Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Robredo, inendorso ng Lipa Archdiocesan Council of the Laity

SHARE THE TRUTH

 697 total views

Inendorso na ng Lipa Archdiocesan Council of the Laity ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo para sa pagkapangulo sa darating na halalan sa ika-9 ng Mayo, 2022.

Sa opisyal na pahayag ng Lipa Archdiocesan Council of the Laity, ibinahagi ng konseho na bunga ang naturang desisyon ng process of discernment ng mga opisyal at kasaping layko ng arkidiyosesis na kinabibilangan ng mga serye ng pagpupulong, talakayan at konsultasyon.

Partikular rin na tinukoy ng konseho na nagsilbing gabay para sa kanilang pagninilay at pagdidesisyon ang mga nakapaloob sa “Aral ng Batangueño” na naglalaman ng mga turo ng Simbahan.

Ayon sa Lipa Archdiocesan Council of the Laity na pinangungunahan ng pangulo nito na si Maria Elizabeth I. Quinto, ang kanilang aktibong pagkikisangkot sa nakatakdang halalan ay tugon ng mga layko sa arkisiyosesis sa hamon ng Second Plenary Council of the Philippines (PCP 2) na pangunahan ng mga layko ang paghubog sa civic conscience ng mga botante.

Ipinaliwanag ng konseho na hindi lamang limitado sa non-partisan involvement ang pakikisangkot ng mga layko sa usapin ng pulitika sapagkat higit na kinakailangan ang pangunguna ng mga layko sa principled partisan participation sa pagpili ng karapat-dapat na kandidato.

Kabilang sa mga pamantayan at katangiang kinilatis ng Lipa Archdiocesan Council of the Laity ay ang pagiging matapat, makatotohanan, may paninindigan at may tunay na intensyong maglingkod sa bayan ng mga kumakandidato para sa pagkapangulo kung saan higit na nangibabaw si Vice President Leni Robredo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 28,859 total views

 28,859 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 42,919 total views

 42,919 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 61,490 total views

 61,490 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 86,145 total views

 86,145 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567