RVM Sisters, nagpapasalamat sa mga tumulong sa kanilang pagbangon sa epekto ng COVID 19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 454 total views

Muling nagpasalamat ang Congregation of the Religious of the Virgin Mary o RVM Sisters sa mga nagpaabot ng suporta at panalangin nang matinding maapektuhan ng COVID-19 ang buong kumbento.

Sa inilabas na pahayag ni RVM Superior General Mother Maria Corazon Agda, sinabi nito na malaki ang naitulong ng pagmamalasakit ng mga taong nasa labas ng kumbento upang malampasan nila ang pagsubok na kinaharap.

“There are not enough words to capture how touched we have been and how grateful, beyond expression,” pahayag ni Mother Agda.

Sinabi ni Mother Agda na ang kabutihang-loob na kanilang natanggap at naramdaman ang nakatulong sa mga RVM Sisters upang mas palalimin ang pananampalataya at tatagan ang loob sa kabila ng takot at pagluluksang idinulot ng COVID-19 sa kumbento.

“By your kindness, our Sisters with our lay partners have acknowledged with renewed gratitude that God is indeed present, that He truly cares. By your prayers, we gained courage to cross our ‘covid-colored’ valley of fear,” ayon sa pahayag.

Magugunita nitong Setyembre nang magpositibo sa COVID-19 ang 62 madre at 52 personnel ng Saint Joseph Home at kumbento ng mga RVM Sisters sa Quezon City.

Sa nasabing bilang ng mga nagpositibong madre, 11 ang naitalang nasawi na pawang mga nasa edad 79 hanggang 98 taong gulang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 31,246 total views

 31,246 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 74,854 total views

 74,854 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 158,897 total views

 158,897 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 173,781 total views

 173,781 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top