Kagalingan mula sa Covid-19, panalangin sa World Day of the Sick

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 801 total reads

Nagpaabot ng mensahe si Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo para sa pagdiriwang ng World Day of the Sick kasabay ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes sa Pebrero 11, 2021.
Ayon kay Bishop Pabillo, dapat na mas pahalagahan ngayon ang pangangalaga sa mga may karamdaman at ang pangagalaga sa sariling kalusugan.
Paliwanag ng Obispo na ngayong patuloy na nararanasan ng bansa maging ng buong mundo ang epekto ng pandemya, nakita at naunawaan ng bawat isa ang kahalagahan ng pag-iingat sa kalusugan.
Ilan sa mga paraang ginagawa ng mga tao upang makaiwas na mahawaan ng virus ay ang hindi pagpunta sa mga matataong lugar at ang pagkain ng mga masusustansiyang pagkain.
“Ngayon pong panahon ng pandemic, nakita po natin ang kahalagahan ng ating kalusugan. Kaya umiiwas po tayo at nagpapalusog tayo sa ating sarili,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.
Nakahanda naman ang simbahan na kalingain at tulungan ang mga nangangailangan lalo’t higit ang mga may karamdaman tulad ng ginawa ni Hesus sa mga maysakit noong unang panahon.
Ayon kay Bishop Pabillo, ginagawa ng simbahan ang sakramento ng pagpapahid ng langis sa mga maysakit, gayundin ang pagpapagaling sa kaluluwa na kaugnay ng katawan ng tao.
“May sakramento po tayo para sa mga may sakit, ang anointing of the sick. Mayroon din tayong sakramento ng pagpapagaling sa kaluluwa kasi alam po nating may kaugnayan ang karamdaman sa kaluluwa at karamdaman sa katawan,” ayon sa Obispo.
Dalangin naman ni Bishop Pabillo ang lubos na kagalingan ng mga maysakit at ang kaligtasan ng lahat laban sa banta ng virus.
Hinikayat din ng obispo, ang mga mananampalataya na manalangin sa Mahal na Birhen ng Lourdes upang makamtan ang tunay na kagalingan ng sanlibutan.
Sa mensahe ni Pope Francis, hinihimok nito ang pagbuo ng landas patungo sa kagalingan na nagmumula sa nagtitiwala at interpersonal na ugnayan sa pagitan ng mga may sakit at ng mga nangangalaga sa kanila.
Taong 1992 nang sinimulan ni Pope John Paul II ang paggunita sa World Day of the Sick bilang pagpapakita ng suporta at pag-aalay ng panalangin sa mga may karamdaman at sa masigasig nitong mga tagapag-alaga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 6,366 total reads

 6,366 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 42,699 total reads

 42,699 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 99,105 total reads

 99,105 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 222,472 total reads

 222,472 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 176,188 total reads

 176,188 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top