Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

RH law: ‘Total failure’-ProLife

SHARE THE TRUTH

 454 total views

Sinalamin ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kabataang nabubuntis na hindi epektibo ang pinapairal na Reproductive Health Law o RH Law.

Ayon kay Rita Linda Dayrit, pangulo ng Pro-life Philippines Foundation Inc., nakababahala ang pagtaas ng bilang ng mga batang nagbubuntis na nangangahulugan ng kabiguan ng Reproductive Health Law na isinulong ng pamahalaan.

Pagbabahagi pa ni Dayrit, nangangahulugan rin ito na hindi epektibo ang nilalaman ng batas na pagsusulong ng sex education at paggamit ng mga contraceptives tulad ng condom.

“It is a total failure kasi alam mo ipinaglaban nila yan di ba ng mga Kongresista natin, ng DOH ipinaglaban nila yang RH Law para daw mabawasan isa yan sa inaano nila mabawasan ang teenage pregnancy, so the fact na tumataas that means hindi effective ang RH Law.

Hindi effective, hindi naging effective yung isinusulong nilang sex education, diba yan ang sinasabi nila kailangan alam ng mga bata ang itsura ng condom hindi effective.

Hindi effective yung promotion ng condom dahil ang mga bata nabubuntis pa din…” ang bahagi ng pahayag Dayrit sa panayam sa Radyo Veritas.

Giit ni Dayrit, higit na mahalaga ay ang paggabay ng mga magulang sa mga kabataan lalu na sa usapin ng pagpapahalaga sa sarili at sa pangangatawan na templo ng Espiritu Santo.

Binigyang diin rin ni Dayrit na sa halip na turuan ng paggamit ng mga contraceptives ang mga kabataan ay mas mahalagang isulong ang pangangalaga sa moralidad at ispiritwalidad ng mga kabataan.

“Kaya nga ang isinusulong namin palagi is always effective parenting at pagbabantay sa mga bata, education talaga dapat, education talaga na maituro sa mga kabataan kung papaano to have an abstinence relationship yung chase, pahalagahan nila ang katawan nila na tayo ay temple of the Holy Spirit.” Dagdag pa ni Dayrit.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, tumaas ng 7% ang bilang ng teenage pregnancy sa bansa o mga babaeng nanganak edad 15 taong gulang pababa noong 2019, kumpara noong 2018.

Sa tala ng Commission on Population and Development (PopCom) ito na ang ika-siyam na sunod na taon na tumataas ang bilang ng teenage pregnancies mula noong taong 2011.

Kaugnay nito nasasaad sa encyclical ni Pope John the 23rd noong 1963 na Pacem in Terris na mahalagang patatagin ang pamilya bilang pundasyon ng matatag at maayos na pagkatao ng mga kabataan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 65,579 total views

 65,579 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 73,354 total views

 73,354 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 81,534 total views

 81,534 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 97,225 total views

 97,225 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 101,168 total views

 101,168 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 22,517 total views

 22,517 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 23,185 total views

 23,185 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top