3,024 total views
Isinusulong ni Senator Robinhood Padilla ang panukalang kilalanin ng pamahalaan ang church annulment.
Sa Senate Bill No. 2047 o Church Decreed Annulment Act binigyang diin ng mambabatas na dapat kilalanin ng estado ang church annulment sapagkat sa ilalim ng Family Code of the Philippines pinahihintulutan ang mga pari, rabbi o ministro sa paggawad ng kasal na nakarehistro sa civil registrar.
“Whenever a marriage, duly and legally solemnized by a priest, minister, rabbi or presiding elder of any church or religious sect or any person authorized to solemnize marriages in the Philippines, is subsequently annulled or dissolved in a final judgment or decree in accordance with the canons or precepts of the church or religious sect in which the marriage was solemnized or in which either married partner is a member at the time of the request for the annulment or dissolution, the said annulment or dissolution shall have the same effect as a decree of annulment or dissolution issued by a competent court,” bahagi ng pahayag ni Padilla.
Nasasaad din sa panukala ni Padilla na ang status ng bata makaraan ang church annulment ay tutukuyin ayon sa nakapaloob sa Family Code of the Philippines.
Una ng sinang-ayunan ni ni Fr. Jerome Secillano ng CBCP Commission on Public Affairs ang House Bill Number 1593 ng mababang kapulungan na may kaparehong layunin na pagkilala ng pamahalaan ang church annulment.
Ayon sa pari na ito ay sang-ayon sa repormang isinusulong ng Santo Papa Francisco sa usapin ng annulment of marriage gayundin makaiwas sa dagdag gastusin at mahabang proseso sa pagsasawalang bisa ng kasal.
Sa datos noong 2015 nasa 40 kaso ng annulment kada taon ang inihain at pinag-aaralan sa National Appelate Matrimonial Tribunal ng simbahan sa Pilipinas.