Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 8,411 total views

Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Setyembre 2023, Mat 18,15-20

Dati, pag sinabing “simbahan” ang tinutukoy natin ay gusali kung saan nagsisimba. Buti na Iang ngayon, mas alam na natin na ang simbahan pala ay tayo—ang sambayanang nagkakatipon. Pero kulang pa iyon—dahil hindi pa rin ang pagtitipon ang bumubuo sa simbahan. Ang orihinal na salitang Griyego para sa simbahan ay EKKLESIA, at ang pinaka-ugat na salita ay KALEO, pinagmulan din ng Ingles na CALL. Ibig sabihin ang sambayananang nagtitipon dahil “tinawag sila at tumugon sa tumawag sa kanila”—si Kristo.

Kaya narinig natin “…saan man may dalawa o tatlong nagkakatipon SA NGALAN KO, naroon akong kasama nila.” Mateo 18:20. Sa ngalan ng tumawag sa atin—oo, kahit dalawa o tatlo lang. Higit na mas marami tayo nga tayo sa dalawa o tatlong daan sa loob ng simbahang ito. Paano malalaman, o ano ang palatandaan na ang pagtitipon ay ginagawa natin sa pangalan ng Panginoon na tumawag sa atin? Dalawang bagay ang ibabahagi ko, batay sa ating mga pagbasa:

Una, kapag nagiging daan ng pagkakasundo ang ating pagtitipon. Ikalawa, kapag nagkakaisa tayo sa panalangin.

PAGKAKASUNDO

Una, tagapamagitan ng pagkakasundo. Apat na paraan ang ibinibigay ng ebanghelyo, mga bagay na pwedeng gawin para makipagkasundo sa kaaway. Una, kausapin daw muna siya nang sarilinan. Take note, sarilinan; ibig sabihin, iingatan mong hindi siya mapahiya sa iba.

Pero mukhang alam ni Hesus na hindi laging umuubra ito. Sabi ng mga psychologists, kung ang dating ng pakikipag-usap ay parang akusasyon, magiging defensive lang ang kausap, magsasara siya imbes na makinig. Mas mabuti na i-express—hindi akusasyon kundi sariling pakiramdam o pinagdaraanan.

Buti na lang meron pang pangalawang paraan pag di umubra ang personal approach—magsama daw ng isa o dalawa—ibig sabihin, mga taong iginagalang niya at tipong pakikinggan niya: pwedeng magulang nita o best friend?

Pero paano kung hindi pa rin siya makinig? Isangguni daw sa simbahan o sa buong kapulungan ng mga kapwa alagad. At kung hindi pa rin siya makikinig, ituring daw siya bilang isang Hentil o tax-collector. Ibig bang sabihin itiwalag na siya o putulin na ang kaugnayan sa kanya? A, teka, tandaan, si San Mateo ang nagsulat nito—ang dating tax-collector. At tandaan din ang Roman Centurion (hentil) na humingi ng tulong sa kanya at pinagbigyan niya, kahit ang tingin sa kanya ng mga Hudyo ay kalaban o madumi.

Di ba ayon sa ating tradisyunal na sakramento ng pakikipagkasundo, may apat na sangkap ng pagkakasundo? Pag-amin, pagsisisi, pagkukumpuni, at papapatawad?

Kaya siguro ginamit ni Hesus ang larawan ng pagtatali at pagkakalag para sa misyon ng pagkakasundo. Ang unang tatlong sangkap ng sakramento ay may kinalaman sa pagtatali: ibig sabihin, papanagutin ang dapat managot. Akuhin ang kamaliang nagawa, huwag nang isumbat sa iba, pagsisihan, pagbayaran. Siyempre ang kasunod ay pagkakalag, ang larawan ng patawad, o pagpapalaya sa kulungan ng galit at hinanakit.

Dalawang palatandaan ang sinabi ko na pagninilayan natin para malaman kung ang ating pagtitipon ay ginagawa natin sa pangalan ng Panginoon na tumawag sa atin? Una PAKIKIPAGKASUNDO. Anon ang pangalawa? Pagkakaisa sa panalangin.

PAGKAKAISA SA PANALANGIN: Isa sa mga mahalagang parte ng Misa ay ang Panalangin ng Bayan. Minsan may nagtanong sa akin, bakit po ba kailangan pang banggitin ang mga pangalan sa Mass intentions? Alam naman ng Diyos. Sabi ko, Kasi importanteng alam din ng bayan. Para makipagkaisa tayo ng puso at diwa sa pananalangin para sa kapwa. Di ba sinabi ito ni Hesus sa Mat 18:19? “Tandaan din ninyo: kung ang dalawa sa inyo ay nagkaisa dito sa lupa sa paghingi ng anuman, ito’y ipagkakaloob sa inyo ng aking Ama na nasa langit.”

Paalala: siryosohin natin ang mga pinangakuan natin na isasama sa ating mga panalangin. Isulat sa papel ang pangalan at intensyon at kung kailan ipagdarasal. At mas magandang sabihing: “I will pray with you,” kaysa “I will pray for you.” Magandang reminder din ito sa humihiling, siya pa rin ang main prayer warrior, supporting warrior ka lang.

Kaya sa panalangin napakahalaga ng pakikinig at pakikiramdam sa pinagdaraanan ng kapwa. Sa ganyang paraan lang tayo matututong “makigalak sa mga nagagalak at makiluksa sa mga nagluluksa.” Sa panalangin lumalakas ang pakikibuklod natin ng puso at diwa sa kapwa alagad. Sa ganyan tayo nagiging sambayanang tunutugon sa tawag ni Kristo.

May pangatlo pa, pero conclusion na lang: ang nagkakatipon sa ngalan ni Kristo ay nagiging kinatawan ni Kristo. Sa pakikinig natin sa Salita ng Diyos at pagtanggap sa katawan Kristo, hindi natin siya sa tiyan ipinapasok at binabago para maging kabahagi natin. Tayo ang binabago niya at ginagawang bahagi ng katawan niya. Para Sa ating pagkilos, gawain at pagtitipon, si Kristo mismo ang siyang kumilos at magpatuloy ng kanyang misyon: ang pagsasaatin ng kaharian ng Diyos.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 12,474 total views

 12,474 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 19,955 total views

 19,955 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 33,095 total views

 33,095 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 39,068 total views

 39,068 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 44,822 total views

 44,822 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 1,127 total views

 1,127 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 1,128 total views

 1,128 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,882 total views

 3,882 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 8,297 total views

 8,297 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,623 total views

 3,623 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 4,146 total views

 4,146 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,645 total views

 5,645 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,489 total views

 6,489 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,744 total views

 4,744 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,957 total views

 8,957 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 8,189 total views

 8,189 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,399 total views

 12,399 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,847 total views

 5,847 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,851 total views

 5,851 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,851 total views

 5,851 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top