Sa paghupa ng panganib ng Covid-19: Pagtanggap ng ostiya sa ‘bibig, muling pinapayagan na ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,739 total reads

Pinahihintulutan na ng Archdiocese of Cebu ang pagtanggap ng banal na komunyon sa bibig.

Ito ay kaugnay na rin sa pagbabawal ng simbahan dulot na rin ng panganib sa kalusugan na hatid ng novel coronavirus pandemic.

Ang hakbang ng arkidiyosesis ay kasunod na rin nang pagluluwag sa protocol kaugnay sa pandemya, bagama’t naitatala na rin ang pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa.

Hinimok din Cebu Archbishop Jose Palma ang mga pari at eucharistic ministers na banggitin ang katagang ‘the Body of Christ’ sa bawat mananampalatayang tatanggap ng komunyon.

“Although Holy Communion may now be given on the tongue, Holy Communion on the hand is still the safest and preferred way of receiving Holy Communion,” bahagi ng liham sirkular ng arkidiyosesis.

Kabilang sa inamiyendahang liturgical protocols ang panawagan sa mamamayan na makiisa sa mga gawain ng simbahan lalo ngayong Semana Santa.

Gayunpaman, ipinagbabawal pa rin ng simbahan ang paghalik sa krus sa Biyernes Santo sa pagpaparangal ng krus ni Hesus sa halip ay hinimok ang mananampalataya sa pag-genuflect tanda ng paggalang at pagbibigay pugay.

Pinahihintulutan naman ang paghawak sa mga imahe lalo pagkatapos ng prusisyon sa Biyernes Santo.

Sa kabila ng pagluluwag ng protocols ay patuloy ang panawagan ni Archbishop Palma sa mga lingkod ng simbahan at mamamayan na maging maingat upang maiwasan ang pagkahawa sa anumang uri ng sakit kabilang na ang COVID-19.

“The wearing of face mask is now optional; while pastors and church personnel are still encouraged to provide sanitation materials such as alcohol at the main door of the church,” saad ng arkidiyosesis.

Ayon sa datos ng Department of Health sa mahigit apat na milyong COVID cases sa bansa bumaba sa halos 300 kaso ang naitatala sa araw-araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 38,761 total reads

 38,761 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 73,042 total reads

 73,042 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 129,448 total reads

 129,448 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 251,095 total reads

 251,095 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top