‘Risk reduction program’ laban sa kalamidad, panawagan ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,839 total reads

Ikinalungkot ni Caritas Manila executive director Fr. Anton CT Pascual na nasa ika-4 na pwesto ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang lubhang apektado ng iba’t ibang sakuna sa loob ng 20 taon.

Ito’y batay sa inilabas na ulat ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction sa paggunita sa International Disaster Risk Reduction Day noong ika-13 ng Oktubre.

Ayon kay Fr. Pascual, ang mga sakunang ito na likha ng kalikasan at ng tao ay nagiging dahilan ng higit pang paghihirap ng mamamayan.

Halimbawa nito ang mga bagyong kadalasang dumadaan sa rehiyon ng Bicol at Samar na nakapagtala ng maraming bilang ng mga nasawi at nasirang mga ari-arian sa mga nakalipas na taon.

“Itong mga combination ng man-made at natural disasters, palatandaan na magpapahirap sa ating bayan tulad ng bagyo na madalas dumadaan dyan sa Bicol, sa Samar, pa’no ka makakasustain ng agriculture dyan? Kaya’t ito ang kalagayan ng ating bansa,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radyo Veritas.

Ayon sa pari, ang mga lugar na ito ay nahihirapang magpatuloy at magpalago ng agrikultura na pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga naninirahan dito.

Hinimok naman ni Fr. Pascual ang pamahalaan na lumikha ng mga paraan at pangmatagalang progama upang maging angkop at maging ligtas ang bansa sa oras na salantain ng mga kalamidad.

“Kaya para mapaglabanan ‘yan, kailangang pag-isipan ng pamahalaan kasama ang [mga] pribadong [sektor], how do we make adjustment sa ating environment para makapag-adapt tayo sa negatibong epekto ng disaster. Napakahalaga sa pamahalaan na talagang magkaroon ng short term tsaka long term plan na ilikas ang mga mahihirap sa mapapanganib na lugar at pag-aralan natin yung agri-sector,” ayon kay Fr. Pascual.

Umaabot sa higit 20 ang dumadaang bagyo sa Pilipinas kada taon na nagdudulot ng malaking pinsala sa buhay at kabuhayan ng mga tao. Batay din sa tala ng United Nations, umaabot sa 149 na milyong Filipino ang naapektuhan ng mga sakuna na likha ng kalikasan sa nagdaang dalawang dekada.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 67,707 total reads

 67,707 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 103,273 total reads

 103,273 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 138,573 total reads

 138,573 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 364,843 total reads

 364,843 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 254,438 total reads

 254,438 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,767 total reads

 154,767 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top