Sa paghupa ng panganib ng Covid-19: Pagtanggap ng ostiya sa ‘bibig, muling pinapayagan na ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,476 total views

Pinahihintulutan na ng Archdiocese of Cebu ang pagtanggap ng banal na komunyon sa bibig.

Ito ay kaugnay na rin sa pagbabawal ng simbahan dulot na rin ng panganib sa kalusugan na hatid ng novel coronavirus pandemic.

Ang hakbang ng arkidiyosesis ay kasunod na rin nang pagluluwag sa protocol kaugnay sa pandemya, bagama’t naitatala na rin ang pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa.

Hinimok din Cebu Archbishop Jose Palma ang mga pari at eucharistic ministers na banggitin ang katagang ‘the Body of Christ’ sa bawat mananampalatayang tatanggap ng komunyon.

“Although Holy Communion may now be given on the tongue, Holy Communion on the hand is still the safest and preferred way of receiving Holy Communion,” bahagi ng liham sirkular ng arkidiyosesis.

Kabilang sa inamiyendahang liturgical protocols ang panawagan sa mamamayan na makiisa sa mga gawain ng simbahan lalo ngayong Semana Santa.

Gayunpaman, ipinagbabawal pa rin ng simbahan ang paghalik sa krus sa Biyernes Santo sa pagpaparangal ng krus ni Hesus sa halip ay hinimok ang mananampalataya sa pag-genuflect tanda ng paggalang at pagbibigay pugay.

Pinahihintulutan naman ang paghawak sa mga imahe lalo pagkatapos ng prusisyon sa Biyernes Santo.

Sa kabila ng pagluluwag ng protocols ay patuloy ang panawagan ni Archbishop Palma sa mga lingkod ng simbahan at mamamayan na maging maingat upang maiwasan ang pagkahawa sa anumang uri ng sakit kabilang na ang COVID-19.

“The wearing of face mask is now optional; while pastors and church personnel are still encouraged to provide sanitation materials such as alcohol at the main door of the church,” saad ng arkidiyosesis.

Ayon sa datos ng Department of Health sa mahigit apat na milyong COVID cases sa bansa bumaba sa halos 300 kaso ang naitatala sa araw-araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 9,196 total views

 9,196 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 37,201 total views

 37,201 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 55,001 total views

 55,001 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 54,609 total views

 54,609 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 166,557 total views

 166,557 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 7,006 total views

 7,006 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top