirapan mailigtas.

Time-saving at life-saving kapanalig, ang resilient infrastructure. Mababawasan ang mga taong bulnerable sa panganib kapag ang mga imprastrakturang nakapalibot sa kanila ay matibay. Mababawasan ang pinsala sa kabuhayan kapag ang mga pasilidad ng bayan ay matatag.

Kada sakuna, dahil mahina ang imprastraktura, palaki ng palaki ang nagiging damage o pinsala sa bayan. Mas malaki ang nagiging epekto sa ating ekonomiya, kapanalig, kung madaling masira ang ating mga kalsada, tulay, at iba pang imprastraktura. Pinapa-bagal nito ang growth o paglago ng bayan. At sa panahong sunod sunod ang sakuna, gaya ng sunod sunod na bagyo sa atin, halos hindi na makabangon pa ang mga mamamayan, kasama na rin ang ekonomiya.

Kapanalig, sa pagpa-plano pa lang sa ating mga siyudad, kailangan ma-integrate na natin ang resilience – iprayoridad ito sa pagsasagawa ng mga public infrastructure. Kailangang makita ng mga namamahala ang long-term benefits ng resilient infrastructure. Ayon nga sa Global Climate Change: A Plea for Dialogue, Prudence, and the Common Good, U.S. Conference of Catholic Bishops: True stewardship requires changes in human actions—both in moral behavior and technical advancement. Huwag sana tayo maging bulag sa katotohanan na sa mga bansang gaya ng sa atin, kailangan matibay- climate resilient- ang mga pasilidad at imprastraktura. Buhay at kabuhayan ang ating pino-protektahan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 90,573 total reads

 90,573 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 124,025 total reads

 124,025 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 159,324 total reads

 159,324 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 385,594 total reads

 385,594 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 274,269 total reads

 274,269 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 90,574 total reads

 90,574 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 124,026 total reads

 124,026 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 159,325 total reads

 159,325 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 385,595 total reads

 385,595 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top