Sa gitna ng COVID-19 pandemic, kumikita pa rin ang mga Discaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,756 total reads

Pinuna ni Deputy Speaker Janette Garin ng Iloilo ang tuloy-tuloy na paglaki ng kita ng mga kumpanya ng mag-asawang Pacifico at Sarah Discaya, maging sa panahon ng Covid-19 pandemic.
Ang mag-asawang Discaya ay ang may ari ng St. Timothy Construction Corp. at siyam na iba pang construction firm na bahagi ng iniimbestigahan ng Kamara at Senado dahil sa ghost at substandard infrastructure at flood control projects ng pamahalan.
Ayon kay Garin, ang paglago ng kita ng mag-asawa ay sa kabila ng pandaigdigang pagbagsak ng ekonomiya, kabilang na ang Pilipinas na dulot ng epekto ng pandemya.

Batay sa financial statements na isinumite sa Securities and Exchange Commission (SEC), umabot sa ₱11.58 bilyon ang kita ng Discaya group mula sa gobyerno noong 2020. Sumunod ang ₱16.07 bilyon noong 2021, at ₱20.52 bilyon noong 2022. Noong 2023, nanatili sa mataas na antas ang kita na ₱18.62 bilyon.

Ayon kay Garin, kasabay ng pagtaas ng kita ng mga kumpanya ang malawakang kahirapan sa bansa at hindi sapat na suweldo ng mga healthcare workers, na naglalarawan ng matinding kaibahan sa pagitan ng lumalaking yaman ng ilang pribadong kumpanya at ng hirap ng ordinaryong Pilipino dulot ng pandemya.

“Ito ang panahon na marami ang nawalan ng trabaho, marami ang uncertainties, marami ang namatay, marami ang lumubog sa utang dahil napakamahal ng testing sa Pilipinas,” wika ni Garin.

Dagdag niya: “Ito rin ang panahon na ang ating healthcare workers ay hindi naswelduhan ng tama. Pero ang Discaya group of companies, ang revenue nila from government ay P11.583 billion [in 2020].”

“Of course, with due courtesy to Mr. Discaya, siguro they took advantage of a situation,” ayon kay Garin.

Taong 2020-sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nang maranasan ng bansa ang matinding hamon sa kalusugan, at ekonomiya, kung saan ang nagpatupad ng lockdown at quarantine measures sa buong bansa upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 na naging dahilan kung bakit maraming negosyo at trabaho ang naapektuhan, kabilang na ang pagtaas ang bilang ng mga mahihirap at nawalan ng hanapbuhay.

Ayon sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang 7.3 milyong manggagawa ang nawalan ng trabaho sa Pilipinas noong Abril 2020 dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic. Ang bilang na ito ay nagresulta sa pinakamataas na antas ng 17.7% unemployment rate sa kasaysayan ng bansa

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 94,486 total reads

 94,486 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 233,051 total reads

 233,051 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 348,828 total reads

 348,828 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 465,672 total reads

 465,672 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top